Kabanata 12

1K 26 0
                                    

Habang nakapikit, naramdaman ko ang init na dumadaloy sa pisngi ko na galing pala sa palad ng isang tao. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Ran, anak. Are you okay?"  nag aalalang tanong saken ni mama at niyakap ako

Sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang pag aalala niya

"Mom, okay lang po ako." nakangiti kong sagot sa kanya kasabay nun ang pagkalas niya

Hinawakan ni mama  ang pisngi ko kaya pinahid ko naman ang mga luha niya. Naawa ako kay mama. Hindi ko kaya na nasasaktan siya nang dahil saken.

Inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto ko. Nakita ko si Dad na tahimik lang sa sulok habang nakaupo sa pahabang upuan. Nakita ko rin si Manang na bigla nalang pumasok habang may dalang supot na may lamang pagkain.

Saka ko lang napansin na nasa hospital pala ako. May nakakabit din saking dextrose at may band aid ding nakapikit sa leeg ko.

"Eto hija oh, kumain ka nang gumaling ka kaagad ha?" bilin niya saken

Ngumiti lang ako bilang sagot. Pag alis ni Manang, nakita ko si mama habang tinuturo ang posisyon ni papa na tahimik lang. Kahit na ayaw magsalita ni mama, alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto ko na kausapin ko si papa.

Tumango nalang ako bilang sagot kaya lumabas na si mama. Akmang lalabas din si papa pero nagsalita ako para pigilan siya.

"Uhm...., Dad? C-can we talk?" kinakabahan kong tanong sa kanya

Actually, hindi kasi kami ganoon ka close ni Dad. Lagi siyang malamig saken. All my life, ganun ang trato niya saken pero patuloy parin akong umaasa  na magkakaayos din kami.

Dad burst out a deep sigh bago tuluyang humarap saken at bumalik sa pagkakaupo.

I'm nervous...And I hate it when I'm just facing him.

Walang sinuman sa amin ang naglakas-loob na magsalita at ayoko nun.

"D--dad, I-I'm sorry. Sorry to make all of you worried." pasimula ko then I took a deep sigh

"I'm so careless and I admit it. I should have take care of myself." dagdag ko

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot niya.

"Are you done?" sa sinabi niyang yun, napatingin ako sa kanya

Yun lang? Yun lang ba ang sasabihin niya? Hindi ba talaga siya nag alala saken?

"Uhm...yeah." nalungkot ako sa sinagot kong yun sa kanya

Hanggang ngayon, balewala parin ako para sa kanya. He doesn't even care about my situation. Ang sama niya!

"I should go, then. Next time, fix your own mess. Don't even let your mother know. You're just a burden for her. Ayokong pati siya pamahamak because of your stupidity. Understood?" hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya pero bigla nalang tumulo ang luha ko.

Hindi ko paman siya nasagot, lumabas na siya ng kwarto at pasimpleng sinara ang pinto na para bang hindi man lang siya nakapagbitiw ng masasakit na salita saken.

Those words was said without hesitation. Walang bahid ng pag aalala na baka makasakit siya ng damdamin ng iba.

"Ms. Dela Cruz?" napatingin ako sa isang nurse na papalapit saken habang may dalang tray na may mga karayom at gamot.

Kinuhanan niya ako ng dugo at tiningnan kung may lagnat ba ako. Binigyan niya rin ako ng gamot pagkatapos umalis na siya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating sina Kleah at Karyll.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon