Kabanata 23
Mad
Since that day naging madalang na rin ang pag-uusap namin ni David. Hindi na siya madalas tumawag sa akin gaya ng nakasanayan. Kapag naman ako ang tumatawag sa kaniya, hindi niya sinasagot.
"Nay." tawag ko sa kay Nanay habang siya'y nag-luluto.
"O bakit?"
Lumapit ako sa kaniya at pinanood ang ginagawa niya.
"Anong koneksyon ni Papa sa Grey Group of Company?"
Kitang-kita ko ang pagdaan ng gulat sa kaniyang mukha ngunit agad rin itong nawala. Iniwas niya ang tingin sa akin. Sumilip siya sa orasan na nasa pader.
"Pumasok ka na. Baka ma-late ka."
"Nay!" gulat kong sabi.
Bakit iniiba niya ang usapan?
"Bakit hindi niyo po ako masagot?"
Inis na ngayon ang nakikita ko sa kaniyang mukha. Huminga siya ng malalim bago ako nilingon.
"Hindi na importante iyon--"
"So may koneksyon si Papa doon? Mayaman si Papa?" nag-simula ng mamuo ang luha sa aking mga mata.
Umiling siya sa akin. Ngunit hindi iyon bilang pag-tanggi. Isa iyong iling na para bang hindi siya makapaniwala na may nasabi siya.
"Nay, mayaman si Papa? Pero bakit? Bakit hinayaan niya tayong manirahan ng ganito?"
Tinalikuran niya ako at kinuha ang nga pinag-kainan sa lamesa. Sinundan ko siya. Hindi ako titigil hangga't wala akong nakukuhang sagot!
"Nay!"
Bahagya akong napatalon nang padabog niyang ilagay ang mga hugasin sa lababo.
"Dahil isang malaking duwag ang Papa mo, Krist! At isa akong mahina! Takot sa mga bagay na maaaring gawin nila sa atin!" nakita ko ang pag-tulo ng luha sa kaniyang pisnge.
Ang makitang umiiyak siya ay isa sa mga kahinaan ko. Gaya niya'y napaiyak na lang rin ako.
"Ang Papa mo ang tagapag-mana ng GGC ng maging kami. His family don't like me. Hindi nila ako gusto sa kaniyang anak dahil isa akong hamak na mahirap. Ang gusto ng mga magulang ng Papa mo ay mayaman. Iyong tipong may kakayanan na tulungan ang Papa mo sa pamamalakad ng kompaniya. Ngunit iba ang kurso ko. I'm not into business. Hamak na Food Tech lamang ang kinuha kong kurso na malayong malayo roon." umupo siya sa isa sa nga upuan habang ako'y nanatiling nakatayo at nakikinig sa kaniya. Inihilamos pa niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha.
"Nang mabuo kayo ay mas lalong lumaki ang galit sa akin ng pamilya ng papa mo. Hindi lamang sa akin kun'di pati na rin sa Papa mo. Papalayasin ang Papa mo kung mananatili siyang makikipag-kita sa akin. Ngunit makulit ang iyong ama. Kahit na pilit ko siyang pinapalayo ay lapit pa rin siya ng lapit. Hanggang sa tuluyan na nga siyang palayasin. Hindi ako pumayag. Aya'kong masira ang buhay ng iyong ama ng dahil sa akin. Nang ipanganak ka ay pinalayo ko siya sa akin. Mahirap na makita siyang kumakain ng pang-mahirap na pagkain. Mahirap na makita siyang pawis na pawis sa pagta-trabaho para lamang may maipakain sa atin. Minsan pa'y hindi siya tinatanggap dahil hindi pa siya tapos ng kolehiyo. Hanggang sa nasubukan niyang maging construction worker.
"Iyong makitang siyang puros pintura o buhangin ang kaniyang damit sobrang hirap lalo na't ang kinagisnan ko sa kaniya'y mamahalin na damit ang suot. Iyong imbes na suportahan ko siyang umangat... mas hinihigit ko pa siya pababa."
Nanlaki ang aking mga mata sa naririnig. "H-hindi ko po maintindihan.. P-Papaanong nangyari iyon? Ang a-alam ko'y may una siyang pamilya at naging pangalawa ka la--"
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...