13: Gino

346 25 0
                                    

ANDRES

Dalawang oras bago kami magkita ni Gino, naligo na ako. Nilinis 'ko ng mabuti ang sarili 'ko. Hinilod ang bawat parte ng katawan 'ko. Pinili 'kong i-suot ang damit 'kong hindi pa nagagalaw. Bagong taon, bagon damit. May bagong jowa din ba kaya? Choz.

Sa tingin 'ko'y maganda at maayos naman ang suot 'kong black undershirt with white abstract print, black demin jacket, at denim pants. Tama lamang sa kaswal na tanghalian kasama ang pamilya. In-accessorize 'ko na lamang ng Casio digital watch upang hindi naman boring tignan ang pigura 'ko.

Mabilis ang usad ng trapiko sa kalsada patungo sa coffee shop. Habang papalapit, namumuo ang nerbyos sa akin. Mababa pa nga sa normal speed ang pagpapa-andar 'ko sa sasakyan. Kinakabahan kasi ako sa hindi malaman na dahilan. Sadyang napakabilis lamang ng mga pangyayari. Kakikilala 'ko pa lamang doon sa tao, makikilala na agad ng pamilya 'ko.

Mabait na nilalang naman si Gino. Siguro nga'y hindi ako mapapahiya na makilala siya ng mga importanteng tao sa buhay 'ko. Mukhang mabango, matalino, masipag at pursigido sa buhay. Hindi na rin siguro ako papalag.

Pero ang tanong: Gusto din kaya niya ako?

Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan sa saradong coffee shop, nakita 'ko na siya. Suot niya'y plain white shirt na pinatungan ng dusk-colored jacket, darker denim pants, at white board shoes. He is undeniably gorgeous. Sa abala ng aking titig sa kanya, napalingon siya sa aking paparating na sasakyan. Lumundag ang puso 'ko nang ngumiti ito. Ngiting kay tamis.

Tumigil ako sa tapat niya't ibinaba ang salamin.

"Hey, sunshine." Bati niya nang yumukod ng silip sa loob ng sasakyan.

Pipigilan 'ko sana ngumiti kaso tinraydor ako ng mga sarili 'kong labi. Namula pa nga yata ang pisngi 'ko.

"Pormang-porma tayo, ah." Biniro 'ko na lamang ang kinikilig 'kong pakiramdam.

Ngumuso pa ito na animo'y mayabang. "Ayos ba?" Sabay ikot niya.

Bumusina ang sasakyang nasa likod 'ko kaya mabilis 'ko na siyang pinasakay. Humahangos pa siya nang maka-upo sa aking tabi sa harap at natawa na lang sa pangyayari habang nagkakabit ng seat belt. Akin namang pinaandar na ang sasakyan bilang panandalian kaming naka-abala sa mga sasakyang nakasunod sa amin.

"Kanina ka pa naghihintay?" Me, starting a conversation.

"For about ten minutes lang."

"Thank you for waiting, ha. May nakalimutan lang kasi ako sa bahay kaya bumalik ako." Obviously, it's a lie. Ang tagal 'ko kayang nag-ayos.

"I like waiting, especially if something is worth waiting for."

Napatikhim ako ng labi. There he goes again. Making me feel kilig unconsciously.

"Magpatugtog tayo, ayos lang?"

Saglit 'kong siyang nilingon. "Oo naman."

Binuksan 'ko ang speakers. He connected his phone to the wireless speaker and played a South Border hit, With a Smile. From my peripheral, I can see him mouthing the lyrics of the song. I like guys with a good choice of music. But I like guys if they also like Regine V. Para jive kami!

"Saan nga pala tayo pupunta?"

"Antipolo. In Richdale Subdivision."

Hindi agad siya sumagot. Tila pinagmasdanan niyang maigi ang sarili sa salamin ng sasakyan.

"Oh, bakit?" Nagtataka 'kong tanong.

Sandali 'ko siyang sinilip. Marahan naman akong natawa. "Don't be nervous."

One Great Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon