Finding Reality

64 0 1
                                    

When I was little, I used to read fairytales. I believe in happy ending & I've been dreaming of a true love's kiss.

Naniniwala akong may darating na Prince Eric sa buhay ko and we will live happily ever after.

But then, everything changed when I met this bastard from Ursula's Palace. Isa siya sa mga shark na alagad ng kadiliman sa ilalim ng dagat.

Minahal ko siya dahil ang sabi niya, mahal niya din daw ako. We made promises.

Ang sabi pa niya, hinding hindi niya ako iiwan. Dahil magsasama daw kami, forever. Sabi din niya, pagsasaluhan daw namin ang isang malamig na gabi sa ilalim ng bilyon-bilyong bituin.

Ngunit isang araw, monthsary namin yun, naghintay ako ng ilang oras sa isang cafe. Halos natunaw na ang yelo sa iniinom kong juice sa kakahintay sa kanya.

Pero wala...

Natapos ang gabing 'yon, di parin siya dumating.

Habang natutulog ako, naisip ko, ano kaya ang nangyari sa kanya? Na-traffic kaya siya? Pero grabe naman, anim na oras siyang na-traffic?

Hindi din kasi niya sinasagot ang mga tawag ko, at di rin siya nagrereply sa mga text ko.

Halos di ako makatulog nung gabing 'yon kakaisip sa kanya.

Sa sumunod na mga araw, napansin kong nilalayuan niya ako. Hindi niya ako pinapansin.

Masakit. Sobrang sakit.

Yung parang nilalayuan niya ako sa hindi ko malamang dahilan. Bigla bigla nalang siyang nang-iiwan. Di naman kami nagbreak o ano.

Hanggang sa nakita kong magkasama sila nung babaeng tinuring ko pang kaibigan---best friend ko yun, to be exact. Magkasama silang naglalakad sa may daan.

Naalala ko nun, kaya hindi ako sinamahan ng uranggutan kong bestfriend dahil may date sila ni EX boyfriend. Akala ko ba may practice pa sila sa choir?

Hindi ko kinaawaan ang sarili ko nung hapong yaon kahit na ako lang mag-isang naglakad.

Nabigla nalang ako nung nagtama ang tingin namin ni EX. Matagal niya akong tinitigan. Siguro, dahil nabigla siyang nandoon pala ako sa kabilang linya.

Ako naman daw 'tong si palaban, hindi sila pinansin.

Naka-move on na ako.

Yun ang sabi ko sa sarili ko habang naglalakad with grace & poise.

Nung dumating ako sa bahay, naramdaman ko nalang na umaagos ng tuluyan ang luha ko.

Akala ko ba naka-move on na ako? Ba't ako umiiyak?

Nag-expect kasi ako ng masyado, ayan, nasaktan din ako ng bongga. Ngayon, naniniwalang naniniwala na ako 101% na hindi nga totoo ang forever lalo na't nasa modern life na tayo. Maraming temptation ngayon.

Kahit nga mag-asawa, nagse-separate. Eh yung mag jowa pa kaya?

Because the truth about forever is that it is happening right now.

Nasa 'yo ang desisyon kung puputulin mo ang nangyayaring forever.

Magmahal ka, 'wag kang mangako.

Then, I just found it.

The reality.

∞•∞•∞•∞•∞  E---N---D  ∞•∞•∞•∞•∞

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon