#AGBGgraduationday
ISIAH's POVNgayon na ang araw na pinakahihintay naming mga seniors, ang araw nang aming pagtatapos. Habang inaayusan ako ng mga stylist na kinuha ni Steven ay sinasaulo ko ang aking speech.
Habang nasa gano'n akong sitwasyon ay biglang pumasok si Steven na ikinalingon naming tatlo, ako at yung dalawang stylist.
"Ready?" Tanong niya.
Tumango ako at tumayo na para mag-ready, kasama ko si Miss. Katana at dinala niya ang toga ko, binitbit ko na rin ang bag na niregalo sa'kin ni Steven na LV.
Lumabas na kami at may van na nag-aantay sa'min, pinagbuksan kami ni Mr. Park ng pinto. Naunang sumakay ang mga stylist tapos susunod na sana si Miss. Katana.
"Miss Katana sa frontseat ka na."
Nagulat naman kami nila Mr. Park at Miss Katana sa sinabi ni Steven kaya nagkatinginan muna kaming tatlo.
"P-pero Young Master---"
"Okay ako dito sa likod." Pagputol niya sa sinabi ni Miss Katana. "I want to seat with my fiancée, so it's okay."
Kahit nag-aalangan sumunod na lang si Ms. Katana sa gusto ng kanyang Young Master at naupo sa unahan. Pumasok na rin ako tapos si Steven, saka sinara ni amr. Park ang pinto. Pumasok na rin siya sa driver seat, nag-seatbelt na kaming lahat at saka pinaalis ni Mr. Park ang sasakyan.
Napansin ko sa loob ng sasakyan mayro'ng napakagandang gown na subrang balloon. Hanggang tuhod lang ito at offshoulder, may gloves pa ito na hanggang siko. Kulay red ang gown na may 3 laces sa baba para maging balloon na balloon ang gown. May beads siyang gold na nagpapakintab lalo sa gown, mayro'n din itong naka borda na mga tribal flowers na kulay black sa laylayan na may silver at gold dust. At ang gloves niya white na may same glitters sa gown.
'Di ko lang alam kung ano ang nasa likod since nakaharap ito sa'kin. The gown was full of glitters and beads na nagpapaganda dito. Napakaganda, at napansin ko din ang sapatos, kasing kulay at design ng gown, red siya na may tribal flowers na naka ukit na black colors with silver dust... Pero parang glass siya.
"Do you like it?" Tanong sa akin ni Steven.
"A-akin ba 'yan?"
Tumango naman si Steven na ikinagulat ko, akin pala ang gown na 'yan? Napakaganda naman, ngayon lang ako makakasuot ng ganyang damit.
"I want you to be the most beautiful girl tonight at your graduation ball. I want you to be a brilliant princess tonight. The whole night was yours, at lahat nang mata mapapasaiyo."
'Di na ako umimik pa at alam ko kasi 'di rin 'yan patatalo at ang gusto niya ang masusunod.
-----------
*******Nagsimula na ang graduation at magkatabi kami ni Miyu, bumabati na ang principal at nagbigay ng kunting speech para sa mga kabataan. At susunod ay tinawag na si Sir Sky para mag bigay ng inspirational messege para sa mga seniors. Hanggang sa tinawag na ang mga may awards.
"Athletes of the year! Our national athlete, Isiah Lei Cruz!" Pagtawag ng teacher na emcee sa akin.
Nagsigawan ang mga estudyante at umakyat na ako sa stage, 'di sa pagmamayabang pero madami akong na hakot na awards. Tulad ng athletes of the year, best in mathematics, best in sports, best in drawing and writing, best student of the year, responsible school prisedent, at madami pa.
Sabi nga nila halos nahakot ko lahat at 'di na ako nagtira, hanggang sa tinawag na ang mga honorables at ang valedectorian at salutaturian. At nang matapos mag speech ang salutaturian namin ay ako naman ang tinawag.
Umakyat muna ako sa stage at kinamayan ko ang teacher na nag-host ng graduation, tumingin muna ako sa mga students at yumuko.
