WAI 30: Achi's Pride

36 1 0
                                    

Achi's Pov

Isang oras nalang at ikakasal na ako, sa babaeng hindi ko mahal at never kong ginusto, hindi deserve ni Janine to, lalo na't nararamdaman kong may feelings na siya para sakin, ayokong masaktan siya, pero mas ayaw kong masaktan si Taf.

"Kuya, are you sure about this?"

"Do I have a choice Gen? Tignan mo nga, wala nang atrasan to, nakahanda na lahat at isang oras nalang iniintay"

Yes kapatid ko si Genevieve na isa sa kilalang grupo na Mean Girls.

"You know what kuya.." umupo siya sa may kama ko. "Kahit kinamumuhian ko si Taf, naging mabait naman siya samin, and I like her for you, I like her better than Janine.. besides kuya, arranged marriage lang naman kayo, right? You don't love her-"

"Yes I don't, but the point is.. alam mong hindi kami pwede ni Taf kahit mahal na mahal ko pa siya, kapatid natin siya sa ama-"

"You're wrong.. di ko alam kung bakit sasabihin ko to sayo kuya kahit hindi naman dapat, dahil hindi naman ako ang dapat na magsabi sayo, hindi talaga siya natin kapatid, sinabi lang ni mom yun dahil hindi niya matanggap na iniwan siya ng lalaking yun, hindi niya matanggap na iniwan siya ni Tito Zac"

"W-what are you saying?!" gulantang pa din ako ngayon, hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Gen.

"Yung sinasabi ni mom na ang ama natin ay si Tito Zac? Hindi talaga natin siya biological father, mom had a boyfriend when that man left her, at don tayo nabuo. Hindi talaga mahal ni mom yung biological father natin, kaya lumayo siya nung kapapanganak pa lang niya sakin, pilit niyang hinanap yung dad ni Taf ngayon, at si Taf? Anak siya nung namatay na asawa ni Tito Zac"

"Bakit ngayon mo lang sinabi to?! Alam mong matagal ko nang mahal si Taf!! All this time hindi naman pala kami blood related! Pilit kong sinusunod lahat ng gusto ni mom dahil alam kong yun ang ikakasaya niya pero pinlano niya pala lahat to dahil sa di pa siya nakakamove on kay Tito Zac?!"

"A-anak.." nagulat kami parehas ni Gen dahil biglang dumating si mom. "Anak let me explain..."

"Explain?! Mom mas pinili mo yung pride at galit mo kesa sa ikakasaya ko! Buong buhay ko naniwala ako na kapatid ko si Taf kaya kahit nung highschool kami nilayuan ko siya dahil yun ang gusto niyo!"

"Anak patawarin mo ako..."

"Papatawarin kita pero hindi pa sa ngayon mom.."

I packed my things at pinunit ko yung papel na pinirmahan ko sa agreement sa arranged marriage namin ni Janine.

"Goodluck Kuya Achi" bulong sakin ni Gen.

Niyakap ko si Gen ng mahigpit at hinalikan ko siya sa noo, pasasalamat na din dahil sa pagsabi ng totoo, alam kong hindi pa huli ang lahat, oo alam kong ready na ang lahat, reception, guests, abay, and other visitors pero mali to, lalo na't nalaman ko na yung totoo.

"Thank you so much Gen, I owe you one"

"Fight for your happiness Kuya"

"I will.."

Bago ko umalis dito sa bahay, sinubukan kong tawagan si Taf pero nakapatay ang phone niya, or nagpalit na siya ng number.

"Anak please wag mo kaming iwan.." hinila niya si Gen at sinampal sa harap ko. "Kasalanan mo kung bakit aalis ang kuya mo! Paano na ang business natin with Janine's Family?!" Nakahawak pa din siya sa pisngi niya. "Ang sabi ko sayo, ako ang magsasabi ng totoo!"

"Mom! Tama na! Hindi niyo ba naisip yung mararamdaman ni Kuya? Naaawa na ako sa kanya kaya ko sinabi yung totoo!"

"Achi, halika na sa simbahan, we don't have enough much time"

"Pinunit ko na yung contract, wala nang usapan."

"Maraming backup files ang Portalejos kaya wala kang takas" napasimangot ako at humingang malalim, magsasalita palang ako ulit nang...

"Please mom, hayaan mo na si Kuya! Hindi niyo dapat gawing miserable ang buhay niya gaya sa pagkamiserable ng buhay mo!"

Isang nakakabinging sampal ang natanggap ni Gen mula kay mom, kaya napatumba ito at tinulungan ko siyang tumayo.

"Seriously mom?! Sisisihin mo pa si Gen dahil sinabi niya sakin yung totoo?! Masakit ang katotohanan mom, oo bastos ang pagkakasabi niya sainyo pero yun ang totoo! Bakit hinahayaan mo kaming mga anak mo ang magdusa? Mom just let us be, hayaan mo kaming magdesisyon sa buhay at maging masaya! Halika Gen sumama ka sakin, hahanapin natin si Taf"

"Don't you dare Achilles!!"

"Babalik nalang kami pag malamig na ulo mo mom, at pag handa mo nang tanggapin na si Taf ang mahal ko"

"Sinayang mo lahat ng pagod ko Achi! Lahat ng paghihirap ko para sainyo!"

"Oo mom, salamat don, pero kami yung ginawa mong sacrifice para sa paghihirap na sinabi mo, sinugal mo kami, lalo na ako mom!"

Hinawakan ko yung kamay ni Gen ng mahigpit as a sign na sumama siya sakin at magtiwala lang.

"Kuya ayoko, magagalit si mom.." pabulong na sabi niya.

Hinatak ko siyang pilit at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang siya sa byahe namin, alam kong gusto niya din sumama sakin, natatakot lang siya kay mom.

Pinuntahan ko na si Taf sa bahay nila, just to make sure kung nandyan pa siya o wala.

"Nako sir, wala pong tao dito, matagal na pong di umuuwi si Ma'am Taf"

"Do you have any idea kung nasaan siya?"

"Hindi po namin alam Sir"

"Eh sila Tito? Nasaan sila? Pwede hingin ko na lang contact nila? Para sila nalang tatawagan ko"

Binigay naman agad sakin ng maid yung number ni Tito. I tried to call him pero wala talaga, how can I find my girl? How can I find my true love?

Nagstay muna kami ni Gen sa isang café, pampalipas oras muna at magchill, dahil masyado na kong madaming nalaman ngayong araw.

"You really do love her."

"Of course"

"I'm sorry kuya.." nagumpisa na siyang lumuha, nakatingin lang ako sa kanya, sign na magpatuloy lang siya sa sinasabi niya. "Sana matagal ko nang sinabi, dati pa man alam ko na, pero mas pinili kong sumunod kay mom, at mas pinili kong ilihim dahil galit ang buong barkadahan namin sa kanya, pero paano kuya kung huli na? Di na kayo pwede?" Napatingin ako sa malayo saka ako nagsalita.

"Yun ang hindi ko alam, na kung tatanggapin niya pa ba ko? or may nahanap na siyang papalit sa akin"

Natahimik kami at sa sandaling yon, natanaw ko sa counter yung babaeng kasama ni Jiro  nung nagswimming kami.

"Hey I know you!" Sabay lapit ko sa kanya, hindi ko maalala ung pangalan niya.

"Achi?" Ohh buti pa siya naalala niya ko.

"Yes, uhm what's your name again?"

"Arci" napatango ako.

"Y-yeah you're right! Uhm Arci, baka naman alam mo kung nasaan si Taf"

"Hindi ko alam, pero baka si Jiro alam niya"

"Ah oo nga, pwede pakitanong sa kanya?"

"Matagal nang wala namamagitan samin Achi, madami nang nangyare, pero kung gusto mo pumunta ka sa beach na nagtagpo kami ni Jiro, alam kong malapit lang yung bahay don, at nakakasiguro akong kasama niya si Taf doon" sinulat niya yung address ng beach na tinutukoy niya at binigay saken ang maliit na papel.

"Salamat Arci.." ngumiti siya at tuluyang umalis.

Lumapit sakin si Gen tapos kinuha yung papel. "Pupunta tayo dito? 6 hours ang byahe mula dito"

"I'll do whatever it takes Gen, I love her so much that I can't bare to see her with another"

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon