PROLOGUE

859 13 0
                                    

Angelo POV

"Ma, Alis na po ako bye!"sigaw ko habang papalabas ng bahay at papunta sa garahe.

"Sigurado ka bang ayaw mo gumamit ng car Angelo? Baka maaksidente ka sa daan niyan."nakangusong sabi ni ma sa akin.Ngumiti lang ako at niyakap siya.

"Wag na po ma ayos na ako dito" wika ko at bumitaw.

"Haist,sige na nga,pero magiingat ka ha,I love you." kinuha ko ang bike ko at tiningnan si mama.

"I love you rin ma,bye." kumaway pa ako bago lumabas ng gate at nagpidal papuntang school.Ayokong gumamit ng kotse at baka maulit ang nangyari noon.

Bahagya Kong tiningnan ang relo ko.
6:30 a.m. Mas binilisan ko ang pagpidal dahil sa oras.

Maya maya ay nandito na ako sa parking lot ng school. Mabilis kong ipinarada ang bike sa gilid at kinadena ito. Habang kinakadena ay may biglang dumaan na kotse sa likod ko kasabay ng isang malakas na pagbatok sa akin at halos muntik na ako matumba dahil doon.

Tiningnan ko kung sino iyon. Si Jecko at mga kaibigan niya na nakasakay sa kotse at kapawa nakangisi sa akin habang pababa sila.

"Ayaw kasing tumabi, loser..." Rinig kong sabi ni Jecko bago sila umalis. Tumayo nalang ako at nagbuntong hininga. Sobrang lawak kaya ng parking lot sa school. Minsan iniisip ko na lang na bulag sila, eh.

Pero mali. Hindi talaga mawala wala ang mga bullies sa school.At oo si Jecko ay isang bully dito sa Velmondel University.

Third year highschool na ako dito at sanay na ako minsan sa ganyan.

Inayos ko nalang ang damit ko at naglakad na papasok sa school.
Maraming estudyante dito na pakalat kalat pa. Kanya kanyang gawa ang iba. Nagtuloy na lang ako ng lakad ng may makabunggo sa akin mula sa likod.

Sanay na ako dyan dahil halos araw araw naman akong nabubungo. Basta ba huwang akong mawawalan ng balanse.

"Sorr—" naputol ang sasabihin ko at nagulat sa sinabi niya

"Sorry..." at naglakad na siya palayo at tanging likod niya lamang ang nakita ko. Babae siya at mahaba ang itim na buhok niya. Napatulala ako dahil balot na balot naman 'ata siya.

Nakapantalon at nakajacket pa siya.
May gloves rin siyang itim sa kamay at nakabalot ang leeg. Ang init ng panahon ngayon tapos ganyan ang suot niya?

Pero mas nagulat ako sa sinabi niya kanina. Nag sorry siya sa akin na tanging siya palang ang nakasasabi non sa akin. O.A alam ko, pero medyo may humaplos sa puso ko dahil doon. Corny na kung corny. Para sa isang bullied na tao kapag nag sorry ka may malaking impact iyon sa amin.

Naglakad na lang ako papuntang room ng may humarang sa akin sa pinto pa lamang. Maaliwalas ang maganda niyang mukha na nababahiran ng make-up.

"Hi nerd boy!" wika niya sa mismong mukha ko. Nakangiti siya sa akin at tiningnan ang kabuuan ko.

"Nasan ang project na pinagawa ko sayo?" ngiting tanong niya na nagpahinto sa akin. Patay. Naiwan ko sa bahay kanina. Anong gagawin ko?

"Ano? nasan na? Amin na bilis, at may date pa kami ng boyfriend ko mamaya." Inilahad niya ang kamay niya. Napalunok na lang ako na nakatingin sa kanya.

"A-ano.. ka-si n-naiwan ko sa b-bah—"

"Ano?! ganon ka ba talaga katanga?!iniwan mo?! unbelievable! E Anong nang ipapasa ko ngayon?!" Napapikit nalang ako sa sinabi niya. Ang kaninang maaliwalas niyang mukha ay tila langit na nagdilim.

"S-sorry," wika ko at tiningnan siya.

"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo?! Mapapapunta mo ba nung project na iyon dito? gamit ang sorry mo? ha?!ha?!ha?! Ang sabihin mo Napaka-TANGA mo kasi! argh!"

Akmang hahampasin niya ako pero may kamay na humablot non. Napatigil si Angel at marahas na tiningnan ang pumigil sa kanya. Tiningnan ko din kung sino ang pumigil non at muntik na akong mapatalon sa itsura niya...

Multo ba siya?

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon