CHAPTER TWENTY ONE

670 9 1
                                    

Hello Dearest,

Kumusta po? Magaganda at gwapo pa rin ba? :) Enjoy reading po sa update na ito!

Youtube Update:
Unang writing tips po ang content ng pinakabago kong vlog. Sana po ay mapanuod ninyo at maisingit na rin ang pag-subscribe sa aking channel. Naka-link na po rito ang video. :) More writing tips po in the upcoming vlogs. Wink! Sana po ay may maibahagi ako sa inyo! Maraming salamat po!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Twenty One

"Tao po. Arwynn? Aimee? Nandyan ba kayo?" isang boses ng babae ang tumatawag mula sa labas ng pinto. Ngunit walang pakialam si Arwynn. Nakatulala lamang siya sa may sala. Nakabukas ang tv pero wala doon ang kanyang konsentrasyon. Nakaabang ang kanyang mga mata sa pinto ng kanilang kwarto ni Aimee. Inaabangan niya itong lumabas. Nagkulong ito upang mapag-isa. He wants to give her time and space but he will also do everything to prove his innocence.

"Arwynn? Aimee? Papasok na ako huh? Nagtanong na ako sa reception. Alam kong dito ang room niyo." saad ng babae sa labas ngunit hindi pa rin natinag si Arwynn. Ilang sandali pa ay bumukas na nga ang pinto at iniluwal noon si Sarah.

"Oh Sarah, ikaw pala 'yan." matamlay niyang pagbati rito.

"Oo ako nga! Nandito ka lang pala pero hindi mo ako pinagbubuksan? Wala sa sarili?" kahit naroon na ang babae ay hindi pa rin siya ramdam nito. Binalik niya lang ang atensyon sa pinto ng kwarto.

Lumapit si Sarah sa tv at saka iyon pinatay. "Arwynn nag-away kayo ni Aimee? Kayo na? Pansinin mo naman ako oh! Baka makatulong ako! Hello! Hi!" saka lang niya binalik ang paningin sa hipag.

"Oo Sarah eh. Kami na ni Aimee." tugon niya sabay patak ng luha sa kanyang mga mata. He was really crying for a woman now, for his girlfriend. "Sa wakas nauntog na ako at nagising sa katotohanan na hindi lang pagiging best friend ang pwede sa amin. I want her to be the girl who could changed me to be a better man. I want her to be mine."

Umupo ito sa tabi niya. "Eh anong problema? Bakit ka umiiyak? Bakit parang may tensyon?"

"Meron kasing babaeng lumapit sa akin kanina at hinalikan ako. F*ck! Nakita ni Aimee!" nanggigigil niyang tugon.

"Hinalikan mo rin? Nakipagsabayan ka ba?" mga karagdagang tanong ni Sarah.

"Of course not! I swear hindi talaga Sarah! Noong makita ko palang ang babae, oo nagandahan ako sa kanya. Naseksihan ako sa kanya pero alam mo ba sa kauna-unahang pagkakataon... sa kauna-unahang pagkakataon hindi ako naakit. Kahit na lumapit pa yung babae at unang nag-offer nung kiss. Wala akong naramdaman. Kasi... kasi si Aimee lang ang nasa isip ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya lolokohin. Hindi ko na siya lolokohin. Hindi na ako titingin sa ibang babae. Wala eh. Bigla ba naman akong hinalikan nung babaeng 'yon! Sakto pa na nung nasa likod ko na pala si Aimee at nakikita na kami. F*ck di ba? Parang nananadya!"

"I believe you Arwynn." napatingin siya rito. Nakita niya ang ngiti sa mga labi nito. Kahit paano'y gumaang ang kanyang pakiramdam sa pagsuportang iyon ni Sarah.

"Thank you. Thanks a lot."

"Ngayon lang kita nakitang umiyak sa babae. You must be really sincere and has already fallen in love." Malambing na dugtong nito.

"Oo eh. At hindi ako titigil hangga't hindi napapatawad ni Aimee." may determinasyon ang tono ng kanyang boses.

"Pero tama ka rin na sinadya ang nangyaring paghalik sayo." napatingin siya rito.

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nakita ko ang lahat. Kanina pa ako narito. Sinundan ko agad ang babae dahil may masama akong kutob. Parang may mali kasi. Kitang-kita ko kung paano ka niya biglang hinalikan nang makita niyang lumabas ng pinto si Aimee." paliwanag nito.

"At sinabi ng babae na sinadya niya?" tumango ito. "Bakit naman? Ano'ng motibo niya?"

"May nag-utos sa kanya na sadyang halikan ka kapag nakikita ni Aimee. Pinakita yung picture niyo at binayaran siya." uminit ang kanyang ulo sa narinig.

Isang palaisipan ang sumagi sa kanyang isipan. "Sino raw? Hindi kaya siya yung..."

"Oo Arwynn. Kung sinuman ang nagutos sa babaeng iyon ay sa tingin ko ang may sala sa lahat nang nangyayari sa atin."

"Sinabi ba ng babae kung sino?"

"Hindi eh. May takip daw ang mukha. Pero lalaki. Lalaki siya."

Napakunot ang noo ni Arwynn. Sino'ng lalaki ang naagrabyado niya o ng kuya niyang si Ardel o kahit na sinong myembro ng kanilang pamilya? Sino ang salarin?

..........

Napagkasunduan nila Sarah at Arwynn na maging mapagmasid at lihim silang gagawa ng paraan upang mahuli kung sinuman ang lalaking iyon. Pagkagaling sa resort ay agad nang umuwi si Sarah bago pa matapos ang therapy session ni Ardel sa araw na iyon. Sa labas ng villa ay inabutan niya ang babaeng humalik kay Arwynn na nag-aabang. Tila siya ang hinihintay nito.

"What are you doing here?" tanong niya rito.

"Hindi ako narito para gumawa ng gulo. May gusto lang akong sabihin sayo." tugon  nito.

"And what's your business with me? Baka naman ang asawa ko ang gusto mong halikan ah? Inutos din ba sayo?"

"Nagsinungaling ako sayo!" bulalas nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin?!" akmang lalapit siya rito ngunit may hawak na itong kutsilyo. Napaatras siya.

"Babae ang nag-utos sa akin. Natatakot lang ako kanina kaya kung anu-ano na ang sinabi ko. Pero babae talaga ang nag-utos sa akin!" saka ito tumalikod at nagtatakbo palayo.

Dala nang labis na pagdududa ay kinuha ni Sarah ang kanyang phone. Nakapagtatakang bumalik pa ang babaeng iyon para sabihing babae ang nag-utos dito. Ginugulo lang nito ang kanyang isipan. "Hello? Villa Pineda Security Office? This is Sarah, Ardel's fiancei. I want to talk to your head."

"Hello po ma'am? Ako po si Emil, ang head ng security. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" sambit ng nasa kabilang linya.

"May babaeng palabas ngayon sa villa. Sundan mo siya. Alamin mo kung saan siya pupunta, saan siya nakatira at kung sino siya. Basta manmanan mo ang lahat ng gagawin niya pati na ang mga taong kakausapin niya. Nasa Manila pa malamang ang private investigator ko. Special task niyo ho ito Sir Emil. You'll get a reward with this task. Sisiguraduhin ko po yan. Maging discreet lang ho kayo at mag-iingat po kayo."

"Copy po ma'am."

"Gusto niyo ng laro? Pwes makikipaglaro kami sa inyo."

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon