Tragic

75 0 0
                                    

This is a work of fiction, names, characters, businesses, place,  events, and incidents are either the products of the Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

WarningAng istoryang ito at naglalaman ng maraming typo graphical errors maging sa pagkakamali ng grammar. Pagpasensyahan na.

~~~~~~~~~~

"Eury!"

"Eury bumaba kana, malilate kana sa klase no!" Sigaw ni manang.

"Pababa na po Manang!" Sigaw ko at nagmamadali kong inayos ang aking sarili at kinuha na ang aking mga gamit para sa araw na ito.

Patakbo akong bumaba ng hagdan at agad na dumiretso sa hapag kainan. Naabutan ko si papa na nagbabasa ng dyaryo at si mama na sinusubuan ang nakakabata kong kapatid.

"Good Morning Ma, Pa" Nagmano ako at hinalikan ko sa pisngi ang nakakabata kong kapatid na si Theon, hindi pa ako nakuntento at pinanggigilan ko pa ang mataba nitong pisngi.

"Eury tigilan mo na si Theon hindi na sya makakain ng ayos. Umupo ka na at magsimula ka ng kumain para makapasok ka na" sambit in Mama. Pinisil ko ulit ang pisngi ng kapatid ko. Ang taba taba kasi at mamula mula pa ang pisngi nya


"Hindi na po Ma. Nagmamadali na po kasi ako dahil malilate na ako" Pagtanggi ko. Kailangan ko ng bilisan. Kinagatan ko ang isang sandwich at gumawa pa ng iba para may maibaon. Mahirap ng pumasok ng walang laman ang tyan.

"Bye baby Theon papasok na si ate, pakabait ka ha?" Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap nya naman ako. Awwww ang kyut kyut talaga ng kapatid ko. Mana sa ate hihihi.

"Bye ate"

"Ma, Pa papasok na po ako" Nagmamadali akong sumakay ng kotse at naghanda na papuntang eskwelahan.

"Mag ingat ka!" pahabol no mama.

"Opo!"

Hindi nagtagal at nakarating na run ako sa school. Sinukbit ko na agad ang bag ko at nagmamadaling  bumaba ng sasakyan.

"Huwag nyo na po akong sunduin mamayang hapon Mang Koko. Pakisabi na lang po kay Mama at Papa na may ginagawa akong mga school stuffs" paalam ko.

Nakadating naman ako ng matiwasay sa room ng hindi nadadapa sa sobrang nagmamadali. Umupo na ako sa upuan katabi si Denise na kaibigan ko. Dumating na si Ma'am Evanghelista ang aming English teacher at sinimulan ng magturo.

---------

Nagsilabasan na kami mg tumunog ang bell hudyat ng recess. Dahil ang mga kaklase ko ay hindi naman masyadong gutom. Nag unahan silang magsilabasan kaya di na muna ako lumabas. Mahirap na masiksik at sa halip ay nag ayos muna ng aking gamit. Sa wakas at natapos na din ang stampede at naisipan ng lumabas ng mapansin ko si Denise na abala pa din sa pakiki paglandian sa kanyang  cellphone.

"Huy! Recess na Danielle Clarisse Delacruz Amorsolo!" Tawag ko sa buong pangalan nya. Panigurado maiinis na naman yan dahil binanggit ko ang buong pangalan nya. Masyado daw pambabae kaya Denise na lang daw mas maikli at hindi masyadong pambabae. Para namang hindi pambabae yung Denise.

"Eury naman eh!" Nagmamaktol na sabi nito.

"Recess na Denise at wala ka paring balak tumayo. Inuna mo pa yang page ce-cellphone mo" pangaral ko.

TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon