" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TWO
"Henry may napapansin ka ba sa anak natin?" May pagtatakang tanong ni Aling Trixia sa asawa.
"Bukod sa hindi niya pagpasok sa trabaho'y wala asawa ko, bakit?" Balik tanong nito.
"Napansin mo naman pala eh bakit hindi siya kausapin para malaman natin kung ano ang dahilan niya. Aba'y baka mapabayaan niya ang opisina ni sir Smith kapag ganyan siya." Kunot-noong tanong ni Aling Trixia.
Mula sa nakasandal sa malambot na sofa, umupo ng matuwid si Mang Henry saka hinarap ang asawa.
"Alam mo asawa ko sa mga ganyang bagay huwag na nating pakialaman ang binata natin dahil kayang-kaya niya iyan. Ang opisina naman ay gano'n din, may mga tauhan din naman si sir doon kaya kahit wala doon si Hendrix may nakatalaga pa ring taga-bantay doon." Paliwanag ng Ginoo.
Pero bilang isang ina ay hindi pa rin kumbinsado si Aling Trixia sa paliwanag ng asawa. Hindi talaga siya sanay na nakikitang malungkot ang anak.
"Hindi asawa ko, sa palagay ko'y may ibang suliranin si Hendrix kaya siya nagkakaganyan. Kailangan ko siyang makausap para matulungan din siya kung ano man iyun." Tugon nito na paupo, patayo, lakad. Dahil sa napansin kay Hendrix.
"Siya , sige hayaan mo't bukas na bukas din ay kakausapin ko ang anak natin kasi kung sa ngayon malabo na kasi kita mo namang parang pasan ang mundo at siguradong walang maisasagot sa atin kung ngayon natin kakausapin." Sukong sagot ni Mang Henry.
"Oo asawa ko bukas na lang baka sakaling masabi na niya kung ano ang problema niya.
Hindi na sumagot si Aling Trixia pero halatang hindi mapakali dahil parang may marathon training na maraming nagkakalat na pinagbihisan.
Samantalang parang hindi na namalayan ni Hendrix kung paano siya nakarating sa kanilang tahanan. Sa unang pagkakataon ay natulala siya, kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang hanggang sa kasalukuyan ay galit pa sa kanya ang babaing lihim niyang minamahal since their high school years.
But the more painful part is may nobyo na pala ito. All he think is wala pa bagay na hindi niya nalaman dahil na rin subsob siya sa pamamalakad sa detective agency ng pamilya Smith.
"Bakit gano'n? Kung kailan handa na akong aamin at hihingi sana ng sorry sa kanya'y saka pa huli ang lahat." Wala sa sarili na bulong niya.
And his inner mind answered.
"Alam mo talagang ganyan ang buhay. Tanggapin mo na lang ang katutuhanang hindi kayo ang nakatadhana para sa isat-isa. All you need to do is accept the truth, set all your feelings free for you to move forward." Sabad ng ibayong bahagi ng isipan.
Bagay na duda siya kung magagawa niya agad-agad.
"I don't know what to do now. Parang hindi ko kayang iharap ang sarili ko ngayon sa kanila lalo at naamin ko ang lahat sa harapan nila." Muli ay bulong niya na para bang bubuyog na bulong ng bulong.
"Hindi naman naging kayo pero bakit ka nagkakaganyan? What if naging kayo eh di mas malala ang gagawin mo? Well, para sa ikabubuti mo'y mag-isip ka ng maayos. Kung kinakailangang lumayo ka para sa time and space gawin mo dahil hindi puweding magmukmok ka lamang dito. Pero bago mo gawin 'yun ay dapat siguraduhin mong may maibubunga itong maayos sa buhay mo. Tandaan mo permanent ang trabaho mo sa Smith Detective Agency kaya huwag kang padalos-dalos sa desisyun mo." Parang baliw na kinakausap ang sarili.
Kaya naman bago pa siya mabaliw ng tuluyan ay muli siyang tumayo at inayos ang sarili saka muling lumabas ng kuwarto.
He will breathe some air outside their home!
BINABASA MO ANG
NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficção GeralDrama, general fiction. A story that will makes you cry, makes you laugh, to hate, to curse maybe even you will hate the writer too. But at the end you will love it after all.