Bumukaka.
Naging usap-usapan ang engkwentrong 'yon sa pagitan namin. Gustuhin ko mang magbingi-bingihan ay hindi ko rin kaya dahil sarili naming lupain ay hindi nakikiayon.
"Anong tinatawan-tawanan niyo?! " Ang kaangasan ko'y naglaho. Hindi man ang aking kayabangan, sa tingin ko'y hindi sapat na Buencamino lang kami ng bansa.
Ang mga kadagalahan na minamaliit ko nang nakaraan lang ay may ngiti na sa kanilang mga labi lalo na nang mabalitaan nila sa lahat ang tungkol sa napaka-gentlemang ginawa ni Al Sepe kuno sa aking ulo. Gosh. Binuhusan niya ako ng milk tea sa ulo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabastos ako ng literal.
Hindi ko lang siya naramdaman...
Naranasan ko pa.
Ang sakit ng ginawa niya ha. Napahiya ako at napapahiya pa rin hanggang ngayon. Buencamino nga kami ng bansa pero bakit ganito lang ako tratuhin ng isang lalaki? At sa dinami-dami pa'y sa kanya pa? Sa taong mahal ko pa? How to unlove him?
Hindi ko rin alam ang sagot.
"I still like him " Nakanguso kong sagot kay Tyre.
Ginulo nito ang aking buhok. Inasahan ko ring mag aalburuto siya sa galit dahil pinahiya ang baby cousin niya subalit natawa lamang siya. He was very happy about what happened to all of us and I was annoyed.
Hindi lang siya sa akin ganito, halos sa lahat na nahuhumaling sa angkan na 'yon.
Ngumuso ako't yumuko.
Huminto kami parehas sa paglalakad. "Magandang umaga po, Senyorito Tyre "
"Magandang umaga rin. Sobrang ganda talaga ng umaga! " Sinapak ko siya't hindi na yumuko pa.
Sinamaan siya ng tingin.
"Mukhang masama ang gising ng senyorita? " Tumingin sa akin ang matanda't nakaramdam ako ng hiya.
"Busted " Nag angat ng tingin at tuluyang sinamaan ng tingin ang tagapagmana ng lahi namin. "Ng isang Sepe "
"Umiibig ka sa isang Sepe, Senyorita? " Why? Anong masama ro'n? E sa gusto ko siya e! Gustong-gusto ko ang lahat sa kanya kahit pa hindi niya ako gusto. Kahit hindi sa physical looks, gusto ko ang tindig niya, paglalakad niya, pagtayo niya o kahit 'yong paraan ng pakikipag-usap niya, lahat ay gusto ko sa kanya.
Masyado na akong desperada sa isipan, sa totoo lang.
Gusto ko s'yang maging pag aari. Hawakan siya sa kahit na anong parte na hindi nilalabag ang karapatan niya. Gusto kong tumingin sa kanyang mata na isa lamang ang nakikitang dahilan ng lahat kung bakit gano'n ako tumingin... Inlove ako sa kanya. Inlove na inlove kami sa isa't-isa kaya gano'n kami magtitigan, na kahit walang salitang lumalabas ay nagkakaintindihan kami.
Gusto ko 'yong feeling na inlove.
Super. Nakakapanghinayang na mayroon na siya.
Siguro naman ay hindi sila magtatagal? Hindi ba?
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
OverigSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019