Tula
ni : Aries Roque DomingoIkaw ay buwan sa aking paningin
Malayo man at may ningning.
Distansyang malayo
Mula sa talampakang
nakahinto.
Nais angkinin kahit hindi ginto.Nais kong titigan ang buwan
sa gabing ito,
nais kong mangarap habang nakatingin sayo.
Nais kong ibigin kahit malabo
Nais kong itago kahit hindi tatango.Paano ko iaabot ang aking pag ibig
gamit ang bibig na walang kibo
Paano ko ibibigay gamit ang bisig
na paralisa ng aking pag ibig.
Paano ako hihinto?
Kung ang buwan na mismo ang paulit ulit nalang maglalaho.
Sa gabi lang kitang nakikitang nakangiti
Sa umaga ka'ng hinihintay lagi.
Kailan ka ulit magpapakita ng buo?
Pag isahin nalang natin ang araw at gabi.Ikaw ang aking buwan, Ako ang iyong mangingibig.