Chapter 5

4 1 0
                                    


Kahit naiinis ay inayos ko parin naman yung mga gamit na tumilapon dahil sa pagsisipa ko sa maletang to.
May nakita ako kanina na journal at naka pangalan ito sa isang 'Kakhero Manuel Dela Vega'. So that is his name huh? And oh I assume his a doctor? Puro mga medical terms lang naman kasi ang laman ng journal nya eh. Tsk! A pervert doctor I see.

Damit, personal hygienes and such. Wala naman ibang kakaiba bukod sa journal nito at iba pang mga papers na siguro ay related sa trabaho nito.

Gosh! Pano ko ba mako-contact ang isang to? Ni Wala man lang phone number na nakalagay.
Sinalansan kong muli ang mga t-shirts nitong nagulo na. In fairness ang babango ng damit nya ah.

----

Matapos kong ayusin ang maleta ng manyak na iyon ay naisipan ko munang pumunta sa mall. Like heller? Ang lagkit lagkit na ng pakiramdam ko. I need to buy clothes kahit ilang pares lang para makapag palit ako at makabili na rin ng mga personal na bagay na kailangan ko. Though pwede ko naman sigurong gamitin tong ibang damit nya diba? Well, Kung yung akin eh gamitin nya ay hindi naman ako magagalit. As long as wag lang nyang sisirain. I laughed at that thought. Him wearing girl clothing makes me guffaw. Haha, silly me!

But, I need my suitcase now! Nandoon lahat ng papers ko. Higit lalo ang mga drafts ng story na isinusulat ko.
Alam ko na nasa bakasyon ako. But I can't help it. I really love to write, at kahit ang bakasyong 'to ay hindi ako mapipigilang gawin ang bagay na gusto ko.

Matapos akong makabili ng mga kailangan ko ay pumunta muna ako sa isang fastfood chain. I'm so hungry!

Mauupo nalang sana ako sa isang bakanteng table ng biglang may naupo rin doon sa kabilang upuan. Bale ang resulta ay magkaharap kami.

Inis kong tiningnan ang kung sino man na mang-aagaw sakin sa table nato. At mas lalong nadagdagan ang inis ko ng makilala kung sino ang taong kaharap ko.

Argh!

"Oh, what a coinsidence! Have a seat miss."

"Nauna ako sa upuang to Mister. So if you dont mind? Leave me alone."

May diin na sabi ko na nagpataas lang ng kilay nito. Aba? bakla sya? Sayang, gwapo pa naman sana, gwapo din pala ang hanap. Bakla pero manyak? Ay anuyon, naiinggit lang sa waistline ko ganun? Tsk, tsk, tsk.

"Look miss, gutom na ako at kung titignan mo ay wala ng bakanteng upuan o table. Kung gusto mong umalis then go. Walang pumipigil sayo, basta hindi ako aalis at kakain na ako."

Napapikit nalang ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. Kanina pa talaga, hindi naman ata bakasyon to eh! Disaster lang ata ang pinunta ko dito!

Tinignan ko lang ito ng masama ng natatawa itong  nagsimulang kumain. Aish! Mabilaukan sana.
Wala na akong nagawa kundi maupo nalang, ayokong malipasan ng gutom dahil lang sa antipatikong lalaking ito na sya ring dahilan ng pagkainis ko kanina sa airport. Huh, ang swerte ko talaga!

"Di ba sinabi ng mga magulang mo sayo na masama ang tumitig, Mister?"

Inis kong baling dito. Alam ba nyang di ako makakain ng maayos dahil kanina pa sya nakatitig? Look, di ako nag aasume. Napaka obvious lang talaga kasi.

"Masama ang tumitig kung masama ang tinititigan. In your case, maganda ka Miss at hindi ka nakakasawang pagmasdan."

Muntikan na akong matumba ng bigla akong mabilaukan dahil sa sinabi ng lalaking to. Anu daw?!
Dagli naman nitong inabot ang tubig at hinagod ang likod ko. Bigla naman akong napa ayos ng upo at napiwas ng tingin kasabay ng pag iinit ng pisngi ko. What the heck!?

"Hands off! Bastos ka talaga!"

"Easy, Im just trying to help you. Nothing more, nothing else."

Nakataas kamay na anas nito na wari'y sumusuko. Sinamaan ko lang sya ng tingin at inayos ang sariling pagkakaupo. Baka nakakalimutan ng ugok na ito ang ginawa nya kanina? Baka gustong maulit ang paninigaw ko sakanya?

"You're not fond of saying even a single 'thank you' aren't you?"

Tila nang iinis na sabi nito. Sana talaga eh naging totoo na lang na ang titig ay nakamamatay para paglamayan na ang isang ito. Kainis!

"Thank you."

The Writer's Untitled NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon