Dear Radio (One-Shot)
written by: cyndz_j
———-
Everytime I open my radio
I am still waiting....
I am still hoping...
And I will always be listening.
"Lagi ka na lang nakikinig diyan sa Dear Radio na yan." angil sa akin ng bestfriend kong si Tamara.
"Nakaka-inspire kasi lahat ng mga stories ng letter senders eh, makakarelate ka." nakangiti kong nilakasan ang volume ng radyo saka kumalumbaba sa harapan ng lamesa.
"Asus Danica, sa pagkaka-alam ko naghihintay ka lang ng sender na may katulad ng love story mo." inismiran ko siya.
"First love will never be your last, kaya tigilan mo na ako sa pang-aasar mo ples? Ang ganda na ng kwento eh..pss wag magulo."
(And after all the trials she had face, she ended up walking in the isle waited by his groom)
Pagkarininig na pagkarininig ko nun nagtititili ako.
'WAAHHHHH, sila pa rin nagkatuluyan sabi na nga ba eh..oh ano ka ngayon Tamara, ang ganda diba?"
"Hay ang hopeless romantic kong kaibigan tsk."
"Tse!"
(Uhm may mukhang hahabol pang letter sender sa time air natin ngayong gabi partner! From Unknown sender, mula sa isang misteryosong tao)
Sabi ni DJ Popoy, isa sa mga paborito kong DJ sa radyo.
"Uy misteryoso daw" Tingnan mo tong babaeng 'to nakikinig rin pala.
From unknown sender:
I just want to share a story..a story that change my life, a memories that forever will not vanish in my mind...a story of my FIRST LOVE
Pagsisimula ng DJ.
And let me introduce this letter as a part of a story
Dear Radio,
Sa tuwing naaalala ko yung isang part ng Highschool life ko, hindi ko mapigilang maaalala SIYA. Siya kasi yung tipo ng babaeng halatang-halata mong patay na patay sa akin pero pinipigilan niyang kiligin sa harapan ko. Paano ko ba namang hindi malalaman eh kung ipagsigawan ng mga kaibigan niya ang pangalan ko tuwing uwian sa hallway ng ganito " Danica, Danica ano nga palang pangalan ng crush mo? LINDON BA YUN? LINDON?" Lagi nilang pinagsisigawan yan tuwing magkakasabay kaming lumabas ng school gate. Hindi siya umiimik pero halata mo ang pamumula ng pisngi niya, trully ng malaman kong siya yung tinutukoy nila natawa ako because literally hindi siya yung tipo kong babae..ANG PANGET NIYA KASI at hindi siya marunong mag-ayos, yung tipo bang maghapong hindi nagsuklay at nangingintab na ang mukha dahil maghapon ding hindi man lang nilagyan ng pulbo ang mukha. Naaalala ko pa nga nung minsang tinawag ko yung pangalan niya "Danica" at paglingon niya lihim akong natawa , ang baduy niya sobra! She was wearing a plain T-shirt, loose jeans, and black shoes with medyas. Ang baduy diba? "Ikaw ba yung may crush sa akin?" Nagulat siya , kaya imbes na sagutin ako kumaripas siya ng takbo. Ang wierd diba? Kaya nga ang sarap niyang pagtripan , para kasi siyang tanga. Sa tuwing binabati ko siya o kaya naman natatanaw na niyang magkakasalubong kami kaagad na siyang tatatalikod at pasimpleng tatakbo sa likod ng school para magtago. Naisip ko nakakatakot ba ako? Oh parang may sayad lang talaga siya sa ulo?
BINABASA MO ANG
Dear Radio (One-Shot)
Short StoryTribute para sa mga babaeng simple lang. Credits to Miss Ainamac:) Lovelots dear. For making the book cover so nice and awesome. All Rights Reserved 2014