PROLOGUE

19.3K 256 31
                                    

Disclaimer: This work of fiction, names,characters,businesses, places,events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead,or actual events is purely coincidental.

Warning!

[UNEDITED]

If you're a perfectionist don't read this

  •Prologue•

"My gosh!! Sinong ama niyan Yesha ha!? " sigaw ni ate kysha. 

" Ate I'm sorry " humihikbing sagot ko. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. 

"Alam mo namang mahirap lang tayo Yesha! Nagpabuntis kapa! 13 years old ka palang." 'di makapaniwala niyang binitawan ang salita.

"Hirap na hirap na ako sa pagtatarabaho para lang mapag-aral ka tapos magpapabuntis ka lang pala!?"

" Wala na tayong mga magulang, Yesha... Sino pang aasahan mo sa buhay? Hindi mo pa nga alam ang mundong ginagalawan mo.. Bakit naman gan'yan, Yesha? Ikaw nalang ang pag-asa e. Nangako ka sakin 'diba? Na pagbubutihin mo ang pag aaral mo...  " umiiling niyang litanya.

Sa mahaba niyang sermon, isa lamang ang naisagot ko

" Ate, si Drew ang ama " mahina kong usal. 

" Yung estupidong Drew na Bully sa campus niyo? Pa'no nangyari 'yun Yesha? Wag mo akong Pinaglololoko ah!" galit niyang sigaw. 

" Ate kasi nadala lang ako e---" 

" Nadala? Hah! Ang sabihin mo nag tinalandi ka kaya ka nabuntis! Pa'no ngayon 'yan.. Alam ba 'yan ni Drew? " 

" Hi--ndi... "

" Uuwi ka ng probinsiya! " hindi 'yun tanong kundi utos. 

" Ate naman! Let me finish my study first! " tutol ko

" Oo! Pag tapos mo mag Grade 8 ay uuwi ka na ng probinsiya. Hangga't hindi mo pa naipapanganak iyang dinadala mo ay hindi ka na muna babalik dito " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

" Ate? Maiiwan ka rito? Mag isa lang ako sa probinsya? " gulat na gulat kong tanong. 

" Malamang! Alangan namang titigil din ako sa pag aaral? Anong mangyayari sa'tin? "

" ate naman......"

" Wag ka mag alala, nandoon naman si tita Siri e. " 

" Pero ate.. Hindi ko ba sasabihin to kay Drew? " naluluha kong sagot. 

" Para ano ha, Yesha? Para sirain 'yung pag aaral niya? Para sirain 'yung buhay na tinatamasa niya ngayon? Para magmukha kang desperada sa harap ng mga matapobreng magulang niya?

" Ate kasi... Kahit baliktarin natin ang mundo anak niya parin kasi 'to" mahina kong dipensa

" Hindi na kita maintindihan Yesha! Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Tutal e kasalanan niyo naman pareho 'yan.. Pasok na 'ko sa trabaho ko mag iingat ka rito" hindi siya tumingin sa mata ko, sa halip ay hinalikan niya na lang ako sa noo bago umalis. 

--------------

I'm Yesha Grace Reyes ang batang Ina.

Dalawa nalang kami ni ate Kysha ang nagtutulungan. 19 years old na si ate Kysha, hindi ko alam kung gaano kahirap ang sitwasyon niya sa pagsasabay ng kan'yang pagtatrabaho at pag aaral.. namatay na ang mga magulang  namin .

Ang ama ko ay nagkasakit, nang mamatay si Ama ay pinabayaan na rin ni ina ang sarili niya kaya namatay din siya.. Sobrang lugmok kami sa kahirapan ng ate ko. Sobrang tanga ko kasi nagpadala ako sa tawag ng laman. Hindi ko rin alam kung anong klaseng espirito ang sumapi sa'kin nang mga oras na iyon at pumayag ako sa gustong mangyari ni Drew.

Napakabata pa namin! We're only grade 8 at nagawa na namin 'yon!

I can't believe myself!

Si Drew ay matagal ko nang hinahangaan. Hindi man siya gaanong matalino pero malakas ang appeal niya sa mga babae, mayaman ang pamilya nila at siya ang bully sa school sila kasi ang may ari ng paaralan na pinapasukan ko, hindi ko alam na mauuwi sa gan'to yung simpleng pag hanga ko sa kanya. Siguro hindi ko na muna ito ipapaalam pa sa kan'ya, baka kasi masira lang ang kinabukasan niya nang dahil sakin.

Kaayanin ko 'to kahit wala siya. Kaya ko. Kaya mo, Yesha.



•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Kindly vote and comment if you liked this chapter :>

𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!

follow this account👇
IamMulannn

I can't open this account anymore. lilipat na po ako sa account na 'yan. thankyou!

Sweetest Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon