AJ POV
"may isang taon nang nandito sa Pilipinas ang hinahanap natin. At nasa batangas lang ito naglalagi sa ngayon." Sabi agad sa akin ni Gab ng makarating ako sa bahay namin.
"May posibilidad ba na sya ang kumuha sa mga bata?" tanong ko naman sa kanya.
"Inimbistigahan pa sa ngayon. Hindi pa natin maconfirm kung sya nga ang kumuha sa mga bata."
"What about sa dating secretary ni Mr. Ventura? Nagsalita na ba sya?" tanong ko ulit.
"Hindi pa nagfeedback ulit ang kapulisan doon pero sige tawagan ko ngayon para makibalita. Sandali lang." sabay kuha ng kanyang cp para tawagan nga sila kaya pansamantalang pumunta muna ako sa bar counter para kumuha ng alak.
Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos makipag usap si Gab.
"Anong balita?" tanong ko agad dito ng makalapit sa akin.
"Nagsalita na sya." pambibiting sabi nya sa akin.
"Anong sabi nya? Tama ba ang hinala ko??"
"Oo tama ka. May kinalaman sya sa pagkawala ng mga bata. Part ng plano ang pagpapapunta sayo sa ibang bansa para makuha ang mga bata. Ang sabi nya pa napilitan lang daw syang gawin yun dahil tinakot daw sya at pati ang pamilya nya ay madadamay kung hindi sya susunod." sabi nito sa akin.
"Napakawalangya talaga ng may gawa nito. Pati ibang tao idadamay pa." pagalit na sabi ko.
"May isa ka pang dapat malaman." sabi nya ulit kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano yun?" sagot ko agad sa kanya.
"Tama ka ng hinala kung sino ang may pakana nito."
"Hindi na ako magtataka kung sya nga ang may gawa nito. Pero hindi nya dapat idinamay ang mga bata. Kung may galit sya sa amin ni Reign dapat hinarap nya nalang kami. Hayop sya!" lalong nanggagalit na sabi ko.
"Pagbabayarin ko sya sa ginawa nya sa mga anak ko." Sabay alis ko para puntahan ang may pakana nito.
Agad din sumakay si Gab sa kotse ko ng makasakay ako kaya napatingin ako sa kanya.
"Sasama ako." sabi nya hindi na lang ako kumibo.
"Tumawag na ako ng mga pulis para sumunod sa atin." Muling sabi ni Gab habang nasa byahe kami.
Hindi ako kumibo dahil mas nanaig sakin ang galit sa ngayon. Mas minabuti ko na ding hindi muna sabihin kay Reign ito dahil alam kong magpupumilit syang sumama kung sakali.
"May binigay na address ang private investigator natin. Posible daw na nandoon ang mga bata. May mga nakita daw kasi syang mga armadong lalaki nung sinundan nya ang suspect natin." Muling salita ni Gab habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"Sige. Be ready. Papasukin natin yan. Pagbabayarin ko sya sa ginawa nya sa mga anak ko. Hindi ko sya mapapatawad." Gigil na sabi ko.
"Wait! Are you sure with that? Anong ipanglalaban mo dun? Masyado silang marami at armado. Bakit hindi nalang natin hintayin ang mga pulis?" May alinlangan sagot nya na ikinailing ko na lang.
"Akong bahala." Tanging naisagot ko na lamang.
After almost 1 hour na byahe, narating na din namin ang lugar na sinasabi ng investigator. Masyadong liblib ito and for sure mahahalata kami kung mananatili kaming nakasakay habang papalapit sa esksaktong lugar.
"Iwan na lang natin dito itong sasakyan." Sabi ko nalang sabay mabilis na bumaba ng masiguro kong safe na lumabas. Mabilis naman na sumunod sakin si Gab sa likod ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...