My sawi story: Siguro. Baka. Ewan by Marcelo

58 0 0
                                    

Lahat naman tayo ay nakaranas nang ma broken hearted---unless isa ka sa mga swerteng tao na may immunity kay "Tadhana" and I guess, walang ganun. So yes, nasaktan ka rin noon o masasaktan palang dahil ganun magtrabaho si "Destiny".

Actually, pare-pareho lang tayo ng mga pinagdaraanan sa buhay, nagkakaiba-iba lang kung gaano tayo nilamon ng katangahan o kamalasan. Dito natin nararanasang ang mga kwentong pang best-selling novel at mga istoryang pangdrama sa TV na magsasabuhay ng mga katangahan sa pag ibig.

Maraming nagtatanong saakin kung saan ko raw ba hinuhugot 'yung mga pinopost kong kadramahan sa social medipero ang lagi ko lang sinasagot ay "basta". Hindi naman sa ayaw kong ipaliwanag kung saan ba talaga nagmumula yung lungkot sa puso ko pero ang totoo niyan, ayoko lang balikan. Kasi kapag binalikan ko yung moment na yun, magsisislitawan na naman ang mga sana ganito, sana ganyan. Dadalawin na naman ako ng guilt kung bakit naging ganito ang love life ko ngauon. Hindi ako hitter sa pagibig, dahil hindi naman ako ang naung nasaktan, actually, ako ang nanakit. 

Five years ago, nasabi ko na sa sarili kong nahanp ko na ang one true love ko. Parang naging worth it ang one big shot na kinuha ko. Nag take ako ng risk na sabihin sa kanya na gusto ko siya,  at sa awa ng Diyos, umayon naman sa akin ang tadhana. Doon ako naging masaya. Doon ko naranasan ang magmahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Imagine, parangap ko lang siga noon tapos biglang masasabi kong ito na. Akin na siya.

Pero hindi pala lahat ng pangarap mo, magkakatugma tugma. Darating at darating talaga ang araw na kailangan mong mamili kung saan ka mag fo-focus o kung anong landas ang pipiliin mo. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi kong ayaw ko na. Gusto kong hawakan ang mga kamay niya pero bigla na lang siyang umalis. Habang papalayo, alam kong tama ang desisyon ko. Pero tama nga ba? Siguro. Baka. Ewan.

Pinili ko ang career ko. Pinili ko ang pangarap kong makapagsulat. Ako kasi yung tipo ng taong hindi ko kayang pagsabayin ang mga bagay bagay dahil alam kong hindi ko kaya. Alam ko rin namang magiging unfair sakanya yun kapag pinagpatuloy pa namin ang relasyon kung hindi rin naman ako makakapagbigay ng oras. May trabaho siya, tapos long distance pa.

Doon ko pinilit ang utak at puso kong tama ang desisyon ko.

               Ako ang nang iwan.

Lumipas ang ilang taon, sinubukan kong bumalik. Sinubukan kong kausapin ulit siya. Tumingin ako sa mga mata nya. Iba na. Hindi tulad ng noon, wala na akong lungkot na nakita. Hinawakan ko ang nga kamy niya pero inilayo niya iyon pagkatapos ay ngumiti sa akin. Humingi ako ng tawad at umasang pwede pang maibalik lahat. Ngayon kasi kaya ko na e. Kaya ko nang pagsabayin. Pero huli na ang lahat. Masaya na siya sa iba.

Siya ang pinakamalaking sayang ng buhay ko. Sayang kasi sana kinaya ko, sana nagpatulong ako sakanya, sana hindi agad ako sumuko. Siya ang the one that got away ng love story ko at hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas, nandito parin siya sa puso ko. Nandito pa rin ang mga masasayang ala ala naming dalawa.

Sayang noh? Pero siguro ganun talaga. Hindi raw kasi lahat ibibigay sayo. Hindi lahat kaya mong gawin.

May mga sakripisyo kang rapat gawin para sa mga pangarap mo. Don't get me wrong ah, naka move on naman na ako. Naaalala ko na lang naman ang lahat pero wala na akong maramdaman. Hanggang throwback nalang siguro at syempre, tanggap ko nang masaya siya sa iba. Ganun naman ang love diba, ang maging masaya ka kung saan masaya ang taong minahal mo kahit wala ka na sa buhay niya.

At dahil sa mga sayang at lungkot ng love life ko, marami akong nabahaging mga kwentong magbibigay ng aral o advice sa mga taong sawi sa pag ibig

Tama ba ang desisyon ko? Siguro. Baka. Ewan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The iwas sawi project (cover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon