Ara's POV
It's my Kuya's birthday today kaya uuwi muna ako sa Pampanga. Sasama si Thom dahil sabi ni Kuya huwag daw akong umuwi kapag hindi kasama yung bansot na yun. Seriously, sino ba ang kapatid niya? If I know, gusto niyang andoon si Thom dahil maraming lumalapit na babae sa kanya. Ang problema lang hindi naman siya ang talagang nilalapitan, kung hindi yung boyfriend ko. Tsk.
Riiiinnggg Riiinngggg....
Ara: "Hello?"
"Babe, I'm here na sa labas." Sino pa ba ang kilala niyong conyo? Hehe
Ara: "Palabas na 'ko."
Noong lumabas na ako ng gate, sinalubong ako ni Thom and kinuha ang dala kong gamit.
Thomas: "Babe, para kay Kuya Jun lahat ng J. Co? 6 boxes? Galante mo ata ngayon? Hahaha"
Ara: "So sinasabi mong kuripot ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Thomas: "No kaya. Who said my girlfriend is kuripot?" Lumapit siya at sabay back hug sa akin. "Ang aga-aga eh mainit na ulo mo. Red days ba?"
Ara: "Ba't ba ang conyo mo?" I chuckled.
Thomas: "It just comes naturally eh. Hahaha"
Ara: "Tara na at babayahe pa tayo but Babe daan muna tayo kina Mika. May sakit daw si Ice eh. Para sa kanya yang 2 J. Co."
Thomas: "Bait mo talagang tita. I bet you're gonna be a great mom to our kids. Gawa na kaya tayo?" Sinamaan ko nga ng tingin. "Joke babe. Joke. Mmmwwaaahhh. I love you."
Ara: "Tara na nga. Dami mo talagang alam. Hahaha I love you too."
Thomas: "Sweet. Sige, lets go na."
Pumunta na kami sa bahay nina Mika. Medyo matagal ko na rin hindi nakikita yung mag-ina. Busy rin kasi ako sa trabaho for the past few weeks.
Sally: "Good morning po Ma'am Ara, Sir Thomas."
Ara/Thomas: "Good morning!"
Ara: "Si Mika? Si Ice kamusta na?"
Sally: "Tulog pa po sila. Okay na po si Ice. Nawala na yung lagnat niya kagabi."
Ara: "Mabuti naman. Pakikuha na lang nitong dala ko for Ice. Akyatin ko na lang sila ha."
Sally: "Sige po. Andun po sila sa kwarto ni Ice."
Ara: "Thom, samahan mo ko?"
Thomas: "Sige."
We went upstairs. Pagbukas namin ng kwarto...
Thomas: "Ohhhhhhh..."
Ara: "Anong ginagawa ni Jeron dito?"
Thomas: "Babe, magkasama tayong pumunta dito. Malamang hindi ko rin alam. Hahaha."
Ara: "Shhhhhh. Pilosopo ka talaga."
Thomas: "Mahal mo naman."
Ara: "Aishhhh!" Kainis talaga 'tong bansot na to. "What are you doing?"
Thomas: "I'm taking a photo of them."
Ara: "Why?"
Thomas: "Documentation purposes and for social media. For sure magkakagulo ang mga fans ni Jeron."
Ara: "Malalagot ka sa bestfriend mo niyan eh."
Thomas: "Don't worry. He's gonna thank me pa nga eh." At tuluyan na nyang kinunan sina Jeron, Mika and Ice. "Babe, look at them oh..." He showed me the photo. "They looke like a real family talaga."
BINABASA MO ANG
Totally Unexpected (JeMik FanFic)
FanfictionTo fall in love is easy, even to remain in it is not difficult; our human loneliness is cause enough. But it is a hard quest worth making to find a comrade through whose steady presence one becomes steadily the person one desires to be. --Anna Louis...