Chapter 8

38 1 0
                                    


Velora's POV

"----nakalagay dyan lahat ng impormasyon na kaylangan mo, Lorenzo has a big syndicate this syndicate nor oganization has no name, hindi mapangalanan ang sindikato ni Lorenzo kung kaya't mahirap syang hanapin at pugsain. So well thanks for your time! Here" sabay abot ko sa card ko, pero tinignan nya lang yon "Astro!" Madiin kong sabi na nakapagpabalik sa ulirat nya sa haba ng sinabi ko kanina titig na titig lang sya saakin, at oo aaminin ko apektado parin ako pero di ko yon ipapakita sakanya "Call me if you have to tell about our mission, and I will call you if our mission will be begin." Tumayo ako sa pagkakaupo ko at maglalakad nasana palayo ng banggitin nya ang pangalawang pangalan ko na ngayon inis na inis na ako marinig

"T-Tanya... " napapikit ako habang nakatalikod sakanya, pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako humarap sakanya ng walang emosyon

"What? Do you need anything? Meron ka bang sasabihin?" Taas noong tanong ko, umawang lang ang bibig nya tinitigan ako "What?! May pupuntahan pa ako!" Kumurap sya ng dalawang beses bago umiling, inirapan ko sya bago ako lumabas ng Starbucks at don lang ako nakahinga ng maluwag.


Tinignan ko ang cellphone ko nang may nagtext saakin napakunot ako ng noo nang makitang unknown number ang nakalagay binuksan ko ang message at binasa agad akong napatingin ulit sa gawi Bree ng mabasa ang text.

From:
+639054557829

I miss you.

___

Alam kong sakanya 'to, hinanap ulit ng paningin ko si Bree say loob ng cafe pero diko na sya makita, ganon kabilis? Please stop doing this Bree I might be assuming!

Umiling ako at binura ang text, baka mabasa pa ni Fin, I don't want him to be hurt.


Dumiretso ako ng University para makapasok sa natitirang subject na kaylangan kong pasukan, pagkapasok ko sa isang subject agad kong nakita si  Azi na nakaupo sa dulo at nasubsob ang ulo sa arm desk nya, umiling ako at nilapitan sya.


"HOY!" Padamba ko syang ginising agad naman nya akong sinamaan ng tingin nang iangat nya ang kanyang ulo. "Mag uumpisa na ang klase nakasubsob ka pa dyan!"


"Ano bang paki mo? Iniwan mo nga ako kanina tapos babatukan mo pa ako! San ka ba nagpunta?" Nakanguso at nagtatampong sabi nya saakin, natawa naman ako sa pagiging childish nya "Tapos ngayon pinagtatawanan moko, ayaw ko na talaga sayo" umiling nalang ako sakanya at inirapan



"Ano palang ganap kanina?" Bored kong sabi at sumandal sa sasandalan ng arm chair ko, napangiwi ako nang biglang dumikit saakin si Azi at bumulong

"Alam mo ba kanina may nagsuntukan kanina sa hallway." Chismis nya saakin

"Nagsuntukan?" Kunwaring pakikichismiss ko rin.

"Oo babae." Agad napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang sanabi ni Azi, ang chismoso nya talaga Hindi na ako magtataka kung alam nya rin ang dahilan


"Bakit daw?" Kunwaring curious na tanong ko, mas lalo syang dumikit saakin as if na may makakarinig saamin



"According to my source, yung isang babae daw na naunang sumuntok ay nalaman daw non na sya ang kasama ng bestfriend nya bago ito mawala, agad naman sumuntok yung pinaghihinalaan dahil wala daw syang kasalan, tapos sumuntok ulit sya at don na sya umiyak ng umiyak at nagpaliwanag hindi nya naman daw sinasadya na iwan yung besfriend nung babae sa takot nya agad daw syang nanakbo nang kunin daw Yung kasama nya" nanliit ang Mata ko sa mga sinabi ni Azi.

Kung hindi ako nagkakamali kinidnap ang babae at nakatakas ang isang babae....

"Anong pangalan nung babaeng nakatakas?" Taas kilay na tanong ko

"Pauline ata yon tas yung nawala Adeza, bakit?" Agad akong umiling kay Azi "Ikaw ha! Ang chismosa mo, di kanaman katulad ng ganito dati" naparole eyes naman ako, ako pa talaga ah? But thanks for that, thought meron rin palang sense ang pagiging chismoso no Azi



Nang matapos ang klase agad akong nag paalam kay Azi, nagpaalam na rin syang susunduin nya yung nililigawan, chismosa rin kaya yong nililigawan ni Azi?

Umiling ako at agad akong napahinto ng mapansin ko ang nakadisplay sa bulletin board ng University,

Missing Person : 4 person

Apat na babae na ang nawawala dito sa University, kung Hindi ako nagkakamali sa mga narinig ko sa mga nadadaanan ko dito say loob ng University nangyari ang Kidnapping, at di impossibleng nandito lang sa loob ng school ang sindikato na iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa mga kotse at Van na nakaparada sa ibat ibang parte school.


Astro needs to know this, kung kaylangan kong maging pain para matapos na kaagad ang misyon na'to gagawin ko!

Agad akong napatingin sa cellphone ko ng maramdaman kong may tumatawag.


+639054557829 calling.........

L O V E S H O T SWhere stories live. Discover now