Kabanata 24
Apologize
Masaya akong bumaba dala-dala ang aking diploma. Sinalubong ako ni Nanay ng mahigpit na yakap pati na rin nina Kenneth at Kevin. Si Madam Rhiana ay nasa special guest na ngayon nananatili nasa stage upang mag-abot ng diploma sa mga kapwa ko estudyante.
Habang naghihintay na matapos ang programa ay napa-isip ako.
Kung hindi ko pinaalis ng ganun si Paevin, paniguradong makakasama ko siya ngayon. Iyon nga lang hindi masaya.
Kumain kami sa labas nina Nanay. Hindi naman na ako sanay na naghahanda kahit na gusto iyon ni Madam. Sina Joe at Queen naman ay kasama ang kaniyang mga magulang na ngayon sa uuwi muna sa kani-kanilang probinsya.
"Congrats sa atin!" iyon ang huling usapan namin ni Queen dahil ang sabi niya ay next next week pa daw siya bago maka-balik.
Binati ko si Joe ngunit simpleng tango lang ang kaniyang ibinalik, ni hindi man lang ako binati. Ngayon ko lang napag-tanto na si Joe ay isang tahimik na tao. Umiimik man siya pero kapag kailangan lang. Kadalasan pa'y mataray ang kaniyang awra.
Si Papa ay nagpadala ng mensahe sa kay Nanay. Nag-padala rin siya ng regalo na hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuksan. I am still mad at him. Paniguradong alam niya ng galit ako sa kaniya ngunit parang wala lang ito sa kaniya. Ni hindi man lang siya gumawa ng paraan upang kausapin ako tungkol diyon.
Aaminin kong ang sarap sa pakiramdam na makapag-tapos na sa high school na ito. Magse-senior high na ako next year and I am looking forward to it.
Ngunit ang sayang iyon ay agad ring napawi ng kinagabihan. Anong oras na at ni wala pa akong natatanggap na mensaheng pagbati mula sa kay David. Ang huling mensahe niya sa akin ay noong isang araw pa. Isang mensahe lang iyon at hindi pa video call.
Pilit ko na lang iyong hindi iniintindi dahil alam kong gaya ko ay malapit na rin siyang magtapos ng kolehiyo. At ito ay sa susunod na buwan.
Wala pa kaming napag-uusapan tungkol diyon. Nakakalungkot lang at nakakapag-tampo. Naalala niya pa kaya ako?
I sighed deeply and pushed myself to smile widely.
Pilit akong naghanap ng magagandang ala-ala. It's my day, kaya dapat maging masaya ako.
Nilingon ko ang ukelele na iniregalo sa akin ni David noong first year aniverssary namin. Pinaayos niya iyon upang maging kagaya ng gusto kong disenyo. May pangalan pa namin na nakaukit sa likod.
Kinuha ko iyon at sinubukang tumugtog. Nang hindi ko magustuhan ang timbre ng aking tinutugtog ay ibinalik ko iyon sa kung saan nakalagay at nilapitan ang regalo sa akin ni Papa.
Isa iyong malaking kahon. Sa totoo lang aya'ko nang tumanggap pa ng kung anu-anong bagay mula sa kay Papa. Pero ano pang magagawa ko? Mag-aaksaya lang ako ng pera kung ipapadala ko ito sa mabutihin kong ama pabalik.
Bahagya akong natigilan nang makita kung ano ang laman niyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang magulat sa mga bagay na ibinibigay niya sa akin. Ni minsan kasi noong nasa San Fuerto kami'y never pa niya akong nabibigyan ng ganitong mga bagay.
Isa iyong gitara na kulay karamel, sa gilid nama'y pula. Kahit na may galit sa ama hindi ko pa rin mapigilan ang matuwa. Mahilig ako sa mga kanta... hindi ko man iyon madalang na ipakita sa tuwing malungkot ako'y sinusubukan kong makinig sa mga kantang nagpapa-pawi ng aking kungkot. Para sa akin kasi... music is my stress reliever.
Sinubukan kong tumugtog. Kahit wala man akong mga instrumento dati, marunong pa rin naman akong tumugtog dahil noong naging kaklase ko si Nichol, madalas siyang mag-dala ng gitara upang mag-jamming kami.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomansaWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...