Epilogue

35 4 0
                                    

“He's Gone”

Alely's POV

Dinala ako ng mama ni Shawn sa isa ding kwarto kung saan cino-confine ang mga pasyente.

May nakatakip na puting kumot sa isang tao. Bigla na lamang akong kinabahan.

Hindi siya 'to. Baka nagkakamali lang ako ng iniisip. Hindi siya.

Biglang umiyak ang Nanay ni Shawn na nasa tabi ko.

"Wala na si Shawn, Alely. Yung nag-iisa kong anak." Sabi niya at napaluhod na lang bigla.

Kaya inalalayan ko siya agad.

Bigla na lang din tumulo ang mga luha sa mata ko.

Pagkatapos niyang hindi magpakita? Pagkatapos niyang hayaan akong lumayo?

Bakit ganito yung mangyayari sa pagkikita namin ulit?

"Hindi totoo 'to. Binibiro niyo lang ako diba?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa taong nasa ilalim ng mga puting kumot.

"Tingnan mo." Sabi ng Nanay ni Shawn.

Unti-unti akong lumapit sa higaang 'yon.

Tinanggal ko ang puting kumot na nagtatakip sa ulo ng taong 'yon.

Napahawak na lamang ako sa mga bibig ko dahil si Shawn nga ang nakahiga don.

Maputla na ang kulay niya pati ang mga labi niya.

Pero parang nakangiti pa rin.

Napahagulgol na ako. Napayuko ako sa tabi ng walang buhay na katawan ni Shawn.

Napaluhod na din ako. Bakit kung kailan napagdesisyunan ko ng hindi ko siya lalayuan saka naman nangyari 'to?

Hindi man lang kami binigyan ng tsansa ng tadhana para magsama kahit sandali sa totoong buhay?

Sana pala hindi ko siya nilayuan. Sana pinaramdam ko agad na gusto ko siya. Sana inamin ko agad na gusto ko na siya, na mahal ko na siya.

Bakit sabay-sabay pa? Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako kahit sandali?

Bakit puro hirap na lang ng buhay ang nararanasan ko?

Masama ba ako?

Naramdaman kong may humimas sa likuran ko. Nanay 'yon ni Shawn.

"Pagkauwi niya sa bahay nung nagpunta siya sa bahay niyo. Sinabi niya agad sa akin na madaliin ang paghahanap ng donor para makakita siya ulit." Sabi ng Nanay ni Shawn.

Dahil ba hindi ko siya tanggap kaya gusto niyang makakita ulit? Bakit Shawn?

"Sinunod ko ang sinabi niya. At 3 araw pa lang ay nakahanap naman na ako. Nagpa-schedule agad siya para maoperahan agad. Wala akong naggawa kundi hayaan siya dahil halatang halata sa kanya na gusto niya ulit makakita." Pagpapatuloy niya pa.

Mas lalo akong naiyak. Ramdam kong parang kay nakayakap sa akin. Shawn... Miss na kita.

"Ang sabi ng Doctor ay magiging 50/50 ang chance pag-inoperahan siya dahil dalawang mata ang ooperahan. Sinubukan kong pigilan ang anak ko pero ang sabi niya lang sa akin ay...

Ma, gusto ko ng makakita. Mahal na mahal ko si Alely. Kahit ikakasakripisyo ng buhay ko basta matanggap niya lang ako, ayos lang sa akin 'yon.

Dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon