Shawn's POV
Bigla na lamang dumilim ang paligid. At alam kong nagising na si Alely sa totoong mundo.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Pero wala pa ring nagbago. Madilim pa rin ang paligid ko. Ginalaw ko ang mga katawan ko at dun ko nalamang gising na pala talaga ako.
Kinapa ko ang tungkod ko sa gilid ng higaan ko at nang mahawakan ko 'yon ay agad akong tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Walang hagdan ang bahay namin dahil syempre kawawa ako pagnagkataon.
Rinig ko ang kaluskos ng mga kubyertos sa kusina at alam kong nagluluto si mama ng agahan namin.
"Goodmorning 'ma." Masigla kong bati sa kanya.
"Goodmorning 'nak." Rinig kong sabi niya. Ngumiti na lang ako kahit hindi ko alam kung nasaan siya.
Pumunta ako sa banyo namin para magtoothbrush.
Bata pa lang ako ay saulado ko na ang pasikot-sikot ng bahay.
"Ingat ka dyan 'nak baka madulas ka." Sabi ni mama mula sa labas ng banyo.
Napangiti na lang ako dahil lagi niya talaga akong inaalala.
Nang matapos akong mag-sipilyo ay lumabas na ako at dumeretso sa mesa namin.
"Anak, gusto mo bang makakita?" Biglang tanong ni mama na ikinagulat ko.
"Ha? Bakit niyo naman po natanong yan 'ma?" Tanong ko sa kanya dahil buong buhay ko ay ngayon niya lang tinanong ang usaping ito.
"Hahanap tayo ng donor para sa mata mo. Mas maganda kung nakakakita ka talaga. Baka pagnangyari 'yon ay maging isang sikat na model ka na dahil sa kagwapuhan mo." Sabi niya at natawa naman ako.
"Ma, buong buhay ko gustong gusto kong makakita. Pero kung mahihirapan kayo sa pera para makahanap ng donor ko. Mas gugustuhin ko na lang pong maging bulag habang buhay." Sabi ko. Ilang saglit ang katahimikan at nakakarinig na lang ako ng hikbi ni mama. Umiiyak na naman siya.
"Ano ka ba namang bata ka! May pera ako 'no. Yung pinamana pa sa akin ng mga magulang ko. Pinaparenta ko na din ang lupain nila sa probinsya dahil hindi naman na ako nakakabalik doon. Anong akala mo sa akin walang pera?" Biro niya pa sa akin.
"Oh sige 'ma. Ikaw ang bahala kung maghahanap ka ng donor para sa mata ko. Kung wala ay ayos lang pero kung meron edi mas ayos 'yon hahaha." Sabi ko pa at natuwa naman si mama dahil pumayag akong humanap siya ng donor para makakita ulit ako.
Hindi ko alam kung hihintayin ko pa ba 'yon bago ako magpakilala kay Alely sa totoong buhay o magpapakilala na ako habang ganito pa ako para malaman ko kung tanggap niya ba talaga kung ano at sino ako.
Naghain na si mama at sabay na kaming kumain.
Medyo mabagal ako kumain dahil tamad na tamad akong pumasok ngayon dahil sa dami ng iniisip ko.
"Bilisan mo dyan at baka dumating na ang service mo." Sabi ni mama at kahit tinatamad akong pumasok ay binilisan ko na din ang pag-kain dahil baka bumuga ng apoy itong nanay ko.
Inalalayan ako ni mama papunta sa banyo. Nung bata ako ay laging siya ang nagpapaligo sa akin. Pero nag-aral ako kung paano maligo mag-isa hanggang sa unti-unti akong natuto.
Yung mga gamit sa banyo ay nasa iisang lugar lang nakalagay para mas mapadali para sa akin sabi ni mama.
Medyo natagalan ako sa pagligo dahil tumunganga pa ako sa loob ng banyo.
Bakit ang lakas ng tama ni Alely sa pagkatao ko?
Nasa loob na din ng banyo ang uniporme ko na hinanda ni mama. Nagpunas ako ng katawan gamit ang tuwalya bago sinuot ang damit ko.
Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo.
Inalalayan agad ako ni mamang umupo. Dahil hindi ko dala ang tungkod ko.
"Umupo ka lang dyan. Susuklayan kita." Sabi niya at tumango na lang ako.
Ramdam kong lumakad palayo si mama at bumalik din agad. Naramdaman kong mag nagsu-suklay na sa akin.
"Alam mo bang nag-aral ako kagabi kung paano mag-ayos ng buhok ng lalake para maggawa ko sayo." Sabi ni mama at natawa naman ako.
"Seryoso ka 'ma?" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.
"Oo naman. Lagi na lang kaseng magulo ang buhok mo pero bagay naman sayo. Mas bagay nga lang sayo ang presentableng buhok. Bumili din ako ng gel para mas maganda tingnan ang buhok ko.
Ilang saglit pa ay natapos na si mama.
"Ayan tapos na!" Pumapalakpak pa siya na parang bata.
"Sana nakikita ko yung ginawa niyo sa buhok ko." Natatawa kong sambit sa kanya.
Hinipo ko ang buhok ko at naramdaman ko namang maganda ang pagkakaayos ni mama dito.
"Wag kang mag-alala anak. Bibilisan ni mama ang paghahanap sa donor para makakita ka na." Sabi niya at ngumiti na lang ako.
Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas at alam kong service ko na 'yon.
Inabot sa akin ni mama ang bag at tungkod ko at siya na ang umalalay sa akin palabas ng bahay.
Pagkapasok ko sa service ay pinuri nila lahat ang bagong hair style ko.
Ang gwapo gwapo ko daw.
"Seryoso? Kung nakikita ko lang ang kagwapuhan ko baka isa na din ako sa mga mayabang ngayon." Biro ko pa sa kanila at natawa naman sila.
Naalala ko nung nabunggo ako ni Alely sa Jollibee.
Alam kong siya yon base sa boses niya at sa amoy niya.
Tinulungan niya pa nga akong tumayo pero buti na lang at hindi niya ako nakilala.
Nasa likod nila akong lamesa non. At alam kong si Hexon din ang kasama niya nung araw na 'yon.
Nagdate kami ni mama non at sakto namang nandun din sila.
Naririnig ko ang usapan nila at sa sobrang selos ko ay nagpaalam muna ako kay mama mag-cr. Nang pabalik na ako ay bigla na lamang may bumunggo sa akin. Si Alely yon.
Naalala ko ang tungkod ko kaya sinabi ko sa kanya. Agad naman siyang may inabot sa akin at humingi ulit siya ng tawad at nilagpasan na ako.
Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil yun ang unang beses na nahawakan ko ang mga kamay niya.
Author's Note:
Yung sinasabi ni Shawn na scenario at nasa Chapter 5 : With Hexon. Yun lang thank youuuuuu.
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Novela Juvenil"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«