Heyow!
Tulad na nga ng alam na ninyo, I've been trying to study some traditional art and techniques. Last time, sinubukan ko ang watercolor. This time, I used Alcohol markers o mas kilala ng lahat sa tawag na "copic" markers.
Actually, ang pinaka maganda at masasabi kong pinaka ginagamit ng mga kilalang artist sa Japan ang "Copic Ciao" markers. But believe me! Sobrang mahal niya! Libo na ang halaga ng 12-24 colors of copic markers. Pinakamahal ay nasa 20k (maraming kulay na siya mga beh!) Pero sulit naman dahil maganda talaga ang copic! Maihahalintulad mo ang effect niya sa watercolor, pero may dating na iba.
And yes! Speaking of alcohol markers, ginamit ko ang malaki-laki kong na OT sa work para bumili ng isa sa mga cheaper version ng copic---Ang Touch Five Markers. Yeah, libo rin ang halaga ng marker na to pero di hamak naman na mas marami ka nang mabibili na kulay kumpara sa copic ciao. At halos di nalalayo ang ganda nf quality ng dalawa, so highly recommended ko po ang Touch Five.
So ito na nga! Ito yung sample artworks ko gamit ang markers!
This was my first art. Quiet satisfying naman dahil maganda ang naging resulta kahit nanghuhula ako ng blend sa markers. Pramis! Ang tagal kong mamili ng combination!
This one was my latest. Makikilala nyo kaya siya? I guess, not. Medyo nag iba ang hitsura nya dito eh. Si Dan Fujisawa po ito ng Minaru's Quest. Ewan ko ba, naimagine ko sya na ganyan eh. Kaya hayan.
Ang pinakamahirap sa part na ito, yung blending ng buhok! Yeah! Aminado ako, ang hirap! Pero unti-unti nakikita ko naman na nag i improve kaya para sa akin, satisfied ako! Konting praktis pa at makukuha ko rin yung gusto ko na effect.
So sa ngayon, ito lang muna!
Kung may tanong kayo, dont hesitate to ask!
Regards,
Ate Yoshi
BINABASA MO ANG
Yoshi's Art Book
LosoweThis is my personal collections of artworks. All of them are original characters from my novels' Ghost Retriever, Code Chasers and Minaru's Quest. It is like a character profile page. If you like to know more about my original characters, you can vi...