Halos kaladkarin na ni Naomi ang kanyang sariling mga paa sa sobrang pagod habang naglalakad pauwi sa bahay nila sa New Manila.Puwede naman sana siyang mag tricycle mula sa pinagtratrabahuhang Call Center sa kanto ng Aurora Boulevard malapit sa istasyon ng MRT, Pero dahil nag titipid at hora de peligro na ang laman ng wallet niya na pag disisyonan na lamang niya na tiisin na lang ang ilang metrong lakaran mula sa tinitirahan niya, kahit in her pumps na may two inches na takong ang suot niyang sapatos.
"she should remember to bring slipper or sneakers"
Hay Buhay!! habang naiiling na buntong hininga habang sinususian ung pintoan ng bahay nila at sa wakas ay umabot siyang buhay roon.
Magreklamo pa ba!? kaya nga tinanggap mo yong trabaho to kasi kilangan niyo ngayon nag pera at isa pa mejo malaki din ang masasahod mo dito, at higit sa lahat ilang metro lang ang layo dito sa bahay ,para bawas pamasahe na din dahil puwedeng lakarin --saad niya sa sarili niya.
Tamang tamang naka pasok na siya at isasara na sana niya ang pintoan ng akmang may lumapit sa kanyang isang matandang pulubi.
"One would think na tulog na din ang mga pulubi sa ganitong oras" -- isip isip ni Naomi
Neng, baka naman may kaunting barya ka diyan ,kahit sampong piso lang.
(sabay lahad ang palad nito sa harap ni Naomi)
Naku, pasensiya na po, wala na po akong pera.
(saad niya sa matandang pulubi habang umiiling)
"Nag lakad na nga lang ako pa uwi eh para makatipid at nag hihingalo narin ang laman ng wallet ko" ---sa isip isip niya muli
Kahit kaunti lang naman,pambili ng kahit tinapay pamatid gutom lang.
(saad muli ng matandang pulubi)
Kung pag kain lang, puwede naman niyang bigyan ang pulubi, pero sagad na din yong na titira nilang pag kain sa ref at sa pantry , pag ka alala nga niya bago siya umalis pa puntang trabaho na kita na lang niya na ang na tira na pag kain nila ay dalawang saging at may dalawang pirasong Spanish Bread na tinapay at mga isa't kalahating kilong bigas at dalawang pirasong sardinas na lang ang natira rito.Dahil hindi pa siya nakakapag grocery, at kung anu man ang na titira sa ref at pantry nila ay pag kakasyahin panila itong mag kapatid hanggang sa sabado sa kanyang susunod na sahod.
Pasensya na po talaga, gugustuhin ko man pong bigyan kayo eh sapat-- (hindi na niya natuloy ang sasabihin ng mag salita ang pulubi)
Ang yaman yaman walang pera! talaga kayong mga mayayaman ang kukuripot niyo sana tuluyan kayong ma walan ng pera hmmm!
(saad ng matanda na ikinagulat ni Naomi, at umalis na ito sa harap ng bahay niya)
Napapailing iling na lang si Naomi sa sinabi ng matandang pulubi sa kanya, at tuluyang isinara na ang pinto.
Naku nakuha niya siguro yong impresyong iyon batay sa bahay. Kung totoosin malaki nga itong bahay namin, isa ito sa pinaka malaki dito sa lugar namin, pero hindi ibig sabihin nito mayaman na kami agad agad.
(saad nito sa sarili niya)
Nakaraan: (Naomi Past Life )
Tubong Pangasinan ang pamilya ni Naomi, na pad pad lang sila dito ng kapatid niyang si Samantha, nong namatay ang tatay nila sa probinsya upang mag hanap ng trabaho, para sa kinabukasan ng nakababata niyang kapatid. 18 years old si Naomi nong bawian ng buhay ang tatay nila dahil sa sakit sa baga at 16 years old naman ang kapatid nitong si Samantha, ang nanay nila hindi nila alam kung asan ito mula noong nalaman nila na may iba itong asawa sa pag kaka alam nila Naomi asa ibang bansa na ito ngayon kasama ang bago niyang pamilya, kayat sa ngayon silang dalawa na lang mag kapatid ang nag dadamayan sa buhay dahil hindi naman nila maaasahan ang mga kamag anak nila dahil ka gaya rin nila hikahus din sa buhay.
BINABASA MO ANG
Hating Kapatid
Roman d'amourGaano nga ba kahalaga ang pagiging isang magkapatid? kung sa lahat ng bagay ay hati kayo?