Vanessa Chapter 2
~[Yoona's PoV]~
Nandito kami ngayon sa parking lot ng Campus para ilagay at i-ayos ang mga gamit namin sa sasakyan namin na bus. Grabe! bus talaga! kahit pito lang kami, haha syempre, 3 days kami doon, kailangan ng mga damit, sapatos kung anu-anong chuchu, at syempre ang mga equipments namin tulad ng cameras, blah blah at iba pang blah blah!
"Guys? Ready na ba ang lahat ng gamit niyo?" Tinanong ko silang lahat puwera lang kay Adam na wala pa dito
"Yeps! Sa tingin ko ready na kami!" Sagot ni Chrissy sa akin.
"Death" out of nowhere na sinabi ni Sunako. Tinignan namin siya ng sabay sabay at may nakita kaming card na hawak niya.
"Huh? Anu nanaman yan sunako?" Naiiritang tanong ni Vince.
"Tarot card.. Ginagamit para makita ang mga mangyayari sa hinaharap.." Emotionless na sinabi nito
"Okay??? Kinakabahan ako sayo ha!! Totoo ba yan?!" Medyo natatarantang tanong ni Chrissy
"Who knows?" Malamig na tugon ni Sunako
"Eh kinuha mo lang yata yan eh! O baka isa lang yan? Anu yan lucky charm?" Tanong ko.
Nakita ko namang kinuha nya ang deck ng tarot cards mula sa bulsa niya. "Hindi ko lang to kinuha basta... Binalasa ko then eto ang nabunot ko..." Sabi niya.
"Uh-huh!" Nagulat naman kami ng biglang mag paramdam si JD
"Oh! Si Adam yun diba?" Turo ni Arran sa amin
Nakita naming tumatakbo siya habang hila hila ang maleta. Baket kasi ambagal kumilos netong lalaking to eh
"Uy Adam! Bilisan mo nga! Ikaw nalang ang kulang oh!" Sigaw ko habang papalapit siya
"S-sorry!!" Sigaw neto.
Pag ka lapit niya sa amin, ay agad niyang inayos ang mga gamit niya at pagkatapos noon ay sumakay na kami at umalis.
Habang nasa byahe ay naririnig kong nagbubulungan sina Vince at Arran.
"Hey vince, sa tingin mo, anu ibig sabihin nung card na nakuha ni Sunako?" Tanong ni Arran kay Vince
"Ah, hindi ko alam... Sana lang wala naman ibig sabihin yun.." Tugon ni Vince
"Eherm!! Bakit ?? Natatakot ba ang boys?!!" Malakas kong sabi, napapitlag naman sila sa gulat.
"Luh?! Anung takot?! Nag tataka lang takot agad?!" Depensa ni Vince
"Okey!! Sabi mo eh!" Sagot ko
Dahil malayo pa ang byahe naidlip muna kaming lahat at natulog, pero nanatiling gising si JD para bantayan si manong driver, baka daw makatulog din dahil sa katahimikan. Di ko lang masabi na siya din naman di nag sasalita, haha.
.
.
.
.
.
.
.
"G-guys? Nasaan kayo?" Nawawala ang mga kasama ko, gabi na din. Ako lang ang mag isa sa bus. "Di nakakatuwa ha! Wag kayo ganyan!!" Nilibot ko ang bus at mga gamit lang nila ang naiwan, pati ako. Hinawi ko ang isang kurtina sa may bintana.
*BLAG!* may duguang kamay ang humampas sa bintana at dumungaw ang isang babaeng nagdurugo ang mga mata.
"Kyaaaaaaaaaaaah!!!" Napatili ako dahil sa takot, agad ko namang isinara ang mga kurtina at hawak hawak ang aking dibdib, dahil sa takot.
"G-guys?!! N-nasan na kayo?!!" Naiiyak ko nang sabi, kahit alam kong walang makakarinig sa akin.
Muli, unti unti akong lumapit sa bintana at binuksan ang kurtina ng dahan dahan.
*tug tug* *tug tug* *tug tug*
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at yun lang ang tanging naririnig ko dahil sa katahimikan. Nilagay ko na ang mga kamay ko at hinawi ito ng dahan dahan.
.
.
Pagkahawi ko ay isang bahay sa di kalayuan ang bumungad sa akin. At sa itsura nito, masasabi kong ito na ang bahay ni Jian. Pinagmasdan ko itong mabuti at may napansin akong mukhang duguan naka dungaw sa mga bintana ng bahay. Agad nanamang bumilis ang tibok ng puso ko at isinarang muli ang kurtina. Napa upo nalang ako at huminga ng malalim, at pinilit mag relax.
.
.
.
*BLAG BLAG BLAG!!*
nagulat ako ng may kumatok ng malakas na paulit-ulit sa pinto ng bus. Kinakabahan ako at hindi ko ginawang tignan kung anu yun.
*BLAG BLAG!* tuloy tuloy lang ang pagkatok ng malakas. At bigla naman sumigaw ang kumakatok.
"Y-yoona!!! Tulong!!! Pleaaaase!!" Sigaw ng babae, pamilyar ang boses at alam kong si Chrissy yun. Umiiyak siya habang sumisigaw.
"C-chrissy?!! Ikaw ba yan?!!" Agad akong lumapit sa pinto.
"T-tulong!! Buksan mo to!! B-bilis!! Huhuhu!!" Umiiyak siya at natataranta na.
Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng bus ay huminto siya sa pag iyak at parang nagulat ng husto ang mukha. Unti unti namang lumabas ang pulang likido sa kanyang bibig at nakatingin lang sa akin. Na patakip nalang ako ng bibig at umiyak ng nakapikit dahil ayoko makita siya na ganon.
"C-crissy... A-anung nangyari?"
Dumulas na ng tuluyan ang katawan niya sa pinto ng bus at nahimlay sa lupa, pagkalaglag ng katawan niya ay nakita ko ang babaeng pumaray kay Chrissy. Na unti unti namang lumalapit papunta dito. Nang makarating ang babae sa walang malay na katawan ni Chrissy ay binunot niya ang kutsilyong binato niya sa katawan nito, at nagpatuloy sa pagpunta sa pinto ng bus. Isang babaeng duguan ang buong mukha at katawan ang nasa harap ko ngayon. Tumakbo ako papunta sa last chairs ng bus at mag tago. Naririnig ko naman ang pag basag ng babae sa pintuan.
.
.
Nawala sandali ang mga kalabog... Pero mulimg bumalik, hindi na sa pinto kundi sa bintana.
"P-please!! T-tama na!!! Sino ka ba?!!" Sumigaw ako dahil sa takot, galit at kaba. Hindi ko na alam kung anong gahawin ko.
"Tumigil ka na!!!! Pleeaaaaase!!" Sigaw ko.
.
.
.
.
"Hey!! Hey!! Gising! Yoona!!" Napadilat akong bigla habang hinihingal at umiiyak.
"A-ano nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Chrissy
Hindi nalang ako sumagot at niyakap ko nalang siya.
"P-pwede mo bang i-kuwento ang napaniginipan mo?" Tanong ni Vince
"P-please wag muna ngayon.." Sinabi ko pagkapiglas ko sa yakap ko kay Chrissy.
Umupo na ang lahat at natahimik nalang habang nakaupo sa mga upuan. Walang kahit isa ang nagsalita. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Bigla pumasok sa isip ko ang card na hawak ni Sunako kanina... Hindi kaya.. Ah basta di ko na dapat ito isipin.
*************************************
Ano kaya ang nais ipahiwatig ng mga panaginip ni Yoona?
Ano kaya ang nag iintay sa kanila sa pagdatin nila sa Rest House?
*************************************
Hi guys!! After 1 million years naka update na ako.. Sorry sorry sorry po talaga sa inyo!! Lalo na kay ate D.P. huhu T_T pero i-uupdate ko na to regularly.. :) hehe so how's the chappie 2.. Hope you like it :D
Vote!! Comment!! Share!!
~D.A.
BINABASA MO ANG
Vanessa : Sequel to The Bloody Vacation
HororSa isang hindi inaasahang pangyayari, bibigyan ng matinding pag subok ang mga magkakaibigan. Mananaig parin ba ang pananalig o matatabunan ito ng galit ng isang babaeng humihingi ng hustisya Author: @MielMonarca