Chapter Six

455 33 1
                                    

Habang nagtatali ng buhok si Roni sa labas ng kanilang bahay bigla naman dumating si Jelai.

"Uy sis! Mukhang may lakad tayo ah? San punta natin?"

"Uhmm, Jelai pwede mo ba kong samahan?"

"Saan?" takang tanong nito.

"Basta, may gusto lang akong malaman" hinatak niya na ang kaibigan palabas ng village.

Bilyaran...

"Pare, bakit ang tagal ng chix mo?" Naiinip na sabi ni Yuan kay Borj.

"Hindi ko chix yun" saad nito habang nakatingin sa relo.

"Oh eh anong tawag mo dun?"

"F-rr-iii-eennd!"

"Ah borj, paano kung madevelop ka kay Sophie? Naku, patay ka kay Roni niyan" sabi ni Tonsy.

"Oo nga, lagot ka. At tingin ko hindi imposible mangyari yun kasi maganda si Sophie at sexy pa" ani ni Jun-Jun.

Tinignan naman ng masama ni Borj ang mga kaibigan.

"Kayo, alam niyo wag niyo nga ako itulad sa inyo. Lalo ka na Jun, alam natin sa ating dalawa ikaw ang mahina pag dating sa babae"

"Naku! Wag mo naman masyadong saktan si JunJun pare alam mong master natin to eh diba?" Pang aasar ni Yuan.

"Oy! Nagbago na ko nuh, saka hindi ko gagawin kay Jelai yun, never"

"Ah talaga ba? Sige tignan natin"

"Hoy! Tonsy, wag mo kong hinahamon ah. Baka gusto mong makatikim ng kamao ko"

"Hephep! Tama na yan, hindi to ang oras para sa bangayan niyo pwede?" Iniwat ni Borj ang mga kaibigan, nakita nila si Sophie na pumasok ng bilyaran. Naka maiksing short ito at kita ang makinis na hita nito, at naka suot ng spaghetti shirt. Halos tumulo ang laway nila ng makita ang babae na naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.

Napalunok silang apat lalo na si Yuan, napakapit pa ito sa balikat ni Borj sabay ang pagkagat sa labi.

"Arggghh! Ang swerte mo pare" saad naman ni JunJun.

"Teka, kailangan ko atang pumunta ng banyo" sabi ni Tonsy, tatayo na sana siya pero hinatak siya ni JunJun para bumalik sa kinauupuan.

"Hi boys" bati ni Sophie sa kanila.

"H-hi" mautal utal namang sabi nila.

"Hi! I'm JunJun" naunang nagpakilala si JunJun at sinundan ni Tonsy.

"Teka, mga pare wag na muna tayo umextra dito. Moment ng kaibigan natin to, kaya tara na't samahan niyo ko sa labas" sambit ni Yuan.

Iniwanan nila si Borj at Sophie. At lumabas na sila, sa paglabas nila laking gulat nila ng makita sina Jelai at Roni.

"Woah!!!! Bakit kayo nandito?" Tanong ni Yuan sa mga babae.

"Hay nako kuya ikaw ang tatanungin ko, bakit kayo nandito? Kasama mo pa sila?"

"Uhmm, actually~" magpapalusot sana si Yuan ng biglang nagsalita si JunJun na ikinapahamak nila.

"Ah kasi Roni, si Borj sinamahan namin makipagkita kay Sophie~~" agad naman tinakpan ang bibig niya ni Yuan at siniko naman siya ni Tonsy.

Tumaas naman ang kilay ng dalawang dalaga at hinawi sila.

"Tabi nga!"

Tinulak nila ang mga ito. At nang nakapasok na sila, nanlaki ang mga mata ni Roni ng makitang nakaupo sa hita ni Borj ang babae habang hinahalikan ito sa leeg.

Bring it all back [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon