Third Person's POV
Alas-dose na ng madaling araw pero andito pa rin si Vivoree sa restaurant at inaaral ang isang bagong recipe na ilang oras niya na ding ginagawa. Hindi kasi talaga ito pamilyar sa kanya at ayaw niyang mahirapan kung sakali mang maging in-demand ito kapag nailabas na bukas. Recipe ito ni CK. Malamang ay tangkilikin nanaman ito agad ng mga tao. Kaya nga nangako siya sa sarili niyang aaralin niya talaga ito kahit di na siya makatulog o makapahinga ngayon.
"Aww! Shit. Ang init!" Saka niya sinipsip ang daliring pangsampung beses na atang napapaso mula kanina. Hay, nakakapagod talaga toh. Ito na ata ang pinakamahirap niyang inaral na recipe at hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil nakakaramdam din siya ng kaunting pressure sa isiping si CK ang nag-imbento neto. Ayaw niyang magkamali kasi ayaw niya itong madisappoint. Hays, huminga nalang siya ulit ng malalim at bumalik na sa ginagawa.
Ilang ulit na pabalik-balik ang tingin niya sa recipe book tapos sa ingredients ulit. Ilang ulit na pagcheck kung tama na ba ang sukat. Ilang check sa raw ingredients kung tama ba ang pagkakahiwa. Ilang takal pa ng tubig at kung ano-ano pang liquid ingredients. Ilang play din ng video na ginawa ni CK regarding this new recipe na para lang talaga sa mga staff ng restaurant. Necesarry kasi talaga na gumawa sila ng video kapag may bago silang inilalabas na recipe para madaling mapag-aralan. Hindi na nga lang pinapansin ni Vivoree ang onting kilig na nararamdaman dahil sa napakagwapong lalaki na nasa screen ng cellphone niya ngayon.
"Hays, bakit kasi ang gwapo neto diba?" Naitanong nalang niya sa isip na agad din namang iwinaglit kasi nga kailangan niyang pag-aralan ng mabuti ang recipe na toh.
Napatayo naman si CK at inayos na ang mga files ng sales nila this month na pinag-aaralan niya din mula pa kaninang uwian nila na 9:30 PM. Hindi pa tapos pero pagod na siya at inaantok kaya nagpasya na siyang umuwi.
Matapos makapagligpit, kinuha niya na ang cellphone at messenger bag na nakapatong sa mesa. Pinatay niya ang mga ilaw sa loob ng opisina niya at kinandado na din ito pagkalabas niya.
Dederetso na dapat siya paalis kung hindi niya lang napansin na bukas pa ang ilang ilaw sa kusina nila. Nagtaka siya kaya nagdesisyon siyang icheck kung sino ba ang nandun.
Isang humihikab na Vivoree ang naabutan niya sa kusina. Mukang inaaral neto ang bagong recipe na inilabas niya kanina sa meeting nila. Lalapit dapat siya para pauwiin na ito but he realized that he wants to watch her do this thing. Humanga nanaman siya sa determinasyon neto na matutunan ang isang bagong bagay. Hindi pa rin talaga ito nagbabago.
"Wag kang tumawa-tawa diyan, CK. Nadidistract ako."
Nagtaka siya sa narinig. Hindi naman siya nagsasalita. Paanong tumatawa pa?
"Isa pa talaga, naku sinasabi ko sayo."
Then he realized that she was pertaining to his video tutorial. Sa part kung saan nagkamali siya ng konti sa sukat ng ingredient kaya natatawa niya itong inulit. Napangiti nalang siya at napailing-iling. Nagdesisyon na din siyang lapitan at kausapin ito ngayon.
"So nadidistract ka pala sa tawa ko? Ganun ba ako kapogi, Love?"
"Ay pusang gala na nagnakaw ng ulam sa kapitbahay!"
Napatawa nanaman siya sa mga nasabi neto dahil sa sobrang gulat. Lumingon ito sa kanya, nanlalaki ang mga mata.
"Oh my gosh. Sir CK naman eh! Bakit po ba kayo nanggugulat diyan?"