Kabuburol lang ng yumao kong ina. Heto at umiiyak ako sa harap ng kanyang puntod dahil sa pangungulila. Hindi kasi ako sanay nang wala siya.
“Papa, pinapaabot po ng babae sa iyo, nakita po kasi niyang umiiyak kayo.” Inabot sa akin ng anak ko ang isang pulang panyo na may burdang ‘J.D.’. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang makita ko iyon.
Noong nasa ikatlong baitang pa kasi ako ay may nakita akong isang napakagandang bata sa Paaralang Sentral ng aming nayon. Magkalaban kami sa isang patimpalak. Dahil sa kanyang angking ganda ay nabihag niya agad ang puso ko. Sa pagtatapos ng aming patimpalak, nakuha niya ang pinakamataas na parangal. Lalo akong humanga sa kanya. “Galing niya no? Maganda na, maputi pa, matangkad, at matalino pa! Galing talaga niya no? ” Tanong sa akin ni George ngunit hindi ko siya pinansin. “Ang ganda niya talaga. Astig pa kung kumilos. Siya na talaga ang Miss universe ng buhay ko.” Sambit ni Paolo. “Tumahimik nga kayo! Akin lang siya.” Sabi ko sa kanila. “Walang sayo Josh! Akin lang siya.” Sagot ni George. “Ito na lang, kung sino ang unang makakaalam ng pangalan niya, siya ang magmamay-ari sa kanya.” Sambit ni Paolo. “O, sige ba!” Sabay sagot namin ni George. Habang nag-uusap kami ay laking gulat namin nang bigla siyang bumaba sa entablado at tumakbo palapit sa amin . “Oy, palapit na siya, tanungin mo na.Paolo” “Nakakahiya, ikaw na lang Josh.” “Hindi rin makapal mukha ko eh.”
“Cynthia, halika laro tayo.” Nawalan ako ng kibo nang marinig ko ang mala anghel niyang boses. “Tayong dalawa lang?” Sagot ng batang katabi ko. “Ahm, teka lang maghahanap muna ako ng ibang kalaro. Hmm… Bata? Gusto mo bang sumali sa amin? Maglalaro kami ng habulan. Sige na, pumayag ka na.” Natameme ako nang tanungin niya ako. “Hoy! Ano? Sasali ka ba?” “Ah, Eh, oo, sasali ako.” “Sali rin kami.” Sambit ng mga kaibigan kong sina George at Paolo. “Ok! Tayo na! Halika na Cynthia, marami na tayong kalaro.” Naglaro kami ng habulan. Kapag siya ang taya ay sinasadya kong bagalan ang aking takbo upang ako ang hahabulin niya. “Huli ka! Aray!” Pagkahuli niya sa akin ay bigla siyang nadapa. Nasugatan ang kanyang mga tuhod. “Bata? Ok ka lang?” Tanong ko sa kanya. “Oo, ok lang ako. ‘Wag kang mag-alala. Malayo to sa bituka.” Kinuha ko ang aking pulang panyo at tinalian ko ang kanyang tuhod. “Huwag kang malikot ha.” Habang tinatalian ko ng panyo ang kanyang tuhod ay napansin kong nakatitig siya sa akin. Hindi ako mapakali kaya tinanong ko siya. “May dumi ba sa mukha ko?””Wala naman.””Kung gayon, bakit mo ako tinititigan?Nagwagwapohan ka ba sa akin?” Mapang-asar kong tanog sa kanya. “Che! Yabang mo! Kung hindi ka half, hindi ganyan ang mukha mo.” “Kung hindi iyon ang rason, eh, ano?”Nakangiti kong tanong sa kanya. “Ano ba ang paki mo? Ha? Umalis ka nga!” Tumakbo siya palayo. “Josh Drescher pala ang pangalan ko! Ingatan mo ‘yang pulang panyo ko ha! Bigay pa ‘yan ng mama ko! Isauli mo ‘yan!” Sigaw ko sa kanya.
