Kabanata 15

3 0 0
                                    

Turn off.

   

Lipstick on.

  

At ang pinaka sa lahat... Confidence.

  

Chin up akong naglalakad sa labas na itinuring kong danger zone sa lahing Buencamino. Huli ko lamang din naunawaan na ang lugar na ito'y hindi itinuturo ang panganib na maari naming tahakin, kundi mismo ang angkang nagpakalat-kalat at kinikilala ng lahat.

"Buencamino 'yan? "

"Ang ganda! " Isang bagay rin na mahirap unawain sa lahat ay kung bakit busted ang lahing Buencamino sa mga Sepe gayong habulin kami ng lahat?

  

Isa pa sa nakakalokang tanong ay kung bakit kami naghahabol sa mga taong hindi naman kami mahal?

  

Ouch. Hindi masakit! Grabe! Hindi masakit!

  

Humawi sila sa aking dadaanan at nagtuloy-tuloy ako papalapit sa aking sadya.

  

Bagot man ang mukha nito, nakuha ko pa rin ang atensyon niya kaya't nabigyan buhay kahit papaano.

  

"Al! " Tumingin sa akin na may pagtataka pa rin sa mata.

  

Kumunot ang noo nito't nanatiling tikom.

  

"New fling? " Umirap ito na ikinamangha ko. Muntik nang manlambot 'yong tuhod ko do'n ha?

Hindi ito sumagot at muling ngumiti sa babaeng kaharap. Hindi man lang binigyan pansin ang presensya ko't sumulyap lamang na parang wala. Sinubukan ko muling agawin nang tumayo ako sa kanilang gitna.

"Do you know her, Al? "

Nakuha ko muli ang atensyon at ngayon ay hindi na panandalian lamang. "Flirt buddy " Casual n'yang sagot na ikinanganga ng babae.

Ngumiti ako't kinuha ang milk tea nito't ininom. Bumalik sa akin ang tingin na may sama na ng loob. Ayon rin sa sources na nakuha ko, Parehas sila ni Tyre ng pagkahilig sa milk tea. Ayaw na ayaw n'yang inaagaw ito o kaya'y iniinuman kaya't itatapon na lamang sa oras na malawayan ng iba. Sana'y gano'n din siya sa babae? Matutuwa pa ako kung magkagano'n. Tss.

"Ayoko na n'yan " Kinuha sa akin para itapon.

Pinigilan ko. "Bakit? " Pakunwari pang walang alam.

"Nilawayan mo na " Gano'n s'yang tipo ng lalaki. Maarte. Sa sobrang kaartehan niya nga'y ang hirap paniwalaan na pumatol siya sa isang low class na babae.

"Akin nalang! "

"No! " Nakipaghilahan rin ako.

"Nandidiri ka sa laway pero nakikipaglaplapan ka sa mga flirt buddy mo? " Nabigla ito sa aking nasabi.

  

Burn!

  

Nabigla talaga siya sa aking nasabi.

  

Isang ngiti ang pinakawalan ko't pinagpatuloy ang pag inom sa milk tea n'yang mas sumarap pa ngayon dahil may halong laway ni Al Sepe.

  

Pakiramdam ko'y naglaplapan na rin kami dahil sa straw na 'to 'no?

  

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon