Zoe's POV
Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay hanggang sa lebel ng aking mukha. Sinusubukang pagalawin ang flower vase na nasa lamesa.
*30 minutes later*
(Insert spongebob tone)Bumuntong hininga ako at inis na binaba ang kamay ko. Aishh!!! Ayaw?!? Bakit ayaw?!? Nanliit ang mata ko at sinubukan ulit palutangin ang vase. Makisama ka...makisama ka... bulong ko sa utak ko habang sinusubukan ulit.
Unti unting nanlaki ang mata ko at pinigilang tumili. Ah!!!! Nagawa ko!!! Napapikit ako dahil sa pagpipigil pero agad ding napadilat nang nakarinig ng pagkabasag. Binaba ko ang aking kamay bago tignan kung ano yung nabasag.
"Lagot." Nakangiwing bulong ko habang tinitignan ang flower vase na nabasag. After ko kasing maexcite kanina ay biglang nawala ang focus ko. Ayun! Basag! In 3. 2. 1.
"Ano nanaman to?!? Ano nanamang nangyari ha??!?" Sigaw ni mama nang makapasok siya sa kwarto ko. Shocksss.... lagot nanaman ako.
"Ahmm.... mama kasi" anong idadahilan koooo?!?. Tumaas ang isa niyang kilay at naghihintay ng paliwanag ko. Bumuntong hininga itp bago magsalita ulit.
"Anak, sinusubukan mo nanaman ba ang kapangyarihan mo??" Tanong ni mama. Yumuko ako. Hinawakan niya ako sa dalawang braso bago magsalita ulit.
"Ilang beses ko bang sinabi sayo na wag mong gagamitin yang kapangyarihan mo sa walang kabuulhang bagay ha!!!" Sigaw niya. Napaikit naman ako.
"Ma!!! Tinatry ko lang naman!! Aishh!!" Ungot ko. Sabi na nga ba eh. Sisigawan nanaman ako neto. Kung sa bagay di ko naman siya masisisi, marami raming flower vase na rin yung nabasag ko eh.... hehe.
Tumayo si mama at pumuntang pintuan pero bago siya lumabas ay humarap muna siya sakin.
"Linisin mo yang mga bubog na yan, pagkatapos ay bumaba ka na. Mag agahan na tayo" sabi niya. Ngumuso ako at tumango. Inismidan niya lang ako. Nilinis ko na yung nabasag na vase pagkatapos ay bumaba na.
"Mama!!! Anong ulam???" Tanong ko nang makababa ako.
"Aba't ang lakas ng loob mong magtanong ng ulam pagkatapos mo nanaman basagin yung flower vase sa kwarto mo" singhal ni mama. Ngumuso naman ako. Umupo na ko sa tabi ng kakambal ko.
"Inihaw na baka at baboy sweetie" sagot ni papa sa tanong ko. Nginitian ko naman siya akmang kukuha na ko ng baka ng biglang paluin ni mama yung kamay ko. Tinignan niya ko ng masama. Tinusok niya yung baka gamit ang tinidor at binigay ito kay Amiel.
"Eto amiel, kumain ka ng mabuti ha?? Galingan mo sa trabaho mo mamaya" nakangiting sabi ni mama kay amiel, "ikaw zoe, baboy lang yung kakainin mo. Para naman mapalitan ko yung vase na nabasag mo" baling sakin ni mama. Napayuko naman ako.
"Ma!!" Saway ni amiel kay mama "wag mo namang ganyanin si zoe, sinusubukan niya lang naman yung powers niya..." sabi ni amiel tinignan niya ko. "Oh Eto zoe..." kumuha siya ng baka bago inilagay sa plato ko "kainin mo yan ha??" Nakataas ang kilay na sabi niya. Nakangiting tianguan ko siya...
Nang tignan ko si mama inismidan niya lang ako.
"Oo nga naman sweetie,kain ka mabuti ha??" Sabi ni papa.
