"SANA"

480 7 0
                                    

A/N: This is a one shot story so i hope you like it.

Prologue

It's been a year ng maghiwalay kami ni abby which is my ex. Hindi naman kami literal na naghiwalay dahil nagkasawaan kuno. Wala naman kasing perfect relationship. Naghiwalay kami ni abby dahil nahuli ko syang nagchecheat. Idk kung cheat bang matatawag yun kase pinagsabay nya kami ni jake tas mas pinili nya si jake kesa sa 6years relationahip namin.

By the way im Nathaniel Buenaventura. 17 years of age. Im grade 11 s itudent TVL is my track and ICT is my strand. Honor Student. I live in Laguna. Hindi naman kagwapuhan pero pinapantasya ng mga kababaihan saming eskwelahan inshort campus heartrob.

Siguro nagtataka kayo kung bakit 6years ang relationship namin ni abby at 17 palang ako and sya rin.

Abbygail Santos is my ex. 17 years of age. Maganda, matalino, mahinhin at kung ano pang magandang katangian na maibabato mo sa kanya ay nasa kanya na nga. Honor student din sya.

Nathan's POV

FlashBack

Grade 6 student kami parehas ni abby. Magkaklase kami. Madaming lalaki ang nagkakagusto kay abby nun kaya hindi ako lumalapit sa kanya. Lagi lang ako mag isa tinitingnan tingnan lang sya sa malayo kase alam ko namang malayong makarating sa kanya ang nararamdaman ko.

Nang mag uuwian na napagtripan kami ng aming mga kaklase na ikulong sa room. As in kaming dalawa lang himala diba? Malayo ako sa kanya at sya nasa pinto pinipilit na buksan ito. Lumapit ako sa kanya.

"A-abby?" nauutal kong tawag. Diko alam kung tawag bang matatawag ito o tanong. Dahan dahan syang lumingon at diko na maiwasang mapanganga sa taglay nyang ganda.

"Hoy!" pasigaw na sabi sakin ni abby na nagpaitlag sakin.

"H-ha? " nagmamadaling tanong ko. Narinig kong tumawa sya kaya tumalikod ako sa hiya. Napaatras ako sa gulat ng tapikin nya ako.

"okay ka lang nathan" inosenteng tanong nya.

Ito na siguro ang tamang pagkakataon para magtapat ako sa kanya ng nararamdaman ko.

"u-uhmm abbygail may sasabihin sana ako sayo" naiilang kong sabi.

"oh ano yun nathan?"

"gusto kita abbygail santos" deretsahan kong sabi sa kanya. Napakamot ako sa ulo ng nakatitig lang sya sakin. Ilang minutong katahimikan ang bumalot saming dalawa kaya binasag kona ito.

"Matagal na kitang gusto. Hindi lang ako makapagtapat sayo kase andaming napaligid sayong lalaki. At alam ko rin na hindi mo ako gusto. Alam kong kapag nagtapat ako sayo iiwasan mo na ako. HAHAHA kahit hindi mo naman talaga ako pinapan-

"Gusto din kita nathan buenaventura. Gusto kita matagal na" pagpuputol ni abby sa sasabihin ko.

'Nagulat ako sa sinabi nya, isang abbygail santos magkakagusto sa isang tulad ko' yan ang nasabi ko sa sarili ko.

"so tayo na? " masaya kong sabi sa kanya.

"Ambilis naman. Dika pa nga nanliligaw e"

"Edi liligawan kita kahit tayo na"

"Sige tayo na" nakangiting sabi ni abby sakin.

"Yiieeeeeeeeeeee"
"Uwian na may nanalo"
"Lamporeber"

Iilan lang yan sa mga naririnig ko sa labas. Actually kinuntsaba ko ang mga kaklase ko na ikulong kami ni abby dito sa room sa oras ng uwian para makapagtapat ako sa kanya. Halos lahat ng kaklase ko alam ang tungkol sa nararamdaman ko para kay abby.

SANAWhere stories live. Discover now