-3 A FLOWER, A TROUBLE-

8 1 0
                                    

Sa pagsikat ng araw, kasabay ng pagtilaok ng tandang sa aming bakuran. Isa namang magandang umaga.

"Ija! Anak, maayos ba ang naging tulog mo?" bungad agad ng aking Ama habang binabagtas ko ang aming mahabang hagdan. Kasalukuyan silang nag-aagahan. Si Ama ay nasa dulo ng lamesa, si Ina ay nasa kaliwa niya at ang aking bunsong kapatid ay nasa tabi naman ni Ina.

"Magandang umaga po. Opo Ama, maayos naman po" sagot ko naman

"Kung gayon ay sabayan mo na kaming mag-agahan" imbita ni Ina at agad na rin akong umupo upang kumain.

Habang kumakain ay sinabi ni Ama ang mga dapat naming gawin para sa sayawan na gaganapin mamayang gabi at ang pagpapakilala sa kaniya bilang bagong Gobernadorcillo ng aming pueblo.

Pagkatapos ng agahan ay pumunta agad ako sa aming bakuran kung saan ako nagtatanim ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Nakahiligan ko na ito noong bata pa ako. Ang iba ay bigay ng aking mga Tiyo at Tiya na mula pa sa ibang bansa gaya ng Europa. Habang dinidiligan ko ang isang bulaklak ay napansin kong may insekto dito. Kinakain niya ang magagandang petals nito.

"Itapon mo na iyan ate!" nagulat ako sa sigaw ng aking kapatid

"Diyos ko naman Pido! Ginulat mo naman ako" sabi ko sabay hawak sa aking puso. Hay, kung hindi lang kita kapatid ay...basta. Nako!

"Ayoko nga, aalagaan ko pa ito. Gagaling pa siya" depensa ko naman dahil sa sinabi niya. Hindi lahat na naghihilango ay mamamatay na agad. Minsan kailangan lang ng maagap na lunas para mabuhay.

"Eh, parang wala na iyang pag-asa. Itapon mo na lang, madami pa diyang magagandang bulaklak" nakapameywang pa siya habang nagsasalita. Sa bagay, bata pa siya na walang kamuwang-muwang sa totoong mundong kanyang kinalakihan.

"Alam mo ba na ito ang una kong bulaklak? Sa haba ng panahon na iginugol ko para palakihin ito sa tingin mo itatapon ko lang ito?" lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kaniyang braso. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na dapat lahat ng bagay ay pinapahalagahan, mahaba o maikli man ang inyong pinagsamahan.

Iling lang ang kaniyang naging sagot.

"Lagi mong tatandaan na ang lahat ng bagay ay may halaga, hindi sa salapi kundi sa pagkatao. Halaga na hindi mababayaran ng pera o materyal na bagay. Kaya ikaw, pumasok ka na sa loob at mag-handa ka para mamaya" sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa huling sinabi. Siguro ngayon ay hindi pa niya iyon maiintindihan pero nagbabakasakali ako na sana maging mabait siyang bata.

Naging abala ang lahat pagdating ng hapon. Ang mga kasambahay ay nagluluto sa kusina para sa hapunan na gaganapin doon sa may plaza kung saan idinidiwang ang mga piesta at iba pang selebrasyon. Si Ama at Ina naman ay inaayos ang kanilang susuotin mamaya. Magagarbong baro't saya at barong. Naligo muna ako at nag-ayos na ng sarili. Nakahanda na rin ang kalesa na sasakyan namin papuntang plaza.

Pagdating ng alas sais ay nakasakay na kami sa kalesa patungong plaza. Hindi naman kalayuan ang plaza kaya agad rin kaming nakarating.

Bumungad sa amin ang mga taong magiliw na nag-uusap sa mga kakilala at ang iba kahit gabi na ay nagbebenta pa rin. Buhay na buhay ngayon ang plaza. Ang iba ay nasa simbahan kung saan muna kami pupunta. Pagkatapos ng simba ay nagtungo na kami sa sentro ng plaza. May entablado na sa tingin ko ay doon uupo si Ama para sa pagpapakilala sa kaniya.

Nagsimula na ang pagpapakilala at nanatili lang kami ni Ina at Pido sa harapan. Pumalakpak ang lahat dahil sa galak. Pagkatapos ay nagsimula na ang sayawan. Isang napakagandang musika ang aking narinig. Maaliwalas sa aking tenga. Nagpaalam muna si Ina na pupunta lang kay Ama kasama niya si Pido.

Ginala ko ang aking mata para lang makita ang mga taong nagsasayawan sabay ng kani-kanilang mga kapareha o baka kasintahan nila. Nanatili lang akong nakatayo. Wala naman akong kakilala dito.

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now