Simula noon ay hindi na kami nagkitang muli. Hinanap ko siya kung saan-saan hanggang sa… “Josh! Kilala ko na siya!” Tuwang-tuwang sabi ni George. “Sino?” “’Yung crush natin. Naalala mo? Noong nasa elementarya pa lang tayo.” Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko pagkarinig ko sa mga sinabi niya. Masaya dahil matatapos na rin ang paghahanap ko sa kanya at malungkot dahil si George at hindi ako ang magmamay-ari sa kanya. “O, paano ba ‘yan? Sa akin na siya? Bwahaha.” Binatukan ko siya sabay sabing “Hindi pa tapos ang laro pre, nagsisimula pa lang. So, sino ba siya?” “Siya si Karylle Faith Villacorte. Alam ko rin kung saan siya nakatira. Kaya tara na! puntahan na natin.”
“O heto na tayo. Ahm, magandang hapon po. Kayo po ba ang lola ni Karylle?” “Oo, ako nga. Bakit?” “Nandiyan po ba si Karylle?” “Oo, nandito siya. Teka, tatawagin ko. Karylle? May naghahanap sa’yo.” “Ho?” Lumabas ang isang babaeng ubod nang ganda. Siya na ba si Karylle? “Teka? Pamilyar kayo… Nagkita na ba tayo dati?” “Ah, oo, noong elementarya sa may paaralang sentral ng ating nayon.” Sagot ko. “Ah, tama nga ang hinala ko. Ikaw si Josh? Tama ba?” Ang saya-saya ko nang sinabi niya ‘yon. “Oo, ako nga. Naalala mo pa ako? Sabi ko na nga eh, hindi mo malilimutan ang isang gwapong tulad ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Hanggang ngayon pala, mang-aasar ka pa rin? Hay nako, ano ba ang kailangan n’yo?” Nagpatuloy an gaming usapan hanggang sa malaman naming wala pa siyang kasintahan kaya naman niligawan ko agad siya gayundin si George. Hindi na namin kasama si Paolo dahil Masaya na siya sa kanyang kasintahan. Tatlong taon rin ang itinagal bago niya ako sagutin. Oo, ako ang sinagot niya at hindi si George.
“Pwede ba tayong mamasyal bukas? Sa may boardwalk?”Tanong ko sa kanya. “Tayong dalawa lang? Hindi ako papayagan ni lola niyan. Dapat kasama ang kapatid ko.” “Bakit? Eh, tayo na di ba?” “Oo, tayo na nga pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na tayong lumabas ng tayo lang. Lumaki ako sa isang konserbatibong pamilya. Sana naman maintindihan mo’yon.” “Sawang-sawa na akong umintindi. Noong kaarawan ko, hindi ka pumunta sa bahay namin dahil ayaw mong may maisip at masabi ang ibang tao. Pinalampas ko ‘yon Karylle. Ano ba talaga tayo? Mahal mo ba talaga ako?” Umalis ako palayo dala ng tampo at galit ko sa kanya. Palagi niya akong tinetext ngunit hindi ko siya sinasagot. Pagkalipas rin ng ilang araw ay tumigil na siya sa katetext. Hanggang sa napagpasyahan kong manligaw sa iba. Ewan ko ba kung ano ang nakain ko at naisipan ko ‘yon. Niligawan ko si Cynthia at sinagot niya naman ako agad. Kahit papaano ay sumaya ako dahil naramdaman kong mahal ako ni Cynthia. Palagi niya akong sinasamahan sa mga lakad ko.
