Una sa lahat nais kong ipaalam sayo na hindi ito tungkol sa lovelife! Kaya kung bakit hanggang friends lang kayo ng mahal mo. Aba! Sa next chapter ko pa yun! kaya abangan mo lang! anyway kung gusto mo paren basahin edi go! gora bambam bells! gusto mo i-vote mo pa. i-share mo etc. bahala ka its your life!
Balik tayo sa Realiadad.
Sigurado naman ako lahat kayo may mga kaibigan diba? May bestfriend,closefriend,closetfriend,friends of friends chova eklabo!
Bakit Tayo May Kaibigan?
-Kasi bukod sa pamilya natin may mga tao na handa tayo. pakainin,batukan,galitin,lambingin,kikilan,utangan,saktan,patawanin,bigyan ng mga gamit,tulungan,kopyahan,damayan,bigyan ng problema,pagurin,utusan,nakawan,plastikin,ichismis qt mahalin kahit papano. Yan Ang ilan sa naisip kong dahilan.
May Iba Ibang Klase Ng Kaibigan Halimbawa.
Si Zooey at Orocan.
Ito yung mga kaibigan na mga PLASTIK!!! Ang mga plastik ay walang matress pero hindi maitatanggi na dumadami sila!!! Patuloy ang pagdami ng populasyon nito. Ang mga ganitong klase ng kaibigan ay hindi maiiwasan. Sila ay abundant cases kung baga. Sigurado ako may kaibigan kang ganito.
Si Ms.Krissy Hermosa.
Ito yung mga kaibigan mong maarte chismosa naman.
Yung mga pasosyal effect pa. ending chismisan naman ang hobby. Nako! yung ganito ang sarap sapakin! hehe biro lang baka sabihin ang brutal ko. kung sa private school ka nagaaral malamang. They Were like anywhere! OMG! As in G-r-r-r-r-r-r-r-r-r-r!!! hehe ang arte ko!
Si Frat.
Ito yung mga kaibigan mong mapanakit. Yung pwede kasohan ng Child Abuse. Yung Every Action May Hampas,Sapunot,Suntok,Kurot,Pitik,Sampal. Brutalism ang peg. Parang Kang Sumasali sa Fraternity pag kasama mo siya. Kung may kaibigan kang ganito payo ko Gawing helmet ang kaldero, maglagay ng takip ng dram sa dibdib at likod. magdala ng dos por dos pag kasama siya. Para Safe ka at Makabawi manlang. Haha :-)
Si Changer.
Ito yung mga kaibigan mong nagbabago. Yung kilala mo na for a long time pero biglang isang araw iba na yung ugali nila,iba na yung mga galaw at kilos nila at iba naren ang pananalita nila. Madalas kapag ganito na ang kaibigan mo dito na nagaganap ang awayan,inggitan,samaan ng loob,plastikan at kung ano ano pa depende nalang sa inyo kung gaano kayo katatag. at hanggang kailan kayo magkakaintindihan.
Si Stage Play.
Ito yung mga kaibigan mong Huknukan ng Kaartehan! Nako isa rin ito sa hindi mawawala. Sila yung tipong gusto mong isako at itapon nalang sa ilog pasig kung nagkataon. Ito yung mapili sa pagkain.May pag-alcohol effect pa! etsusera! haha XD Minsan ang nakakainis pa dito ay yung hindi naman mayaman pero kung makaarte e akala mo bilyonario ang tatay, millionaria ang nanay at may companya ang mga kapatid. at Ang Malas mo Kung Prinsesa ang tingin niya sa sarili nya! Etsusera!
Si Catleya.
Ito yung mga kaibigan mong filler. hehe. este yung mga feelingero at feelingera BOW. Haha Sila yung Feeling Maganda,Gwapo,Sikat,Mapayat,Matalino,Marunong,Magaling Sa Ganito Sa Ganyan,Dyosa,Joker,Honest,Loyal. etc. Sila yung Pwede silang isali sa Contest Ng Kayabangan! Sila Madalas I-topic kung wala sila. Sila yung madalas mairapan palihim. Sila yung Binubugbog mo sa imagination mo. Haha XD.
Si K-Pop.
Ito yung mga kaibigan mong adik sa Korean Things.
Dance Group,Band,Singers,Accesories,Food,Style,Shoes,Bags,Hair,Desserts,Place,Artist,Songs,Writings,Supplies,Pictures,Gestures. Sila yung tipong pag magkakausap sila lang nagkakaintindihan at tatawa sila bigla memorize nila yung mga pangalan ng mga idol nilang koreano kahit ang hirap bigkasin at basahin. Sila yung mga taong alam magsulat ng korean. Sila yung magoopen ng Iba't ibang social media account para lang masubaybayan ang mga idol nilang K-Pop. Marami akong kaibigang Ganito. Hayyysss Pagnaaalala ko sila natatawa ako kasi KOREAN INVASION na. Pero Kung Ganito Kagwagwapo ang sasakop satin aba! keri bambam bells lang!