Ngayon na itinakdang ilibing si Lolo Maximo. Mula pa kahapon nandito na ako sa bahay nila Donny kasama na rin si Mommy. Si Daddy naman at si Rachelle ang naiwan sa bahay at ngayon lang rin sila pupunta dito.
At mula na rin kahapon, wala pa kaming tulog maliban nalang kay Lenon at Dennis.
Maraming nagsidating ngayon. Mula sa mga kamag-anak nila, hanggang sa mga kasosyo nila sa negosyo. Yung iba dito ay mga taga media.
Andun ang mga bisita sa loob kasama si Donny, si Mommy, ang parents at relatives niya, habang nasa balcony ako nagpapahangin. Hindi naman nila pinapapasok ang mga media. For privacy na rin.
"Shar!" tawag sa akin ni Blaire, pinsan ni Donny.
"Oh?" close na kami ngayon ni Blaire dahil magdamag kaming nag usap kagabi.
"Nandito yung pamilya Delavin." natigilan ako sa sinabi niya. Bakit sila nandito? Syempre nakikiramay din Shar. Tanga mo naman!
"Oh! Si Kirsten Delavin." sigaw nung isang taga media. Nagsitakbuhan naman yung mga reporters papunta sa kinaroroonan ng mga Delavin. Ngumiti sila sa mga paparating na mga reporters at kumaway. Pumasok naman ang parents niya sa loob habang siya nalang at kaibigan niya ata ang naiwan dito. She looks so pretty in her white plain dress. Kumikinang ang kanyang puting balat at nagiging attractive yung singkit na mata niyang nakangiti. She's simple yet splendid. Bigla tuloy akong nanliit. Bakit ba ako ang napili ni Donny? I'm just so plain and nobody compared to that girl.
"Gaano ka close ang pamilya mo at ang pamilya ng mga Pangilinan?" tanong ng isang reporters.
"Super close to the point na they treated each other as in laws." sagot niya at patawa-tawa pa.
"Lolo Maximo had been kind to me. He treated me like I'm one of his precious grand-daughter. Kaya nang malaman namin na he's gone, we're really sad about it. Na depressed pa nga ako nung time na yun." sabi niya na nalulungkot.
"Plastik talaga ang babaeng yan. Ni hindi nga siya madalas pinapansin ni Lolo. Naiinis kaya si Lolo sa kanya." bulong ni Blaire.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi alam ni Lolo yung tunay na ugali niyan. She's bitch. Ayaw na ayaw namin ng pamilya namin sa kanya simula pa lang nang maipakilala siya ni Donny sa amin. Ang kapal kaya ng mukha niyan. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ng pinsan kong yan sa kanya eh." sabi niya
Hindi ako nagsalita.
"Sinungaling. Tsk! Precious grand-daughter? Lol! Mukha niya." sambit niya.
"Buti at ikaw yung pinalit ni Dons sa kanya. Sana kayo na hanggang sa huli. Ayokong mapunta ulit si Dons sa kanya." sabi niya. Ngumiti nalang ako bilang tugon.
"Close ba ang pamilya nila sa inyo?" biglang tanong ko.
"Hmm...not really. Kasosyo kasi nila Lolo ang papa ni Kisses." sagot niya na ikinatango ko. Bakit ka ba natitrigger? Ako matitrigger? Hindi kaya.
"May relasyon ba kayo ng isang binatang Pangilinan?" tanong nung isa na ikinatigil ko. Hello! Girlfriend here! Yan sana yung gusto kong isigaw kaso ayokong gumawa ng eksena. Ano ba!
"Hmm...just ask him nalang." sagot niya na natatawa pa. Napailing naman si Blaire.
"Sige nga. Nang mapahiya ka." bulong niya.
"Don't worry Shar. I know my cousin. Kung mahal ka niya, mahal ka talaga niya." sabi niya nang makita niyang nakabusangot ako. Nakakainis kasi! Bakit hindi nila nahalata na ako ang gf ni Donato? Buong magdamag kaya siyang nasa tabi ko. Kahit man lang dun, mahahalata na nila. Tsk!
"Balita namin, naging kayo daw nung binatang Pangilinan? Is that true? Gaano katagal na?" tanong nung isa.
"Yep. Maybe 3 years na from now. Kaso nag cool off kami after that." malungkot na sagot niya.
"I'm sure he's still love her." sabi ng kaibigan na kasama niya. Napatango naman ang mga media as if they agreed with it. Talaga lang ha!
"Ulol! Lokohin mo lelang mo. Nakakainis! Ako na kaya magsabi na ikaw na ang gf niya ngayon at mahal na mahal ka niya?" inis na sambit ni Blaire.
"Oh! Yung binatang Pangilinan!" sigaw nung isang reporter nang mapatingan sa gawi namin. Lumingon ako at nakita ko siyang nakakunot ang noong nakatingin sa gawi nila Kisses. Napatingin naman ako kay Kisses. She's giving him the sweetest smile.
"OMG! They are looking at each other. Mukhang nag uusap ang kanilang mga mata." kilig na kilig na sabi ng kaibigan ni Kisses.
"Binatang Pangilinan, totoo ba ang sinasabi nila na mahal mo pa si Kirsten Delavin?" tanong ng isang reporter.
"May relasyon ba kayo ni Kirsten?" tanong naman ng isa.
Bigla naman akong kinabahan sa mga isasagot niya.
"Trust him, Shar. He can handle it." bulong sa akin ni Blaire at ngumiti sa akin as an assurance. Kinakabahang ngumiti rin ako pabalik.
"What kind of question is that?" tanong niya.
"So totoo nga?" tanong nung isa.
"Of course not!" sagot niya kahit papano napagaan ang pakiramdam niya.
"What do you mean?" mataray na tanong ni Kisses.
"I am no longer in love with you. You see? She's my girlfriend. " sagot niya sabay akbay akbay sa akin.
"Stop making stories! And you." sabay turo sa mga media.
"I told you to give our family's privacy. And please respect my girlfriend. I really love her and I hope you have no doubt with that." sabi niya.
"Kanina pa kita hinahanap." sabi niya sa akin at hinila ako papasok sa loob ng bahay nila habang nakasunod naman si Blaire na tawang-tawa sa nangyayari."Anong nangyari Iho?" tanong ng Dad niya nang makapasok na kami sa bahay nila. Kasama nila ang parents ni Kisses.
"The media. Akala ko napaalis na yan sila?" tanong niya.
"Pinapaalis ko na yan kahapon pa. Pero matigas kasi yung ulo nila at saka nakikiramay na rin naman sila sa atin eh. Hayaan mo na." sabi ng Mom niya.
Hinanap ko naman si Mommy. Asan na kaya siya?
"Hinahanap mo ba yung mom mo? Nauna na sa simbahan eh." sabi ni tita. Napatango naman ako. Bakit hindi ko siya nakitang lumabas?
"Oh Donny, nagkita na ba kayo ng anak namin?" biglang tanong ng mama ni Kisses.
"Hi po. Yes. We just met a while ago." sagot niya.
"Excited kasi siya kanina pa. She couldn't wait to see you." sabi ng mama ni Kisses na tatawa-tawa pa.
"Yes. She told us that you guys didn't really broke up. It's just a misunderstanding. Cool off lang daw yun, right?" wika ng papa niya.
"Actually---" sasabat na sana si tita, ang Mom ni Donny nang inunahan siya nito.
"That's not true po. We're really broke up a year ago." sabi ni Donny.
"Yeah. We thought so. But Kirsten told us that it was just a misunderstanding." sabi naman ng mama ni Kisses.
"Tita, 1 year na kaming nag break. We're just remain as friends. Besides, I have a girlfriend which it's not her. This girl beside me..." sabi niya sabay akbay sa akin na halos ikatalon ko sa gulat. "she's the one po. Sorry po but yan po ang totoo."
"So what do you think of my princess, a liar?" inis na tanong ng Papa ni Kisses.
"Hindi po ako ang may sabi nun." sabi niya.
"Donny!" saway ng Dad niya. Siniko ko naman siya.
"Mom!!!" biglang tawag ni Kisses nang makarating siya sa amin.
"Kirsten! Is it true? Nagsisinungaling ka ba sa amin ng Daddy mo?" tanong ng mama niya.
"No! Why would I? We didn't really broke up. I even came here to get him back. To make our relationship back. Pero sinulot siya ng babaeng yan!" gigil na sabi niya sabay turo sa akin.
"What?" sabay na sambit ng parents niya.
"Pinahiya pa nila ako sa media kanina. She told them that I'm a liar." sabi niya. Napamaang naman ako sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang sampalin sa mga sinasabi niya.
"Kisses! Ano bang pinagsasabi mo? Gumagawa kana naman ng kwento!" galit na sabi ni Donny.
"Wag mong sabihan ng ganyan ang anak namin. Bakit mo ba pinagtatakpan ang babaeng yan? Who would have thought, baka gold digger ang babaeng yan." sabi ng mama niya na ikinasama ng loob ko. Parang anytime, iiyak na ako. Bigla naman akong niyakap ni Donny.
"Stop hurting her. Wala po kayong alam. Just ask your daughter of what really happened. Kisses, sabihin mo na kasi ang katotohanan. Stop being stubborn and delusional." sabi niya.
"How dare you!" sasampalin na sana siya ng mama ni Kisses nang pigilan siya ni Tita Maricel.
"Subukan mong hawakan ang anak ko, ako ang makakalaban mo." sabi niya
"And you even tolerating them? Oh my god! Kung malaman sana to ni Maximo, he will not happy with it." sabi ng mama ni Kisses.
"Of course! Sino ba naman ang hindi malulungkot na imbis na respetuhin yung libing niya at makikiramay sa amin, inuuna niyo pa yung pag aaway dito?" sagot naman ni Tita.
"Your son insulted our daughter. Kung umasta siya parang wala silang pinagsamahan. And you even let his girl came inside your house. Baka may mawala pa na mamahaling gamit dito. Tsk, tsk!" sabi pa ng mama ni Kisses. Humigpit yung hawak ni Donny sa akin.
"Sol!" pag aawat naman ng papa ni Kisses.
"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis na kayo." sabi ni tita.
"What? Are you serious?" mataray na tanong niya.
"Oo at kapag hindi pa kayo makakalabas within 1 minute, I will call our guards to drag you all here." sabi ni tita.
"Tita! You're not like that. You've been nice to us especially to me. You even treated me as your daughter. Nilason na rin ba ng babaeng yan yung utak mo?" sabi ni Kisses.
"Umalis na po kayo pakiusap! Bago ko pa masupalpal yung bibig mo at ng Mommy mo." gigil na sabi ni Donny.
"Wala kayong respeto! I'll pull out our shares on your company." banta ng Mommy niya.
"Sige lang." cold na sabi tita.
"And I'll make sure that you will all suffer." dagdag ng Mommy ni Kisses at saka lumabas na sila.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?