Pista sa aming nayon, namasyal kami ni Cynthia at hindi namin inaasahan na magkikita kami ni Karylle. Pagkakakita ni Karylle sa amin. Tumakbo agad siya palayo. Hinabol ko siya. Sumunod naman si Cynthia. “Karylle, teka lang. Magpapaliwanag ako.” “Hindi na kailangan Josh, malinaw na sa akin. Kaya pala! Hindi mo sinasagot ang mga text ko sa’yo dahil may iba ka na. At alam mo ang sakit ha! Dahil sa iba ko nalaman na break na pala tayo. At ngayong kaarawan ko pa? Ang sakit Josh! Kapal rin ng mukha mo no? Niligawan mo ako tapos ikaw rin pala ang makikipaghiwalay.” Pabikhi-bikhi niyang sinabi ang mga iyon. “Best..” “’Wag mo akong hawakan Cynthia! Pagkatapos kitang ituring na parang kapatid, ito ang igaganti mo sa akin?” “Karylle, walang kasalanan si Cynthia.” “Oo, alam ko ‘yon. Kasalanan mo! Pero ‘wag kang mag-alala. Hindi ako marunong magtanim ng galit. Ingatan mo ang bestfriend ko.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay tumakbo siya palayo. Ang sakit. Mahal ko pa pala siya ngunit hindi ko na siya maaring balikan pa. Matututunan ko ring mahalin si Cynthia. Ayoko ko ng makasakit pa ng babae.
Lumipas ang ilang linggo, kaarawan na ni Cynthia. Pumunta kami sa nayon upang bumili ng mga gagamitin naming sa paghahanda. “Josh, punta muna ako doon ha? May bibilhin ako.” “O sige, ingat ka sa pagtawid.” Nagmadali siyang tumawid hanggang sa…. Beeeeeep…! “Nasagasaan ang babae!” Sigaw ng aleng katabi ko. Kinabahan akong bigla. Tumakbo ako bigla sa lugar na sinasabi nilang may nasagasaan. Bumungad sa akin si Cynthia at niyakap niya ako. “Josh…” Paiyak-iyak niyang sinabi ang pangalan ko. “Bakit? Ano ba ang nangyari?” “Si Karylle… Niligtas niya ako.” Hindi ko agad naintindihan ang mga sinabi niya. Hanggang sa naalala ko ang sigaw ng aleng katabi ko kanina. “Nasagasaan ang babae!” Binitawan ko agad si Cynthia at tiningnan ang babaeng nasagasaan. Nakita ko si Karylle, duguan. “Karylle!” Lumuhod ako at niyakap ko siya nang napakahigpit. “Karylle… Ba’t mo ‘to ginawa?” Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. “Josh, ma-hal na ma---hal kita at hindi ako papayag na masaktan ka. Alam kong masaya ka sa piling ni Cynthia, kaya niligtas ko siya.” “Karylle, mahal na mahal rin kita. Patawarin mo ako. Lumaban ka Karylle!” Hinawakan niya ang pisngi ko sabay sabing “Josh, hindi ako galit sa’yo. Mahal kita ngunit hindi na pwede. Ingatan mo si Ka--rylle.” “Karylle!! Huwag mo akong iwan.” “Hindi kita iiwan… Hindi ko pa nasasauli ang pulang pan--yo mo.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay bumitaw na ang kanyang mga kamay at tumigil na sa paghinga. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Wala na akong kibo. Hindi ko na rin namalayan ang pagdating ng ambulansya. Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon ay nabalitaan kong pumunta na raw sa America ang pamilya ni Karylle.
Lumipas ang ilang taon, nagpakasal na kami ni Cynthia at nagkaroon ng isang anak na babae at pinangalan naming kay Karylle. “Papa! Ok ka lang? Kanina ka pa nakatulala diyan. Hindi niyo po ba tatanggapin itong pulang panyo?” Natauhan ako bigla. Hay… ang kahapon nga naman… “Papa!” “Ah, eh, sino ba ang nagbigay sa’yo nito?” “Hindi ko po kilala. Lumapit lang po siya sa akin at binigay to.” “Nasaan siya?” “Hindi ko na po alam. Umalis siya agad pagkatapos niyang ibigay ‘yan.” “Ano ba ang hitsura niya?” “Maganda po, matangkad, at maputi.Sige pa, puntahan ko muna si mama.” Maganda, matangkad, maputi? Si Karylle ba ang tinutukoy niya? Hindi. Patay na siya. Tiningnan ko ang panyong inabot sa akin ng anak ko. Pulang panyo na may burdang J.D. Ang panyong binigay sa akin ng mama ko noong kaarawan ko. Walang duda, ito ang panyong itinali ko sa tuhod ni Karylle. Ngunit sino? Sino ang nagbalik sa akin ng panyong ‘to? Sino?...