Chapter one

16 0 0
                                    

WORST

Crying in the middle of the night like no one ever cares about me, it feels like it's the end of my blissfulness. I try to calm myself from thingking too much, I'm really overreacting cause my damned boyfriend doesn't message me yet. May nagtext sakin na,may naka kita daw sakaniya sa Summer Place with a sexy girl at naghahalikan pa raw. Hindi ko maimagine na kayang gawin sakin ni Cooper to, he's cheating on me and it makes me anguish.

Bigla akong na lowbat dahilan para mapamura ako. Ang malas ko talaga ngayon!

Patuloy parin ako sa paglalakad at galit na galit na talaga ako, hindi na nga ako pumasok sa trabaho eh, hindi manlang ako nagkapag paalam sa boss ko, bahala na.

Damn.

2 years na kami ng boyfriend ko at pareho kaming grade 11 student, kaya lang naman nakapasok dito dahil may kakilala siya at dinadaya niya ang kaniyang edad, ako naman ay nagpretend na 18 years old na kaya mabilisan lang akong nakapasok.

Being here in Manila was not easy, I'm a working student , nagtatrabaho ako sa isang coffee shop as cashier at lahat ginagawa ko para lang makapagtapos ng pag-aaral, lahat kinakaya ko for my mama and my sister, si mama nagtatrabaho sa isang resort as waitress, hindi naman gaano kalaki ang sahod niya pero okey na iyon sa pang araw araw namin na gastusin. Matagal ng patay ang papa ko kaya nakakalungkot isipin, broken na broken ako,sirang sira. I feel really deficient.

At dumagdag pa itong boyfriend ko, aaminin kong mayaman siya, gwapo, famous sa school namin, pero ang sakit isipin na naging LOYAL ako sakaniya at ang tagal na namin nakuha niya pang magloko. Minsan naisip ko am I really not enough?

Nang makarating sa Summer Place halos ang sikip na nang dance floor and I can't even walk faster. Palingon lingon ako sa paligid at hinahanap si Cooper, I'm really mad and so furious, if I ever see him makakatikim talaga siya sakin.

Nang makita siya, and my friend was right he's with a girl a really sexy girl and ang lapit lapit nila sa isa't isa, ang kamay ni Cooper ay naglalakbay na sa loob ng damit ng babae, and the girl was okey with it, mukhang natutuwa pa siya. Agad ko silang sinugod at hindi pa ako nakakalapit ay napabaling na sakin si Cooper with shocked eyes.

Sinampal ko siya.

Halos naluluha nako habang diretso siyang tinitignan sa mata. Sobrang galit na galit ako.

"How dare you Cooper! Ba't nagawa mo 'to sakin huh!? Bakit-" pinutol niya ako.

"Misty calm down--"

"Bullshit! Wag mo 'kong macalm down calm down!"

"Sa labas na tayo mag-usap nakakahiya" aniya sa mahinahon na boses at hinawakan ako sa kamay para sana lalabas.

"Hiya!? May hiya kapa pala!? Hindi ka nga nahiya na makipaghalikan sa babaeng to!" Duro ko don sa babae na ngayon ay mataray akong tinitignan.

"Misty lets go!" Hinila ulit ako ni Cooper pero pilit parin akong lumalaban at hindi ko maalis ang tingin ko doon sa babae.

"Hoy ikaw!? Hindi kana nahiya! How dare you kiss my boyfriend huh!? Malandi ka!"

Alam kong nagtitinginan na ang mga tao samin, may iba nga na naririnig kong nagbubulungan, well I don't fucking care dahil ipapahiya ko talaga ang babaeng to lalo na si Cooper.

"Misty tara na!" Pilit akong lumaban pero nagtagumpay siya sa paghila sakin palabas.

"Tang ina mo!" Mura ko doon sa babae na ngayon ay napainom ng alak na tila nahihiya sa nangyari.

Nang makalabas na kami, dinala ako ni Cooper sa wala nang tao, pilit parin akong nagpupumiglas at doon na niya ako binitawan sa pwersang paraan.
Galit at paghahabol ng hininga ang ipinakita ko sakaniya. Galit din niya akong tinignan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Love Is Never Good Enough( Ongoing)Where stories live. Discover now