Chapter 5: Her Eyes

6 1 1
                                    

Rain's POV

Nagpaalam ako kay anne na bibili muna ako ng drinks sa starbucks sa baba

"Geed efterneen dec rein" bati sakin ni nurse trixie

"Good afternoon din" sabi ko at dirediretsong naglakad pero tinawag ako ni nurse trixie

"Ay doc sengle ke pe be?" pabebe niyang tanong

"Yes but, i don't date my co-workers" sabi ko at umalis

Nasa door na ako ng may maalala ako

"Hey kuya larry sino po pala yung doctor na natoka dito sa ER nung Wednesday ng gabi?" tanong ko

"Teka lang doc check ko lang po"

"Sige po salamat tsaka wag niyo na po akong tawaging doc masyadong pormal, ok na po yung rain" sabi ko

Naupo ako sa tabi ni kuya larry at nag kalikot ng kung ano ano sa cellphone ko

"Uhm 7pm-1am po ay si doc theo at si doc ivan po tas sa mga nurse ay si nurse trixie, nurse joey, nurse eloise, nurse nikka" sabi niya

"Sige po kuya salamat ulit" sabi ko

Kumatok ako sa room ni theo at naabutan siya doon na kumakain ng sushi

"Yow rain mahmen gusto mo ng sushi? Bigay sakin ito nung isang nurse pinapabigay daw ng isa sa mga napagaling kong pasyente wala skl" sabi niya at pinaupo ako

"Anong sadya mo?" tanong niya

"Itatanong ko sana kung ikaw ba yung nag handle kay Ericka Mitsui nung nandon siya sa ER?" dirediretso kong tanong

"Oo nasa baba din yung ibang doctor na naghandle sakanya bakit?" sagot niya agad

"ah pwede koba mahingi yung documents niya?" nagulat siya sa tanong ko

"sorry pre pero--" pinutol ko ang sasabihin niya "pinakuha ni anne kailangan niya daw kasi" at dahil dun sa sinabi ko ay binigay niya ang documents saakin

Nang makuha ko ang documents ay nagpaalam ako sakanya at dumiretso ako sa starbucks sa baba

"Goodmorning doc, yung lagi po?" tumango ako sa nasa cashier at saka pumwesto sa gilid sa may couch

Sinimulan ko ng basahin ang documents ni ericka nung nasa hospital siya, si Dr Theo ang doctor niya nung inalisan siya ng bala sa katawan, may dalawang bala ang nakuha sakanya. Isa sa tuhod at isa sa tagiliran niya

Mukhang hindi talaga niya pinatay ng tuluyan si Ericka dahil lahat ng tama ay malayong maging kamatayan ni Ericka, pero sino naman ang gustong bumaril sakanya?

Naputol ang pagiisip ko ng may biglang may magsalita sa tabi ko

"Rain?" napatingin ako kung sino yun at nakita ko si danice

Dali dali kong tinago ang papel at hinarap siya, "uy danice ikaw pala upo ka, nasan si Leo? Hindi ka man lang sinamahan"

"ah may kausap siyang client pero siguro patapos na din yun, ikaw ano ginagawa mo dito?" sabi niya habang paupo sa harap ko

"wala, may binabasa lang akong file ng pasyente" uminom ako ng kape ko na kanina pa sinerve nung babae

"Ericka's File? " nagtataka niyang tanong

"ah pinagaaralan ko lang, doing some research about the patient para lumawak pa yung kaisipan ko. " mukang nasatisfy naman siya sa sagot ko at kumain nalang siya ng order niya

"danice? May naikwento ba si anne sainyo tungkol sa nangyari kay ericka nung nahospital siya?I'm just curious about it." nagulat siya sa tanong ko

"ah no" mabilis niyang inubos ang pagkain niya at tumayo na "i need to go rain hinahanap na ako ni Leo." ngumiti siya sakin at umalis na

kinuha ko ang mga documents atsaka ako lumabas ng starbucks at dumiretso ako sa car ko, pagkasakay ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaybigan ni ericka na naka lagay dito sa documents niya

"hello?" the girl in the other line said

"Keya Salvador?" i ask

"Speaking" she coldly said

"its rain, do you know where ericka is?" i ask her

"rain?! Her ex? Hahahaha san ba kayo lagi nagdadate?" and then the call shut

Saan kami nagdadate? What the?