"Students and teachers congratulations,
Ang araw na 'to, ang pinakamasayang araw para sa ating lahat, ang makapagtapos sa unang hakbang tungo sa ating pangarap." Ani kong nakangiti.
"Pero bago ang lahat, nais ko sanang pasalamatan ang Panginoon, dahil sa lahat ng natanggap ko, siya ang dahilan. Siya ang naging inspirasyon ko at nagbigay ng lahat nang kung ano man ang mayro'n ako. Pangalawa ang mama ko na nangarap para sa'kin, kung nasan man siya sure ako na masaya siya. Sa bestfriend ko na si Miyu at ang Nishida family, God knows how good you are and how you witness my life with my mom, at kayo ang dahilan ba't nagkaroon kami ng buhay na matiwasay dahil sa tulong n'yo. Last ang Mondroadou family, Sir Sky and the brothers, thank you for the opportunity na binigay n'yo, if not because of you, wala ako ngayon dito."Nagpalakpakan naman ang mga estudyante, napangiti namang napatango si Sir Sky.
"Classmates and schoolmates, ang bawat pinagdaanan nating hirap at lungkot sa araw-araw ay nalagpasan natin na magkakasama. Sa isang buong tahanan natin na 'to... Ang ating almamater... Ang Huangjo University, dito natin binuo na magkakasama ang ating mga kanya-kanyang pangarap. Dito natin binuo ang ating pagkakaibigan at tawanan. Kahit may pagkakataon na nahihirapan tayo o pinahirapan tayo ng pagsubok, tumatayo tayo para lumaban."
"Ako bilang isang estudyante, nais ko magbigay ng isang maiksi at simpleng salita pero gusto ko tandaan n'yo. Sa buhay, walang mahirap basta pinagsisikapan natin. Ang pangarap natin ay 'wag natin pangarapin lang, abutin natin para matupad ang pangarap natin. Ang pangarap mo na minsang binuo natin. Don't be afraid to go beyond the lines, but when you achieve your dreams, don't achieve it too fast but achieve it step by step."
Tahimik lang na nakikinig ang mga estudyante, magulang at mga guro sa aking Speech. Maging si Miyu ay napapangiti habang nakatingin sa akin.
"It's okey to walk while enjoying your life. Kasi habang naglalakad ka madami kang madadaanan, madami kang matitingnan, at makikita. kaysa sa tumatakbo ka ng mabilis madami kang makakaligtaan. Don't let your dreams just be dreams, achieve them and find your goal. And in 10 years from now, I hope all of us will see each other again in 10 years. Hope that all of us are successful and all of us will fulfill our dreams."
Nagpalakpakan naman ang mga students.
"Seguro ang iba sa atin ay matagumpay na althletes, ang iba magaling na writers, artista, teacher o isang huwaran at matagumapay sa buhay na asawa, plain house wife man o carrer woman. Ano man ang marating natin, ano man ang magampanan mong buhay sa hinaharap, sana maalala mo ang mga ala-ala na binuo natin sa HU. Pagdating ng panahon na magbabalik tayo para magtatagpo tayong muli sa almamater natin na 'to, makakangiti tayong muli sa isa't isa at magkukwentohan tayo sa mga na abot natin sa mga nagdaang panahon na 'di tayo nakita."
Muling nagpalakpakan ang mga nasa loob ng auditorium, nakita ko pang nagyayakapan si Miyu at Kathy.
"Students, teacher, classmates, schoolmates and guardians... Maraming-maraming salamat po at mabuhay tayong lahat, good luck po sa ating lahat at sa tatahakin nating journey."
Nang matapos ang speech ko tumayo ang mga students, at guardians pati na rin ang teachers. Nagpunta ako sa gitna at yumuko, ganun din sila, saka namin tinanggal ang aming mga graduation cap saka initsa tanda ng pagtatapos ng graduation.
--------_-----_------_-------_---------_------
Happy graduation day.
Thank you everyone,
Please don't be shy to comment at if gusto n'yo mag pa-shout out just leave your comment or messege para ma mention ko kayo sa every authors page ko.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...