"Opho phapha" Nakangiting sagot ko. Punong puno ang bibig. Tinanguan niya lang ako. Natapos kami kumain ng nag aasaran. Di na nalala ang nabasag kong vase. Hays buti naman
~~~~~~
"Bye bye amiel!!!" Paalam ko kay amiel. Papasok na kasi siya sa trabaho, isa siyang doktor... nag hiwalay na kami ng daraanan pupuna na rin kasi ako sa bakery na pagaari namin. Tutulungan ko si papa mag benta....
~~~~~~
"Wahh!!! Yung cellphone ko!!! Tulong!!!" Sigaw ng estudyanteng galing sa loob ng isang karenderia.
*flashback*
"Manghihingi lang po sana kami ng onting tulong..." Napalingon ako kaya narinig ko yung sabi ng isang lalake sa grupo ng mga estudyante, binigyan niya pa to ng mga parang flyers. "Yung tatay ko po kasi blah,blah..." Di ko na sana sila papansinin ng nakita ko yung ginawa ng lalaki.
Gamit yung mga flyers na hawak niya ay tinakpan niya yung cellphone ng isang estudyanteng babae na nasa tabi nito. Nanliit yung mata ko ng makita ko yun. Seryoso?? Pati ba naman tong mga batang nagaaral ay nanakawan??
Umalis bigla yung lalaki ng hindi kinukuha yung mga flyers. Ibang klase... tsk!! Di ko naiwasang patunugin yung ngipin ko gamit ang dila dahil sa inis. Asar! Maya-maya lang ay...
*end of flashback*
"Wahh!!!yung cellphone ko!!! Tulong!!!" Sigaw ng estudyanteng galing sa loob ng isang karenderia. Napabuntong hininga nalang ako bago tinignan yung lalaking flyers.
May nakaabang na lalaking nakamotor dun sa pupuntahan niyang kanto. Swabe.
Nang nakita ko na paandarin na ng lalaking naka helmet yung motor ng makasakay yung lalaking flyers ay itinaas ko ang kamay ko para kontrolin yung motor nila. Pero syempre nakatago yun sa sling bag na gamit ko. Nasa ilalim.
Sinubukang tadyakan ulit nung lalaking naka helmet yung motor pero dahil kinokontrol ko nga ito di talaga to nagalaw, ni hindi nga nag s-start.
Nang lingunin ko yung estudyante, nakita ko kung paano nag liwanag yung mukha niya ng hindi gumalaw yung motor. Nang tumingin ako sa di kalayuan nakita ko na may tumatakbo ng tanod. Nilingon ko ulit yung mga nagnanakaw. Kung ako sa mga tarantadong to tatakbo nalang ako, mahuhuli na sila eh... sabi ko sa isip ko. Napakamot nalang ako ng noo.
Mukang narinig ng mga loko yung sinabi ko sa isip ko dahil nung lingunin ko sila ayun, nagsisimula ng tumakbo ang mga tarantado.
Tinaggal ko ang pagkakakontrol sa motor kaya bumagsak ito. Ginamit ko ulit yung kamay ko para harangan yung tinatakbuhan nila. Tinignan ko ang isang lamesa at pinagalaw yun para harangan yung tatakbuhan nila. Nang lumingon ako sa likod ay may nakita akong isang kariton. Itinapat ko ang kamay ko dun at pinagalaw din yun para harangan ulit sila. Ang bagal naman kasi ng mga tanod... hayss.
Kinontrol ko rin yung isang kahoy at inihampas yun sa ulo ng isa sa kanila. Nakita kong nagulat yung lalaki at nilingon yung nakahelmet. Ayun nagsapakan na sila. Mga masasamang tao, dapat sa inyo kinukulong eh... sinira niyo ang umaga ko. Napangiwi nalang ako dahil sa inisip ko.
Dumiretso na ko kung saan talaga ako pupunta. Sa bakery nga.