Chapter 27

60 3 0
                                    

Cristine Dela Vega

Hindi ko napansing may sampung minuto na pala akong nakatayo sa pintuan ng isang kuwarto, bago ko pihitin ang seradura ng pinto upang buksan....

Ngunit ng mabuksan ko na ito ay para akong nabalot ng pagkalito, dahil isang foreigner na teenager ang pasyenteng nakita ko, at hindi ang inaasahan kong si William.



Kausap ng binata ang sa tingin ko ay nanay nito na mestisa rin. At sa kabila ay isang pilipinong lalaki na medyo may katandaan na, at mukhang nasa 50's ang edad.

Marahil nga ay sila ang magulang ng pasyente....

"U-uhmm...I'm sorry.. I thought this is the room of William Dela Vega, my husband "

Hinging paumanhin ko sa mga ito na halata ang pagkalito sa boses ...dahil mukhang sila man ay halatang naguguluhan sa biglaang pagdating ko.




"What a coincidence, Dela Vega rin ang apelyido ko. He is my son, at William rin ang pangalan niya.."



Paliwanag ng pilipinong lalaki na masayang pinakilala ang anak niya, humingi na lang muli ako ng pasensiya at umalis na lang para muling magtanong sa nurse na nakausap ko kani-kanina lang.




Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa tagpong nangyari kanina.


Dalawa pala ang may pangalang William Dela Vega ang nagkataong naka-admit sa hospital na ito, kaya nagkaroon ng misunderstanding sa pagitan namin ng nurse na nakausap ko.



Binigay niya  sa akin ang panibagong room number at umaasa akong sana ay tama na ang mapuntahan kong kuwarto.



………

William Dela Vega




"Good morning, how's your sleep binalita sa'kin ng doktor mo na umeepkto na ang treatment na binibigay nila para sa kondisyon mo. That's a great news, mabubuo nang muli ang pamilya natin"....

Lumapit sa akin si mama at nakipagbeso.

Tsk, nahihibang na na siya anong pamilya ba ang sinasabi niyang mabuo, balak niya pa yatang magreunion kami sa bilangguan kasama si kuya.


" That won't happen, nakakulong na si Kuya".


Mahinang tugon ko kay mama na halatang masaya ang awra, naisip ko tuloy na iyon ay baka dahil sa binalita ng doktor...

Kakaupo lang ni mama sa couch ng may bigla na namang kumatok sa pintuan, dahil sa medyo naiinis na rin ako ay bumaba na ako sa kama para ako na mismo ang magbukas, pinigil pa ako ni papa , pero sinabi kong ako na...



I was like a statue stoned in place when I saw the person standing in front of me.



She smiled, but my expression towards her presence did not change,  I closed my eyes to suppress the emotions that confused my whole being with unkown reasons. When I tried to opened my eyes once more... 



She is here...

and I wasn't dreaming at all.




And somehow, I felt the unexpected happiness when my eyes laid on this woman again.




"William, sino bang-- Cristine?"




Naputol ang titigan naming dalawa nang magsalita si mama, na kasalukuyang nakatayo sa likuran ko.


Pumihit ako paharap sa kanya at si papa naman ang pumunta sa gawi namin. Pinapasok niya si Christine sa loob tiyaka isinara ang pinto, samantalang kami ni mama ay kapwa nanatiling nakatayo at wala sa wisyong pinagmamasadan ang kadarating lang na si Christine, habang kinakausap ni papa.





Iniwan ko si mama sa kanyang kinatatayuan at saka ko dinaluhan sila papa,  hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Christine,  kung kanina ay di maputol ang pagtitig ko sa kanya ngayon naman ay hindi ito sa'kin makatingin ng diretso . Naabala lamang ako ng magpaalam na si papa para puntahan ang nangunguwestiyon na si mama....



Natigil lang ang ingay sa kuwarto noong umalis na sila matapos ayain ni papa si mama na lumabas para bigyan kami ng panahon na makapag-usap ng kaming dalawa lang.




Umupo ako sa kabilang side ng kinauupuan ni Christine, at itinuon ang pansin ko sa aking mga daliri sa kaliwang  kamay, na nakahawak sa swero na kani-kanina ko pang bitbit, at dito'y napansin ko ang wedding ring namin na hindi ko pa pala tinatanggal sa daliri ko.




It would be a waste of time kung mananatili lang kaming walang imik sa isa't-isa kaya't ako na ang naginitiate ng conversation sa'ming dalawa.




"Kung nandito ka para kaawaan ang lagay ko, makakaalis ka na hindi ko kailangan ng awa mula sa'yo, mula sa iba , ayoko ng kinakaawaan ako!"




"Hindi ganoon william...ang gusto ko lang..."





"Gusto mo kong makitang nahihirapan at pinaparusahan tama?" 





"Hindi ko gugustuhing makita ang asawa ko sa ganoong sitwasiyon, I went here para alagaan ka "



"Wala ka ng obligasiyon pa sakin... I told you to sign the papers before I left... "




Mahina kong sabi rito, habang nakayuko pa rin. Hindi ko maintindihan kung bakit di ko siya matingnan ng diretso , kaya ang tanging nagagawa ko na lang ay ang sungitan na naman siya ...



Lalo pa at ilang dangkal na lang ang espasiyo sa pagitan naming dalawa.





"Hindi ko iyon pinirmahan... "





tiningnan ko siya na para bang litong-lito , at sa sinabi niya ay mukhang hindi nga siya nagbibiro.





"Kaya kong kalimutan lahat, at kahit ilang beses mo pa kong saktan mapapatawad pa rin kita , katangahan man sa paniningin ng iba, mahal kita at gusto kong magsimula tayong muli sa umpisa"




Hiniwakan niya ang kamay ko at inilagay sa pisngi niya , naramdaman ko rin ang mga luhang pumapatak sa kamay ko, pero isang tanong lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, karapat-dapat ba ako sa babaeng nasa harapan ko ?




Naging bulag ako para makita ang halaga niya , at ang babae palang sinayang ko ay ang parehong tao na sasalo mula sa pagbagsak ko.





"Sorry.."





Tila huminto siya sa pagiyak at kusang napatingin sa akin.





"For years, you haven't heard this word coming from me. Ito yung unang beses na humingi ako ng patawad sa'yo , at alam ko na hindi naman sapat lang ang isang sorry sa dami ng atraso ko sa'yo..."





Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ako naman ang humawak sa kamay niya...




"I know that this will be too much to ask... But please stay in my life no matter what... At pangako gagaling ako sa sakit ko, gagaling ako para sa inyo" 



Hindi siya sumagot at para bang nabigla sa mga sinabi ko...


At sa halip na punasan ang mga butil ng luha na patuloy sa pagbagsak dahil rin yata sa huling  sinabi ko ay ako naman ang sunod na nabigla sa ginawa niya , naglapat ang mga labi namin at  kusang na lamang pumikit ang mga mata ko, dahil sa tuwa at pagasang bumabalot sa'kin sa pagkakataong iyon.










#roadtofor[n]ever?

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon