Paano Magmahal ng Amerikana - Chapter 2

23 0 0
                                    

Matapos ang mahigit dalawang oras na flight, nakarating na din kami sa New York. First flight ko ito, kaya ramdam na ramdam ko talaga ang jetlag. Si Red naman, sa sobrang himbing ng tulog, humihilik pa sa tabi ko. Wala man lang isang araw na hindi siya humilik habang tulog.

Anyway, sinalubong na kami ng isang team na galing sa kumpanya.

“Good day, gentlemen,” bati sa amin ng isang lalake na parang head ng team na sasalubong sa amin. “Your shuttle is already here. We are glad you choose V&F Corporation for your internship. I am Mr. Fitch, Head of Operations.”

“It’s an honor meeting you, Mr. Fitch.” sagot ko sa kanila. Nakipagkamay kami sa buong team pagkatapos nun.

Inescort nila kami papunta sa shuttle, at paglabas ko pa lang ng airport, namangha na agad ako sa mga nakita ko. Mga naglalakihang buildings, maaliwalas na hangin, samu’t-saring tao. Ito na nga ang Amerika. Namamangha pa din ako hanggang makarating kami sa main building nila.

“Welcome to V&F Corporation. May you enjoy your visit and your work here.” nakangiting pagbati sa amin ng receptionist sa may entrance ng building.

“Hoy, Justin. Baka matunaw yung receptionist kakatitig mo. Kakarating lang natin, chicks agad hanap mo.” hirit ni Isko kay Justin na hindi na naalis ang tingin sa front desk.

“Kilala mo naman ako, Isko,” sagot ni Justin. “Chicks are my life.”

“Sige, sabihin mo yan sa presidente ng kumpanya.” sabi ni Red. “Tingnan lang natin kung may internship ka pang hayop ka.” Nagtawanan kami pagkatapos nun.

Mahigit sampung palapag din ang building nila. Sa isang floor, puro kainan lang. Sa isa pang floor, puro recreational activities. Gym, swimming pool, lahat-lahat na. Then the rest, offices na.

Nasa 10th floor ang office ng presidente, pati na rin ng mga nasa executive board. Pinapunta kami sa board room kung saan daw kami ibi-briefing ng mga policies sa loob ng office.

“Good morning, gentlemen,” bungad ni Mr. Johnson, CEO ng kumpanya. “We were glad that we have interns coming from the Philippines as part of our tie-up project with your country. Now, we’ll begin to discuss our company, and the rules and regulations inside and also outside the company.”

Sobrang haba din ng briefing na yun. As in. Isipin mo, 3 oras ka makikinig sa mga pinagsasabi nila? Tapos, wala pang break? Mas malala pa ito kesa sa boring naming professor sa History eh. Kasi at least yun, may break.

“And that’s for your briefing session. You will escorted to your respective cubicles. Again, welcome to V&F Corporation.” Nakangiting tinapos ni Mr. Johnson ang meeting, at kinamayan kaming lahat.

“Gentlemen, if you could please follow me,” sabi ni Mr. Fitch na kasama din sa meeting.

Dinala kami ni Mr. Fitch sa aming mga cubicle sa may 7th floor. Maganda ang set-up kasi tabi-tabi kaming apat. Sa isang cubicle ay may dalawang tables para sa dalawang employee. May shelves sa taas na pwedeng paglagyan ng mga papers and stuff. Magkatapat ang cubicles naming apat, kaya pwede kaming makapag-usap-usap. Si Red at Justin ang magkasama, habang kami naman ni Isko sa kabila.

“Ayos ‘tong setup nila ah?” namamanghang pagkasabi ni Red habang paupo na sa kanyang table. “Hindi tayo magkalayo, at same department lang tayo.”

“Oo nga eh,” sagot naman ni Isko. “Sana di mahirap ang trabaho dito sa Operations.”

Kitang-kita kay Justin ang lungkot sa kanyang mukha habang umiikot ang tingin sa buong floor.

“Oh, bakit mukhang dismayado ‘yang si Justin?” tanong ko.

“Walang chicks eh.” nakatungong sagot sa akin ni Justin. Hindi namin mapigilan ang kakatawa hanggang sa patahimikin kami ng iba pang employee sa floor na yun.

Paano Magmahal ng AmerikanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon