Alely's POV
Matagal kaming naghintay sa labas ng Emergency Room.
"Pa, uuwi muna ako. Kukuha muna po akong gamit ni mama." Sabi ko at tumango lang si papa.
Tumingin ako kay kuya at tumango din siya sa akin.
Lahat kami ay paga pa rin ang mga mata kakaiyak.
Nag-commute na lang ako.
Ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong masabihan na kung sino dahil ang totoo ay wala naman talaga akong kaibigan sa school.
Si Hexon lang tapos nasa ibang bansa pa siya.
Si Shawn naman hindi ko na nakikita. Hindi na din siya nagpaparamdam sa akin ilang linggo na.
Sana naman kahit ngayon lang ay magparamdam siya sa akin.
Pangako, kapag nagparamdam siya ulit hindi na ako lalayo.
Habang nasa tricycle ay hindi ko na napigilan yung mga luha ko.
Hindi ko alam kung deserve ko ba lahat ng hirap at sakit na 'to.
Siguro oo, dahil nilayuan ko si Shawn dahil sa kalagayan niya pero gusto ko ng bawiin 'yon. Gusto ko ng nasa tabi ko siya ulit.
Nagbayad ako sa tricycle ng makarating kami sa bahay.
Dumeretso agad ako sa kwarto nila mama.
Kumuha ako ng bag na malaki sa cabinet nila at kumuha ng damit ni mama.
Pumunta din ako sa kusina para maghanda ng pagkain ni mama para hindi na sila bibili kapag nagising si mama.
Habang nagluluto ako ay nakaramdam ako ng uhaw.
Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref namin. Kumuha ako ng pitsel na may malamig na tubig.
Nagsalin ako sa baso ko. Nang matapos na ako uminom ay ilalagay ko na dapat ang baso sa lababo pero bigla na lamang dumulas sa kamay ko ang baso kaya nabasag yung baso.
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko.
Pakiramdam ko may masamang mangyayari. Wag naman sana.
Winalis ko ang bubog na nasa sahig. Nang pinupulot ko ang malalaking bubog ay nasugat pa ako.
Ang malas naman oh!
"Bwiset!"
Hinugasan ko lang ang sugat ko at patuloy na nilinis ang basong nabasag.
Nang matapos ako ay pinagpatuloy ko na ang pagluluto at nilagay ko na ang niluto sa isang malaking tupperware.
Nilagyan ko na din ng band aid ang sugat ko. Hindi naman siya malaki kaya hindi ko na ininda. Nagmadali na ako dahil baka magising si mama tapos wala ako don.
Dalawang bag ang dala-dala ko. Isa sa mga pagkain at isa sa mga gamit ni mama.
Sinarado ko yung mga kwarto, mga bintana at pinto. Tiningnan ko din yung mga saksakan.
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Teen Fiction"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«