Prolouge

8 0 0
                                    


Naglakad pauna si lola at kumuha ng isang rosas sa isang damuhang puno ng rosas. "Ito ang magiging daan patungo sa titirhan mo ineng." Sabi niya at inabot saakin ang rosas na hawak niya.

Nang hawakan ko naman ito ay wala namang nangyari, kaya sinuri ko ito, di sinasadyang mahawakan ko ang tinik nito kaya dumugo ang hintuturo ko at muntik ng mabitawan ang rosas, ngunit bigla nalamang nagliwanag ang harapan kaya napatingin ako duon. Isang daan ang nanduon, may nakaukit na RD sa itaas nito at maraming rosas ang nakapaligid dito.

Gulat na napatingin ako kay lola na siyang nakangiti ngayon saakin, napatingin muli ako sa gate at parang tila may pwersang nahigit saakin papunta doon, sobrang lakas na parang hinihigop na ako nito, napatingin ako kay lola ng makitang hindi siya ko siya kasama.

"Sage remember, you belong in there...." Huling sambit ni lola bago ako tuluyang mahigit papasok duon sa gate.

Ruminate DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon