My Beloved Stranger

89 7 0
                                    

Important reminder!
This story is not related to Strangers with some memories. This is just a one shot story itself.
-D



Ang lahat ay nagsimula noong una ko siyang nakitang dumaan sa harap ng bahay bakasyunan na aming nirerentahan, bitbit ang kulay itim niyang skateboard nababakas sa kanyang pawisang mukha ang pagod at uhaw marahil ay dala ng labis niyang paglalaro.

Lingid sa kanyang kaalaman, mula sa Teresa ng bahay ay pinagmamasdan ko ang kanyang bawat matipunong galaw. Pilit ko mang inaalis ang mga mata kong nakatitig sa kanya ay hindi ko parin magawa, sa kadahilanang parang may kung anong nag-uudyok sa akin na mas pagmasdan pa itong lalo.

Hanggang sa nangyari na nga ang di ko inaasahan, sa wari ko ay bigla itong nakaramdam na may kung sinong nakatitig sa kanya.

Dahilan para bigla itong napalingon sa gawi ko at nang magtagpo ang aming mga mata ay may pagtataka niya akong tinitigan hanggang sa naglaon ay napilitan ito ng titig na hindi ko na matukoy.

Kapwa lang kaming nakatitig sa bawat isa walang kumukurap, walang humihinga, parang kapwa kami ay namagnet sa mga mata ng bawat isa.

Sa mga oras na ito ay parang huminto ang aking mundo habang rinig ang malinaw na pintig ng aking puso, potangina! uso Magmura.

Sa puntong ito ay ngumiti siya ng bahagya dahilan para umiwas ako ng tingin at patagong sinapo ang aking dibdib. Jusko! Hindi ako makahinga! Tulong! Ba't angwapo niya?!

Maya-maya ay nagdesisyon akong sumilip ng bahagya sayo, ngunit laking panghihinyang ko na wala ka na sa kinatatayuan mo.

Ano ba ito? isang estranghero nagawang pabilisin ang tibok ng puso ko.




Hanggang sa dumaan ang mga araw lagi akong nakabantay sa Teresa ng bahay, pinapanalangin na ika'y muli aking makita.

Ngunit ni isa sa mga araw na ito ni anino mo ay hindi ko mahagilap, sino ka nga ba? makikita pa nga ba kita?

Kinabukasan ay nagdesisyon ang aking mga magulang, kailangan na daw naming lumisan. Taliwas man sa akin ay wala na akong magagawa, masyadong panandalian ang lahat. Bakit pa kasi ako umiwas? Bakit hindi ko rin siya nagawang ngitian o kilalanin man lang?

Nagsimula nang pinausad ni Papa ang may kalumaan naming sasakyan, ako ay tahimik lang naka-upo sa gilid ng bintana.

Nang sa hindi naman inaasahan na pagkakataon, nakita kitang nakatayo sa daan habang may lungkot sa mata na nakatitig sa gawi ko, syempre ganon rin ako.

Inipon ko ang buong tapang ko para ikaw lamang ay makawayan ko, kahit sa ganitong paraan lamang maramdam mong ika'y aking natatandaan. Nginitian mo lang ako at hayop! Nagawa mo pa akong pakiligin dahil sa simpling kindat mo.

Pilit paring ikaw ay aking tinatanaw habang unti-unting lumalayo ang ating pagitan, hanggang sa tuluyan na nga'ng ika'y naglaho sa mga paningin ko.


Ang mga araw ay naging linggo, ang mga linggo ay naging buwan, ang mga buwan ay naging taon. Ngunit ramdam ko parin na may kung anong bumabagabag sa aking pagkatao, sampung taon na rin ang lumipas at tila parang ako'y namumuhay na puno ng pag-aalinlangan sa buhay.

Ako ay ikakasal na susunod na buwan subalit parang may kulang, bakit ba ayaw akong tantanan ng mga alaalang pilit ko nang binabaon sa nakaraan? Ang gusto ko lang naman ay mamuhay muli ng mapayapa.

Ngunit alam kong mangyayari lamang iyon pag binawi ko na ang isa sa mga parte ng pagkatao ko na naiwan sa isang estrangherong pilit akong iniisturbo.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng mga brasong pumulupot sa bewang ko, mapait na napangiti ako ng mapagtanto kung sino ito. Si Wyatt, ang fiancée kong walang ginawa kung hindi mahalin at intindihin ako sa kabila ng mga pagdududa ko sa sarili ko.

My Beloved Stranger - OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon