Marivel POV
"Yeii..Marivel!, andiyan nasya! ang crush mo" Sinisiko ako ni johanna, kaya iniirapan kusya.
"Tumigil kanga!" pero hindi kurin ipag kakailang kinikilig nga talaga akong palihim sakanya, sabagay graduating namana ako sa next year pwede na siguro akong pumasok sa relasyon?.
Hindi rin nagtagal nalaman kung may gusto rin pala siya sakin dahil type daw niya ang babaeng simple at matalino. Nangako siya sakin ng madami at parati niya akong pinapangiti ang paburito niyang ibigay sakin simula pa nung una ay Rosas na pula. Wala siyang ibang binibigay na kung-ano ano maliban sa rosas nayun.Nagumpisa lang sa asaran ang relasyon namin ni Tristan at malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko dahil matagal kuna talaga siyang gusto. kahit na sobrang torpe at hindi makabasag pingan, daming nag kakagusto sakanya dahil maitsura siya at poging lalaki pero siya lang ang ayaw ng ganun Hindi kunga alam kung bakit naging kami? sobrang cold niya parate at pabago-bago ng mood. Lumalabas kami paminsan, minsan at parati niya akong hinahatid, sundo sa bahay namin. Kasabay kurin siya nag graduate ng koleheyo at nag pangakuan sa isat-isa.
4 years later na ang relasyon namin at nagpasya na kaming magpakasal sa simbahan kung saan parati naming pinagsisimbahan tuwing linggo. At dumating nanga ang araw na iyun.
"Ikaw babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa?" Tanong ng pare.
Nakatitig ang babae sa kaniyang nobyo na mamaya ay kaniyang kabiyak na sa habambuhay. Bubuo ng pamilya't magsasalo sa pait at tamis ng buhay sa iisang bubong.
"Oo!" Sabi ko habang nakatingin sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Ikaw lalake, tinatanggap mo ba ang Babaing ito bilang iyong asawa? at magsasama panghabang buhay, saginhawa man o sa kahirapan?"
"Oo!"
********
3years later..."Tama nah!!!..Maawa kanaman sakin?!" Pagmamakaawa ko sa aking asawa na walang tigil sapag hampas sakin ng sinturon.
"Kapag sinabi kung pumasok ka? pumasok ka!..Huh?!!" Pwersahan at marahas niya akong pinapapasok sa kwarto namin kahit hindi panaman oras ng tulog. Gusto niyang ibigay ko parati ang gusto niya mangyari, kahit labag na ito sa kalooban ko at nawawala na ang pagmamahalan namin kapag ginagawa namin ang ganung bagay.
Kinaumagahan pagkagising ko, agad kung tinignan ang mga latay na ginawa niya at pilit itong itinatago sa mga mahahabang damit na sinusuot ko. Ayaw ko kasing makita ito ng anak ko na babae dahil kapag nagtanung siya at sinabi ko ang totoo magagalit lang siya sa papa niya at ayaw kong mangyari yun.
"Mama! may ibinigay po si papang rosas kanina bago pumasok sa trabaho niya.
Pagkatapos niya akong pagmalupitan, kinabukasan may natatanggap ako sakanyang rosas at iniipun kulang ito kasabay sapag ipon ng sama ng loob ko.
Nagdaan ang ilang araw at masmalala na ang ginagawang pananakit niya saakin. tinatakot, at bina bllock mail niya ako parati. Ang daming pinag seselosan at dumaan pa ang kahirapan sa buhay namin dahil nawalan siya ng trabaho.
At dumating nanga ang araw na pinaka inaasam kung mangyari. Sawakas malaya na ako!!
Tuluyan na akong pinatay ng asawa ko, at ang huling rosas na matatangap ko mula sakanya.
Natakot ako, na mawalan ng ama ang anak ko, natakot ako na masayang ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa, natakot ako na iwan siya dahil mahal kusya.
"Papa!! Pinatay mo si mama??!!" tanong ng unika iha nilang 8 year old. At pinag susuntok ang paa ng papa niya.
Binigyan niya ng Rosas ang anak na babae at hinaplos ang ulo nito.
"Anak patawarin mo si papa." Umiyak ang lalake sa harap ng kanyang anak at inalala ang mga araw na sila ay magkasama ng kanyang asawa sa masasayang alaala. Ang unang pagkikita at ang kanilang tuluyang pagpapakasal.
"Kung nagtiwala sana ako sakanya nung una palang?.."
END
YOU ARE READING
Rose For You
Short StoryKapag ikinasal ang magkasintahan silay manga-ngako sa Isat-isa. Magkasama sa hirap at ginhawa, magtutulungan pang habang buhay at magmamahalan. Ngunit Bumaliktad ata ang sitwasyon ni Marivel, ang hinahangad niya ay isa palang pintuan sa impyerno ng...