Ilang araw nadin ang nakalipas ng gawin ko ang karumal dumal budol gang nayon sa kanya. Wala siyang paramdam. Nagdadrama siguro ang gago. Kala mo naman importante para suyuin. Excuse me, nahiya ang megamall bigamall na salamin ko sa kanya no. Eto na paparating na ang mga impaktang plastikadang fresh from factory ng polbo, factory ng nakipaghalikan sa langgam kaya ganon ang labi, factory ng pentel pen dahil sa kakapal ng kilay parang mukha lang nila. Oh pak gandang pagkaka intro diba? Ganon talaga mga hampaslupa mga yan. Take note! Wala kayong manonote sa mga yan.
"Dear nandito ka pala, diko napansing nageexist kapa pala" ura uradang sambit ng lider lideran nila. Boplaks naman neto nakita na nga ako tapos sasabihing di napansing nageexist ako. Poor members of this factory gang. How sad that u guys were leading the wrong way which is kanal dun naman kayo nababagay. Sabi ng 1/4 na bahagi ng utak ko. Told yah may mahihita padin naman kayo saken.
"Oh so nakakawawa naman sya dear, look oh there's some dirt on her blouse ghadd nakakadiri" segunda naman ng isa. Ang may ari ng factory ng pentel pen. Yahoo!! Nagsalita ang mas mukha pang basura saken.
Nangingiti lang ako habang nakatitig sa kanila. Para kasing mga tanga kala mo naman ikakaganda nila. Susmaryo! Mas maganda padin ako sa kanila no.
"Malandi ka! Inagaw mo samin si pafa Alex" purong katangahang sambit ng pabibo nilang leader. Ghad!! Too pooooooorrr.
"Dapat sayo pinapalipat na ng school"
"Di ka nababagay dito"
"Malandi kaaaa!!"
"Nerd kalang, mas maganda padin ako sayo"
Osige bahala kayo dyan mag ngangawa. Mas kilala ko naman ang sarili ko kesa sainyo no. Hello! Pero bago ko sila talikuran nagiwan muna ako ng mga linyang magpapataas ng buhok nila sa taas, gilid gilid at baba ng katawan nila.
"Maawa ka sa sarili mo, sa mga sarili nyo. Lahat ng sinabi nyo bagay na bagay sainyo. And wait there is no more, nakikita nyo tong school na to? Wag nyo ng pangarapin pang makita ang pinaka maganda kong mukha dahil baka pag diko kayo natantsa kangkungan ang bagsak nyo"
Yan ganyan dapat. Feeling powerful. Nerd na palaban ganern. Ravannnn lang. Habang naglalakad ako papuntang coketeria para sana bumili ng pinakamahaba at maikling hakdog nakasalubong ko ang taong niregaluhan ko ng pinaka at pinaka sa pinaka mabangong utot. Ang utot ng buhay ko. Alex my love so sweet.
"Kamusta kana dear asie?" nang aasar na sambit ko.
Sumimangot naman ang mukha nya nababatid kong naaalala nya padin ang amoy ng buhay ko " eto buhay pa naman" insert sarcasm sa tono ng pananalita nya. Yung itsura ng gago akala mo e naagawan ng trono sa pagkakabusangot ng mukha. I mean naagawan ng trono sa inidoro. Ang cute nya ha. Infairness, mana din pala to saken.
"Kala ko'y namatay kana dahil don sa regalo ko e, iuwi mo pa ba naman" dagdag ko. Isipin nyo yon? Sobra sigurong natuwa sa utot ko at iniuwi pa sa bahay nila sira talaga ang gago.
Pero subalit sapagkat datapwat ngunit baka kalabaw charooot. Papalapit sya ng papalapit sakin diko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng paa ko ngayon. Baka usto ng tumakbo. At sa pagtigil nya eto talaga yung nakapag patibok ng dapat tumibok
"Iniuwi ko kase. I want u to be FART of my life. Na kahit sa bahay lang kasama na kita. Na bumalik kana. Na parte kana ulit ng buhay ko. Na yung dati pa ulit" may bahid ng saya, lungkot at pagkadismaya ang mukha nya.
Kung pwede lang bakit hindi Asie?
Kung kaya lang.
Kung kaya ko lang.
YOU ARE READING
Like a Bullet ( TO BE EDITED )
General Fictionpilit akong hinahatak ng nakaraan sa mga ala alang dapat ay matagal ng kinalimutan.