Flashback

"asan na ba tayo rain?" natatawa niyang sabi habang nakapiring siya habang nagdridrive ako

"malapit na tayo just wait baby" tumawa ako

Nang marating namin ang  destinasyon ay pinark ko ang sasakyan ko sa malapit lang

"stay here okay wag na wag mong tatanggalin yang piring mo ah?" tumango nalang naman siya kaya lumabas na ako para iprepare na ang inihanda ko para sakanya

Nang matapos ako sa pag aayos ay bumalik ako sakanya at ibinaba siya, "careful" saad ko habang hawak ang kanyang  kamay

"okay open your eyes" masaya kong sabi ng matanggal ko na ang piring niya

"omyghad rain" mabilis ang yakap niya saakin habang naiiyak, "you make me so damn happy babe" napangiti ako sa tinawag niya saakin

Dinala ko siya where she can see the beauty of our town, kung saan makikita mo ang mga ilaw ng bahay sa baba na parang mga bituin.

"promise me one thing, that i am the only girl that you will bring here. " napatingin ako sakanya sa sinabi niya humiga siya sa carpet na nilatag ko habang nakatitig sa mga bituin sa taas

"yes maam, i promise" pagkasabi ko noon ay humiga sa tabi niya at sabay namin pinakatitigan ang kislap ng bituin sa langit

End Flashback

Nakatayo ako sa lugar kung saan ko siya dinala 4 years ago, its been awhile pero wala pa din sino man ang nakakadiskubre sa lugar na ito

"where are you now babe? Just like what i promise to you no another girls except from you" ngumiti ako habang nakatingin sa bitiun sa langit para akong tanga na kinakausap ang sarili habang nakangiti

"i am here." napatigil ako ng marinig ang pamilyar na boses, "but not your babe anymore." lilingonin ko palang siya ng biglang nasa tabi ko na siya she has a burst on her

"what the hell happend to your face?" hahawakan ko palang sana siya ng bigla niyang tinabig ang kamay ko.

"don't you dare." umupo siya sa bench na malapit saamin na sinundan ko naman, "what are you doing here?" tanong niya habang nakatingin sa ilaw ng mga bahay sa baba

"searching for you, cause my friends told me to. " tumawa siya pero halatang peke naman whats wrong with her?

"stop looking for something not worth looking for, rain." matapang niyang sabi, "and tell them that i wont go back in town now" napahinto ako sa sinabi niya, so iiwanan nanaman niya ang mga kaybigan niya hindi ba siya nagsasawa na paulit ulit nalang mangiwan ng wala man lang paalam.

"look, please stay? Ahm if this is between you and me please forget about it and stay with your friends here?" tumawa nanaman siya ng peke, hinarap niya ako ng taas noo.

But her eyes never dare to met mine, because she knows that when she look at me directly in my eyes i'll gonna find out what's on her mind

"iniwan ko na kayo dati bakit gusto niyo pa din magstay ako?" tumayo na siya at handa ng umalis, "at paghahanapin mo ako hanapin mo ko dahil gusto mo hindi dahil gusto nila." tumalikod na siya ng hawakan ko ang braso niya

"Paano pag sinabi ko sayong hinanap kita hindi dahil gusto nila kundi dahil gusto ko na magstay ka kahit iniwan mo na kami noon." hinarap ko siya saakin para makita ang kanyang mga mata at ng tuluyang magkita ang aming mga mata parang huminto ang mundo ko and all i can say is

"Ericka, i'm still into you." at hinila ko siya para yakapin, God knows how i love her that i can't lose her again.

***
Sorry for the typo and wrong grammars

Bloody RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon