Kabanata 25
Fiance
Napaigtad ako nang makarinig ng tikhim sa gilid. Doon ay nakita ko si Kenjik na namamangha kaming tiningnan.
Bahagya akong lumayo sa kay David. Muli kong kinuha ang mga kagamitang panlinis na ngayon ay naihulog ko na pala.
Ramdam ko ang tingin sa akin ni David. Hindi ko na lang iyon pinansin at sinimulang linisin ang bubog.
"What happened?" tanong ni Kenjik.
Hindi ako sumagot ganun din naman si David. Mukhang ni isa sa amin ay wala siyang balak na sagutin.
Tumango-tango siya na para bang alam na niya ang sagot.
"If your going to have a fight... doon sa malayo. Iyong walang mga kagamitang mababasag." ngisi nito.
"Shut up, Kenjik. Wala kang alam." malumanay na sabi ni David.
Humalakhak naman si Kenjik sa kaniya at nilisan ang kusina. Lihim akong napailing dahil nasisimula na naman sila.
Kenjik really loves teasing his brother. Such a bad boy.
Tinapos ko ang aking ginagawa. Nang maibalik ko ang mga kagamitan sa lagayan ay nilingon ko si David.
He looks so exaggerated.
I forced myself to smiled at him. "Maybe let's talk some other time." ani ko at iniwan na siya doon.
Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga nang lumabas ako.
Ang bigat bigat ng aking dibdib. Bahagya itong kumikirot kaya naman pumunta muna ako sa garden at doon ay lumanghap ng sariwang hangin.
I am ready to let him go kung siya mismo ang magsasabi. No... i'm not ready and I think I will never be. It should be I am 'willing' to let him go if he ask me so.
Pero sa ngayon parang gusto ko ng makipag-hiwalay. Marami na siyang mga bagay na itinatago sa akin, ramdam ko iyon. Pero sa tuwing iisipin kong makikipag-hiwalay ako sa kay David. Mas lalong naninikip ang aking dibdib. I am not ready and as I said I think I will never be ready.
Pero ano, Krist?
Hahayaan mo na lang ang lahat ng ito? Alam kong may namamagitan sa kanila ni Laurel. Kung may relasyon man sila ay hindi ko alam, pero nakakasiguro akong tungkol sa kay Laurel ang dahilan kung bakit kami ganito.
Siguro nga hindi kami maayos hangga't hindi pa siya nagpapaliwanag. We really need to talk, dahil kung patatagalin pa namin, magkakasakitan lang kami.
Nakita ko ang paglabas at pagsakay ni David sa kaniyang sasakyan. Pinaandar niya ito, ako nama'y habol tingin, nagtatakha kung saan siya pupunta. Nang mawala ito sa paningin ko'y kung anu-ano na ang pumasok sa aking isip.
Where is he going? Sa kina Laurel ba? Anong gagawin niya dun? Paguusapan ang tungkol sa relasyon nila? Ano pa?
Goddamnit!
Ilang minuto pa akong nag-stay doon. Sa ilalim ng maliit na puno ako umupo. May kahon sa tabi na ginawa kong upuan. Balak ko sanang hintayin ang pag-babalik ni David ngunit tinawag ako ni Nanay Lita.
"Krist, hija."
Napalingon ako sa kay Nanay Lita. May dala-dala siyang tray ng meryenda. Dali-dali ko naman siyang nilapitan.
"N-nay. Ako na po." sabay kuha ko sa tray.
Tipid ako nitong nginitian. "Paki-bigay naman nito sa kay Madam. May bisita kasi, nasa opisina sila."
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...