"Are you done?" Nagising ang diwa ko nang may narinig akong nagsalita sa gilid ko. I saw Zeke. Dala na niya lahat ng gamit niya at mukhang uuwi na.
"Uhm." Napatingin ako sa computer na nasa harap ko. Meron pa akong tinatapos pero sa tingin ko pagpapatuloy ko na lang 'to sa susunod na linggo. Matagal pa naman ang deadline. At saka, konti na lang naman 'yon.
"Not yet?" He sat beside me. Ilalapag niya na sana yung mga gamit niya pero pinigilan ko siya.
"Okay na, Zeke. Huwag mo na ilapag yung mga gamit mo. Mag-aayos lang ako tapos aalis na rin tayo." Tumayo na ako at nag-ayos na. Binilisan ko lang dahil ayokong maghintay si Zeke. Ilang araw na rin kasi siyang naghihintay sa akin kapag uuwi ako. But in the end, wala pa rin siyang kasama pag-uwi kasi minsan nag-stay pa ako ng matagal dito sa opisina.
He chuckled. Napatingin ako sa kanya. "Akala ko wala ka ng balak mag-celebrate ng birthday mo." Sabi niya. Napangiti ako do'n.
"Actually, muntikan na."
"Why?" Tumagilid yung ulo niya. Napansin ko ang pagod sa mukha niya. Pwede ko naman siguro siyang sabihan na umuwi na para makapagpahinga na. Kaso, sayang naman yung paghihintay niya.
"Wala naman talaga akong plano ngayon. Alam mo naman na habang lumalaki tayo, hindi na tayo excited sa mga birthday na 'yan. Minsan hindi mo namamalayan na tapos na pala." Kinuha ko na yung notebook sa lamesa ko at nilagay na sa bag.
"Sabagay." Sabi ni Zeke ng makita niyang tapos na ako sa ginagawa ko. Natawa na lang ako. "Let's go home." Sambit niya at naglakad na kami palabas para makauwi na. Sa wakas, makakauwi na rin ako. Gusto ko na talagang magpahinga.
Pagkalabas namin, sinalubong kami ng malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko. "Ang lamig naman."
"Kaya nga, e." Natawa kami pareho. Habang naghihintay ng jeep ay nag-uusap kami. Masaya talagang kausap 'tong si Zeke. Palagi lang siya nakangiti at hindi siya maubusan ng kwento kapag kasama niya ako.
"Hindi ko talaga makakalimutan yung regalo sa akin nung Lola ko nung bata pa ako. It's a mug! Sinong matutuwa do'n?"
Natawa ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng ibigay sa kanya, mug pa? At saka, bata pa siya no'n. Saan naman niya gagamitin 'yon?
"Nagamit mo naman?"
"No, I just gave it to my Mom since she really loves coffee. Mas na-appreciate pa nga niya kaysa sa akin."
Umiling na lang ako habang ngumingiti. Naalala ko tuloy si Mama. May ginawa kaya siya ngayong birthday ko?
"Anyway, how old are you?" Lumingon sa akin si Zeke at tinignan ako sa mata. Ang gwapo niya talaga. Hindi ako nagkamali na maraming ka-officemate ko ang nagkakagusto dahil sa kagwapuhan niya. Minsan kapag dadaan siya sa may hallway, halos mabali na ang leeg nung mga babae sa kakatingin sa kanya.
"Twenty-six." Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Ang bata mo pa pala! Totoo 'yon?" Tumango-tango ako. Hindi ba kapani-paniwala yung edad ko?
"Oo. At saka, anong bata? Ang tanda ko na kaya!" Tinignan niya akong maigi. Parang sinusuri niya yung mukha ko. Anong meron?
"No, I mean, hindi ka mukhang twenty-six, Eli." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa akin, tila kinakabisado ang mukha ko. He suddenly smiled. Nakakaagaw ng pansin ang maganda niyang ngipin.
Napaisip ako. Should I thank him for that? Parang pakiramdam ko ang bata ko pa rin. Though, parang hindi ko na kakayanin pang bumalik sa pagkabata ko. Lalo na at marami akong gustong kalimutan na mga masasakit na alaala.
YOU ARE READING
My Elizabeth
Teen FictionIlang taon na nakakulong sa mga masasakit na alaala si Eli. Mga alaalang gusto na niyang kalimutan, iwanan, at bitawan. Dahil simula nung nangyari 'yon, ayaw na nitong patahimikin ang isipan ni Eli. Paulit-ulit, pabalik-balik, bakit nga ba? Ano pa b...