CHAPTER 108 - AKIHIRO

1K 17 0
                                    


Nang matapos ang kanyang huling klase ay nag-abang si Aki sa labas ng university. Rose had promised Aki this morning na susunduin siya nito this night. At ngayon nga’y dumating na ang oras na iyun ay labis na nagtaka si Aki nang halos magkakaklahating oras na siyang naroon ay hindi pa rin dumadating si Rose.

He looks at his phone.

No message.

Kinabahan si Aki. Rose is usually the type who’ll never break her own promise. Kaya’t kung hindi pa rin ito dumarating sa pinangako nitong oras ay baka may masama ng nangyari dito. Suddenly, Aki remembers Rose’s supervisor. Natigilan siya ng maalala niya ito.

“Shit!” Mabilis na napatakbo si Aki. May iilang estudyante siyang nakakabangga pero hindi niya na ito inalinta. Nasa mahabang entrance pa rin siya ng university at kailangan niya ng makalabas rito para makasakay ng taxi. He needs to hurry up.

“Shit, why aren’t you answering?!” ani ni Aki habang pumapara ng mga dumadaan na taxi’ng hindi naman siya pinapansin. Rose’s phone is ringing pero hindi nito sinasagot ang tawag ni Aki which made him furious.

Nang wala pa ring siya’ng masakyan ay siya na mismo ang tumawid para parahin ang paparating na taxi. Ngunit nadismaya lamang siyang muli nang isnabin lang siya nito. Sa katunya’y kamuntikan pa siyang nitong banggain.

PEEP!

Isang malakas na pagpreno ang bumulaga kay Aki. Namilog ang kanyang mata dahil sa labis na pagkabigla. Akala niya’y katapusan niya  na’t mabuti na lang ay buhay pa pala siya.

“Aki?”

Nawala ang nakakasilaw na puting liwanag galing sa sasakyan nang bumaba ang dalawang may sakay nito. Noong una’y hindi niya pa iyun maaninag kung sino ngunit nang tinawag na ang kanyang pangalan ay natanto niyang si Helix at Nikki pala ang mga ito. Iyung magasawang kasama nina Rose sa bahay na kasalukuyan nilang nirerentahan. Si Nikki na hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin ni Rose. At si Helix na buong araw na bumabagabag sa isip ni Aki.

Hinawakan ni Helix si Aki sa balikat nito, “Ayos ka lang?”

Napatingin si Aki sa kamay nitong nakadantay sa balikat niya, sa pulidong dibdib nito, sa labi at pati na sa mga mata.

Helix is fucking hot, he realized.

This made Aki swallowed hard.

“A-a-ayos lang,” sagot niya.

Tangina?

Ba’t nauutal siya?

-----
Votes and comments are highly appreciated. Thank you! Hihihi. 😂

-J

When Our Wives Are Not Around (Set A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon