Prima Verità; Phthonus

33 3 1
                                    

Bakit may mga taong mapanghusga?

Na walang ginawa kundi pabulaanan ang kapwa? 

Bakit? 

Bakit may mga taong 'di nakaiintindi sa'yong mga kilos at salita? 

Kahit wala naman silang mapapala? 

Dahil ba sa wala lang silang magawa?

O baka dahil inggit sila sa 'yong mga nakukuha? 

Magmumukhang masama sa kapwa,

Kahit wala namang intensyong masama

Ang nais lang ay makamit ang bagay na matagal nya nang inaasam makuha

Mali, mali ang pagiisip mo kaibigan

Hindi ka uunlad sa paninira at pangaalipusta sa 'yong kababayan

Hinding hindi ka lalago 

Kung paulit-ulit kang maiinggit sa kapwa mo.

Tanggapin na lamang natin, na hindi lahat ng oras tayo ang nananalo

Minsan, nalalamangan tayo ng taong hindi gano'n katalino

Pero may pagmamahal at respeto

Hindi tayo perpekto, oo 

Pero patawad sa mga bibitawan kong salita

Pasensya kana, 

Hindi lahat ng oras nasa itaas ka

Kailangan mong tumanggap at magpakumbaba

Walang mangyayari kung patuloy kang maninira ng kapwa

Hindi ka magtatagumpay kung patuloy mong yuyurakan ang dignidad ng iba

Pasensya kana, 

Hindi lahat ng oras nasa'yo ang atensyon nila,

Kasi minsan, may darating na mas maganda

Hindi man sa pisikal, ngunit sa kalooban niya.

Ingat ka,

Dahil baka pati sarili mo'y kinakalaban mo na

Hindi sukatan ang talino sa pagkatao,

Dahil minsan daig ng may puso ang matalino

'Pagkat pupurihin ka lang ng iba tao dahil lang sa ika'y matalino

Ngunit, tatatak sa kanila ang pagiging makatao mo kung ika'y may puso.

~*~

In Greek mythology, Phthonus /ˈθoʊnəs/ (Greek: Φθόνος, Phthónos) was the personification of jealousy and envy, especially in matters of love. He was said to be the counterpart of Nemesis.

VeritasWhere stories live. Discover now