"Iris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods.
Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect heaven and earth, and, by extension, it was only suitable that its spirit should serve as the link between the gods and the mortals.
-------
"I named you Iris, because you are my rainbow after the rain."
Ito ang nakasulat sa huling parte ng liham na ginawa ni mama.
------
Nasa school ako ngayon, naka sandal sa bintana. Ang daming projects na kailangan tapusin, sabayan ba ng research papers. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.
"Lalim ng iniisip ah?" Sabay tapik sakin ni Jach.
"Ang daming gagawin. Nakakapagod." Bigkas ko habang umayos ng pag upo.
Nagsimula na ang klase namin. Nakikinig naman ako pero, bigla bigla pumapasok sa isip ko lahat dapat tapusin sa school. Hanggang sa nagring na bell hudyat na tapos na ang klase.
Agad naman akong lumabas ng room, di na ko nagpaalam kay Jach, dahil dederetso ako sa coffee shop malapit sa school, para bumili ng milktea at paboritong cupcake ni mama. Gusto gusto ni mama ng blueberry cheesecake.
Ilang minuto lang dumating na ko sa coffee shop, umorder ako ng isang wintermelon at isang dosenang cupcake. Habang inaantay ko ang order ko umupo muna ko sa gilid, tanaw ko dito ang labas ng shop, malaking kalsada, napaka daming sasakyan. Hanggang sa nagulat ako ng may biglang tumawid at nahagip siya ng sasakyan. Huminto lahat ng sasakyan, nagkakagulo nasa labas.
"Good day maam! Eto na po order nyo. Thank you Maam. Hala anong nagyare sa labas" Sambit ng crew sa coffee shop na halatang gulat sa nangyare.
Bumaling ang atensyon ko sa babaeng nagserve ng orders ko.
"Thank you." Matipid kong sagot.
Napalinggon ulit ako sa aksidente sa labas. Hindi ko maipaliwanag, nakikita ng dalawa kong mata, kinukusot ko pa mata ko baka dahil namamalikmata lang ako. Yung babaeng nasagasaan, Nakatingin sya sakin. Nakangiti at kumakaway. Kinikilabutan ako ng sobra. Nagsitaas mga balahibo ko. Sa sobrang kaba ko, lumabas na ko ng coffee shop. Dumersto na ako agad ng bahay.
----
Inilapag ko ang mga cupcakes sa dining table, at dumeretso ako sa kwarto. Humiga ako at iniisip pa din ang mga nakita ko. Hindi ako nagkamali, kita ng dalawang mata ko na nasagasaan yung babae, pero bakit ganon? Bakit sya kumakaway sakin habang nakangiti? Nakakakilabot. Ngayon lang to nagyari sakin.
"Knock knock. Iris are you there?."
Boses palang alam ko kung sino na.
"Maaaa! im here." Sagot ko at binuksan ang pinto.
"Ikaw ba may dala ng cucpcakes? Kumuha na ko ah!" Sabi ni mama na halatang galak na galak.
"Yes ma. No problem. Sayo lahat yon!" Sagot ko habang nakangiti.
Dapat ko bang sabihin kay mama nangyari sakin kanina? O wag na lang, baka mag alala pa sya, baka dahil lang ito sa mga imahinasyon ko.
Im Iris Caballero.
---A/N: Guysss. Please wag nyo ko i-judge dahil ginamit ko si Iris ng Greek Mythology. Huhuhuhu.
The start maybe boring but the end will shook you.
-loveAreumKwan
BINABASA MO ANG
IRIS
General FictionIris" Goddess of the Rainbow and messenger of gods. Iris was both a personification of the rainbow and a divine messenger. The Ancient Greeks combined these two functions in Iris, since, as a meteorological phenomenon, the rainbow appears to connect...