Chapter 44
Xander POV
Habang nakapikit ako ay iisa lamang ang aking nakikita--- si Kath. Her face when his mad, bored, sleepy and happy.. Napangiti ako sa aking naisip. Even if she had those big eyeglasses and braces, she still looks so beautiful. Naalala ko yung una naming pagkikita..
I was busy reading a book about world history nang may bumangga sa akin. Nahulog ang binabasa kong libro kaya mabilis ko itong pinulot. Tinignan ko kung sino ang aking nabangga at isa pala itong babae. Tinulungan ko itong makatayo at saka nanatiling nakatitig lamang dito. Pinagpag niya ang kanyang palda habang nakanguso. She's beautiful even if she has those big eyeglasses and braces. Hindi ko namalayang napangiti na lamang ako. "Sorry.."mahinang usal ko dito. Nakita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Salamat.."sabi nito at bahagyang ngumiti. Tumalikod na ito at naglakad na palayo. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ko, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na hinahabol yung babae. Tumakbo ako papalapit dito at hinablot ang kanyang braso. Humarap ito sa akin nang nanlalaki ang mata.
"GUYS ! TINGNAN NIYO SI MR.PIMPLES AT MS.NERD O ! LUMALOVELIFE ! HAHAHA !"narinig kong kantyaw ng mga tao sa paligid namin. Napansin na malapit nang maluha yung babae kaya't hinatak ko ito papunta sa garden.
"Sorry.."iyan ang salitang kanina pa niya sinasabi sa akin. Tinignan ko ito nang nakakunot ang noo.
"Bakit ka ba nagsosorry? E wala ka namang ginawa. At saka hindi naman niyan mababayaran yumg pangliligtas ko sa'yo !"siya naman ngayon ang nangunot ng noo.
"Aba't... Hays. Fine, ano bang gusto mo?"tanong nito sa akin. I smiled. "Ikaw.."sabi ko habang nakaturo sa kanya. Nakita ko naman na pumula ang kanyang pisngi.
"Loko, ano nga?"tanong ulit nito sa akin. Ibinigay ko sa kanya yung libro ng world history at kinuha naman niya ito."Sus. Ang dali lang nito e."
"Oo, madali para sa'yo Ms. Nerd !"nakangiting sabi ko. Tinignan naman ako nito ng masama na nakapagpalawak ng ngiti ko.
"Madali naman po kasi talaga Mr.Pimples."may panunuya niyang sabi. Imbis na maasar ako ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatawa kasama ang babaeng ito.
Pagkatapos ng araw na iyon ay lagi kaming magkasama sa library. May mga times na seryoso kami sa pag-aaral, may habulan at tawanan. Hindi ko makakalimutan ang masasayang araw kasama si Kath "Ms.Nerd" Ramos.
Ngunit isang araw, bigla na lamang niya akong iniiwasan. I tried to talk to her but she ignore me. Nasaktan ako at napagtanto ko na mahal ko na pala si Ms.Nerd. Nagpunta ako ng abroad at doon na din nag-aral kaya't matagal ko siyang hindi nakita.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...