Distance

4.1K 36 2
                                    

These stories are entirely a work of fiction.

All rights reserved. ©2013

~

1st STORY





"Jusko po! Tulungan niyo yung bata!"

"Anong nangyari?"

"Humingi na kayo ng tulong!"

"Grabe. Kawawa naman."
 

Iba't-ibang boses ang maririnig mo. Sobrang daming tao, lahat sila nagkakagulo. Iba't ibang reaksyon ang makikita mo, pero isa lang ang masasabi ko, hindi magaganda ang mga reaksyon na makikita mula sa mga mukha nila.

May nalulungkot. May nandidiri. May naawa. May natatakot.

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa mga nagkukumpulang mga tao. Sinubukan kong isiksik ang sarili ko sa pagitan ng mga nagkukumpulang mga tao. Para akong nasa isang malaking lambat na punong-puno ng isda. Masikip. Mainit. Hindi ka makakahinga.

Sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao, makikita mo ang rason ng pagkakagulo nila.

Hindi ako makapagsalita. Para bang may mali, hindi ito tama. Mali ang mga nangyayari. Hindi ito totoo. Isa lang itong panaginip. Mahaba at masamang panaginip.

Pasado ala-una ng hapon. Araw ng Huwebes, buwan ng Agosto. Madilim ang kalangitan, nagbabadya ng malakas na ulan. Sa gitna ng maraming tao, sa gitna ng maiingay na sasakyan na patuloy na dumadaan sa kahabaan ng kalyeng kinatatayuan ko ngayon, kitang-kita ko siya. Nasa harapan ko ang isang lalaki. Naliligo sa kanyang sariling dugo, habang nasa loob ng kanyang yupi-yuping sasakyan.

***

"Ano pong nangyari?!" Nakita kong lumapit si Riya sa information management ng ospital.

Kitang kita ko ang pag-aalala niya. Namamaga ang kanyang mga mata, marahil ay kagagaling lang sa pag-iyak. Naiinis ako dahil hindi ko siya malapitan, hindi pwede. Hindi maganda ang huling pag-uusap namin, at alam kong galit pa rin siya sa'kin. Sigurado akong hindi niya ako pakikinggan, hindi siya makikinig, hindi niya ako maririnig. Hindi ito ang tamang oras para lapitan ko siya.

"Kian! Kian!" Nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Halos kinakaladkad na ng mga guwardiya palabas ng Emergency Room si Riya. Ayokong nasasaktan siya, ayokong may ibang nananakit sa kanya. Sinubukan kong pigilan ang mga guwardiya pero hindi ko kaya, masyado pa akong mahina.

"Ma'am! Sa labas na lang po kayo maghintay." Pagpapahinahon sa kanya ng isang nurse.

"Hindi! Kailangan niya ako ngayon! Bitawan niyo ko! Kian! A-ano ba! Bitawan niyo ako sabi ehh! Kian! K-kian! Nandito na ako!" Halos mabasag na ang boses ni Riya sa pagsigaw. Lahat ng atensyon, nasa kanya na. Ang basag na boses at ang pag-iyak ni Riya ang tanging maririnig mo sa loob ng emergency room.

"Sige na, manong. Dalhin niyo na siya sa waiting area. Ililipat na namin ang pasyente sa OR." Sabi ng nurse at bumalik na sa loob ng emergency room. Wala nang nagawa si Riya kundi umupo sa waiting area at umiyak.

Walang pang isang minuto ang nakalilipas nang ilabas na nila ang lalaking nakahiga sa hospital bed at dali-daling isinakay sa elevator paakyat ng ER.

***

"May problema ba?" Tanong ko kay Riya.

Katapat ko siya. Nasa SB kami at katatapos lang ng klase namin.

Distance (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon